Sinamahan ni Pauleen Luna ang asawang si Vic Sotto nang maghain ang veteran TV host-comedian ng cyber libel complaints laban sa kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap.
Inihain ni Vic ang kanyang reklamo laban kay Darryl sa Muntinlupa City Regional Trial Court, Tunasan, Muntinlupa City, umaga nitong Huwebes, January 9, 2025.

Nineteen counts of cyberlibel ang isinampang reklamo ni Vic laban sa direktor dahil sa paglalabas nito ng teaser ng upcoming film na The Rapists of Pepsi Paloma noong Bagong Taon, January 1, 2025.
Dito ay direktang binanggit ang pangalan ni Vic.
Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser
PHP20 million for moral damages at PHP 15 million for exemplary damages, o kabuuang PHP35 million, ang hinihinging danyos ng Eat Bulaga! host mula kay Darryl.
Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap
PAULEEN LUNA AIRS SENTIMENT ABOUT VIRAL movie TEASER
Matapos makapanayam ng media si Vic at habang nagpapaunlak ito ng ilang photo ops, natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen habang naghihintay sa asawa sa loob ng kanilang sasakyan.

Inusisa namin kung ano ang nararamdaman niya sa pagbanggit sa pangalan ni Vic sa controversial teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma.
Maiksi niyang sagot, "Katulad lang nilang reaksiyon ng asawa ko. Pareho lang po.
"Of course, as parents and as his wife, naapektuhan po kami.
"But of course, ito po ang tamang sagot sa lahat ng ito."
Ang tinutukoy ng actress-TV host ay ang paghahain ng reklamo ni Vic.
Gaano kasakit ito sa kanyang panig?
Sagot ni Pauleen, "Like what I said, just like how any married woman would."
Ayon sa abogado ni Vic na si Atty. Buko dela Cruz, nabiktima umano ng bullying ang pamilya ng comedian-TV host, pati na ang anak nilang si Tali Sotto, sa social media.
