PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kaloy Tingcungco thankful to be part of Unang Hirit family

The long-running GMA-7 morning show recently celebrated its 25th anniversary.
by Rose Garcia
Published Dec 15, 2024
Kaloy Tingcungco with Unang Hirit
Kaloy Tingcungco still can't believe that he's now part of the Unang Hirit family as one of its new co-hosts. He says, "Who would have thought na magiging parte pala ako ng longest-running morning show on Philippine television, ang Unang Hirit?"
PHOTO/S: @KaloyTingcungco on Unang Hirit

Kabilang si Kaloy Tingcungco sa bagong batch ng hosts ng Unang Hirit, ang longest-running morning show sa bansa mula sa GMA-7.

Sa ginanap na mediacon para sa 25th anniversary ng Unang Hirit na ginanap sa Gateway 2, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kaloy kung paano nabago ng morning show ang buhay niya.

“Paano nabago?” balik-tanong niya.

Napaisip muna ito, kaya kinumpirma muna namin sa kanya kung nagbago nga ba ang buhay niya nang maging bahagi siya ng Unang Hirit.

Muling hirit niya, “Definitely, definitely, but I just can’t put it into words kung paano nabago, kung gaano kalaki yung nabago yung life ko for the past, almost three years.

"Who would have thought na magiging parte pala ako ng longest-running morning show on Philippine television, ang Unang Hirit?

“Well, una, siyempre sobrang saya.”

At saka niya itinuro ang kanyang pamilya, kabilang ang kanyang ina na nakaupo sa hanay ng ilang media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My family is here as well. Nandito ang mommy ko. Isa sa pinakamasayang naging parte ako nitong tinututukan lang namin dati na morning show kada-umaga.

"Pero I’m super, super grateful because it has opened a lot of great opportunities for me. Not just professionally but also personally.”

Sabi nga niya, “With my private life, I’m a nobody naman. It gave me a lot of recognition and also, praise from people whom I never thought would compliment me in such a way na ikatutuwa ko talaga.”

Read: Unang Hirit, ipagdiriwang ang 25th anniversary sa December

kaloy on bond with unang hirit co-hosts

Hindi napigilang maging emosyonal ni Kaloy nang biruin ito ni Arnold Clavio at sabihan na “Iiyak na iyan!”

“Si Mommy ang umiiyak,” biro rin niya pero makikitang teary-eyed na.

Ani Kaloy, maraming nabago sa buhay niya simula noong maging host siya ng Unang Hirit, at naging malaking bahagi ng pagbabagong ito ang kanyang co-hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’ve learned to be more adaptable to other people. Kasi, iba-iba kami ng mga pinanggalingan sa buhay.

"But here we are, as a family at iba yung connection naming lahat. Iba yung rapport, iba yung friendship on- and off-cam, which is so amazing.

“Kasi hindi siya yung usually pala nangyayari sa industriyang ito. Usually, after shoot, hindi na kayo magkakausap.

"But here, we keep on updating each other, even on weekends, talaga namang alam namin ang nangyayari sa buhay ng isa’t isa.

“I’m forever grateful with that.”

unang hirit
Kaloy (3rd from left) with Unang Hirit hosts
Photo/s: Rose Garcia
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

kaloy on hosting, acting

Bukod sa pagiging modelo, nagsimula si Kaloy sa ilang BL (boys love) web series noong kasagsagan ng pandemya tulad ng Boys Lockdown at Meet Me Outside.

Kalaunan ay naging Sparkle artist siya at napasama sa cast ng ilang Kapuso teleserye tulad ng Start-Up at Little Princess.

Nagkaroon ba siya ng malaking adjustment mula sa pag-arte hanggang sa pag-host ng isang live morning show?

“Surprisingly, not much,” saad niya.

“Kasi I’ve been training for early morning tours.

"Kasi, for people to know, before joining the industry, nasa corporate po ako, e. Flight attendant po ako before. So na-train na po ako sa pagpupuyat, sa paiba-ibang schedule.

"Kaya naman po noong mapunta na ako sa hosting from acting, it’s not really a big transition.”

Aminado naman si Kaloy na nami-miss na raw niya ang pag-arte.

“Naku, ibang-iba… kahit tanungin niyo pa sila, like mommy ko or mga kasamahan ko sa Unang Hirit, sila yung usually nasasabihan ko na nakaka-miss umarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalo na kapag nakakakita ka or nakakapanoood ka ng magagandang piyesa, tulad ng recently, Hello, Love, Again.

"I’m just watching them, pero actually, every scene nina Kathryn [Bernardo] at ni Alden [Richards], tapos napapatabig talaga ko sa mga katabi ko.

“If I’ll be given a chance to act again, I’ll make sure to give my very best.”

Ipinagdiwang noong December 6, 2024 ang grand celebration ng ika-25 anibersaryo ng Unang Hirit na binansagang “National Unang Hirit Day.”

Read: Arnold Clavio, Susan Enriquez unglued in Unang Hirit go viral

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaloy Tingcungco still can't believe that he's now part of the Unang Hirit family as one of its new co-hosts. He says, "Who would have thought na magiging parte pala ako ng longest-running morning show on Philippine television, ang Unang Hirit?"
PHOTO/S: @KaloyTingcungco on Unang Hirit
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results