PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Darryl Yap reacts to cyber libel complaint filed by Vic Sotto

Darryl Yap: “Malaya ang sinuman na magsampa ng reklamo..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 9, 2025
Darryl Yap reacts to cyber libel complaint of Vic Sotto
Darryl Yap (right) on Vic Sotto (left) filing cyber libel complaint against him: “Kalayaan ng kahit sino ang magsampa ng reklamo. Walang may monopolyo sa katarungan, lalo na sa katotohanan. Malaya ang sinuman na magsampa ng reklamo, para mas maging malinaw ang totoo. Dahil sa huli, katotohanan lang ang depensa sa lahat ng katanungan."
PHOTO/S: Darryl Yap on Facebook/Arniel Serato

Mabilis na naglabas ng reaksiyon ang controversial director na si Darryl Yap tungkol sa reklamong cyber libel na inihain ng veteran TV host-comedian na si Vic Sotto laban sa kanya.

Umaga ngayong Huwebes, January 9, 2025, personal na nagtungo si Vic sa Muntinlupa City Regional Trial Court para pormal na sampahan ng reklamong cyber libel si Darryl.

Kasama ni Vic na nagsumite ng kanyang affidavit ang misis niyang si Pauleen Luna.

Read: Vic Sotto to file complaint vs Darryl Yap for Pepsi movie teaser

Ito ay kaugnay sa kontrobersiyal na teaser ng pelikula ni Darryl na The Rapists of Pepsi Paloma, kunsaan direktang binanggit ang pangalan ni Vic.

Bunsod nito, sinampahan ng 19 counts of cyber libel ng Eat Bulaga! host si Darryl.

Read: Sexy star Pepsi Paloma still trending 38 years after her death

Pahayag ni Vic sa media matapos niyang panumpaan ang kanyang salaysay: "Kami po ay nag-file ng cyber libel case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami pong nagtatanong kung ano po ang reaksiyon ko sa lumabas na isyung ito.

"Ako'y nanahimik, wala naman akong sinasagot.

"Sa mga taong nagtatanong, sa aking mga kaibigan, pamilya, a lot of people have been asking me, 'Ano reaksiyon mo?'

"E, eto na po yun. Eto na po yung reaction ko.

"Sabi ko nga, ito, walang personalan ito.

"I just trust in our justice system.

"Ako ay laban sa mga iresponsibleng tao, lalo na pagdating sa social media."

Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap

PHP35 million ang hihinging kabuuang danyos ng kampo ni Vic mula kay Darryl kaugnay ng reklamong ito.

DARRYL YAP’S REACTION

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas matapos maghain ng reklamo ni Vic ay kaagad nang nag-post si Darryl sa Facebook ng kanyang pahayag.

Ayon sa controversial movie director, hindi niya mapipigilan si Vic lalo na’t kalayaan at karapatan ng sinuman ang magsampa ng reklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip ng kanyang reaksiyon ang screenshot ng eksena sa teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma tampok si Rhed Bustamante, na siyang gumaganap na Pepsi Paloma.

Kuha ito sa kontrobersiyal na eksena nina Gina Alajar at Rhed, kunsaan tinanong ni Charito (Gina) si Pepsi (Rhed) kung totoo bang "ni-rape" siya ni "Vic Sotto."

Matapang at mangiyak-ngiyak na sagot ni Pepsi (Rhed), “Oo!”

Rhed Bustamante The Rapists of Pepsi Paloma
Photo/s: Darryl Yap on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser

Mababasa sa caption ni Darryl: “Kalayaan ng kahit sino ang magsampa ng reklamo. Walang may monopolyo sa katarungan, lalo na sa katotohanan.

“Malaya ang sinuman na magsampa ng reklamo, para mas maging malinaw ang totoo.

"Dahil sa huli, katotohanan lang ang depensa sa lahat ng katanungan."

DARRYL YAP DEFENDS THE RAPISTs OF PEPSI PALOMA TEASER

Kasunod nito, dinepensahan ni Darryl ang lumabas na teaser ng kanyang upcoming movie.

Aniya, maraming tanong ang netizens, na ang sagot daw ay mismong nasa teaser at sa sagot ni Rhed (Pepsi) na “Oo.”

Saad ni Darryl (published as is), “Inurong ba ni Pepsi ang asunto? ang sagot ay nasa litrato.

“Hindi ba napatunayan ang akusasyon ni Pepsi? ang sagot ay nasa litrato.

“pero NAGSAMPA BA NG KASONG RAPE SI PEPSI LABAN KAY VIC SOTTO? ang sagot rin ay nasa litrato.”

Read: Keempee de Leon, ayaw makisali sa Pepsi Paloma controversy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin pa ng direktor (published as is), “Nagsinungaling ba ang teaser? Ang sagot ay wala sa litrato…

“ito ay nasa maraming lathalain, ito ay nasa mga naburang bidyo ito ay nasa mga lumang dyaryo.

“Alam nang mga nakakaalam noon, at alam na ng mga nagtatanong ngayon.”

Sa huli, pahaging na sinabi ni Darryl na handang-handa siyang harapin ang mga reklamo sa kanya.

Sabi niya, “Delia, Pepsi— Babalik tayo sa Korte.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Pepsi o Delia Dueñas Smith ay ang dating bold star na nagpatiwakal sa edad na 18 noong May 31, 1985.

Ayon sa naunang post ni Darryl, ang pinagbasehan ng kanyang pelikula ay mga kuwento ng mismo ina ni Pepsi na si Lydia Duena Whitley at kapatid na si Zaldy.

Samantala, hindi pa tinutukoy hanggang ngayon kung sino ang producer o nagpi-finance ng pelikula ni Darryl.

May mga hinalang politically motivated ang pagsasapelikula sa buhay ni Pepsi Paloma, ngunit wala pang malinaw na sagot tungkol dito.

Read: Pelikula ni Darryl Yap base sa kuwento ng pamilya ni Pepsi Paloma

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darryl Yap (right) on Vic Sotto (left) filing cyber libel complaint against him: “Kalayaan ng kahit sino ang magsampa ng reklamo. Walang may monopolyo sa katarungan, lalo na sa katotohanan. Malaya ang sinuman na magsampa ng reklamo, para mas maging malinaw ang totoo. Dahil sa huli, katotohanan lang ang depensa sa lahat ng katanungan."
PHOTO/S: Darryl Yap on Facebook/Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results