PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid closes 2024 with Green Bones, opens 2025 with Lolong

Ruru Madrid: "Ang sarap na magbalik-tanaw and sobrang nakaka-humble."
by Arniel C. Serato
Published Jan 13, 2025
Ruru Madrid very thankful for all his projects
MMFF 2024 best supporting actor Ruru Madrid on blooming showbiz career: "I'm very grateful at para akong nananaginip sa mga nangyayari. At siguro ito yung magsisilbing motivation sa akin to work harder at gamitin yung platform ko, mga ginagawa ko para makapag-motivate o makapagbigay ng inspirasyon sa mga katulad kong nagangarap."
PHOTO/S: Arniel Serato

Maganda ang pagsasara ng 2024 ni Ruru Madrid dahil humataw sa takilya ang Green Bones, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entry na pinagbibidahan nila ni Dennis Trillo.

Bukod pa rito, itinanghal ang Green Bones na Best Picture at nagbigay rin kay Ruru ng best supporting actor award sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal.

At sa pagpasok ng 2025, isang malaking proyekto agad ang sumalubong kay Ruru — ang primetime series na Lolong: Bayani ng Bayan ng GMA Public Affairs.

Read: Dennis Trillo, Judy Ann Santos lead MMFF 2024 Gabi ng Parangal

Video: Arniel Serato (video) / Rommel Llanes (edit).

RURU MADRID GRATEFUL FOR CONTINUED BLESSINGs

Sa grand mediacon ng Lolong: Bayani ng Bayan sa Gateway Mall 2 ngayong Lunes, January 13, 2025, nagpaunlak ng panayam si Ruru sa ilang media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dito ay nagpasalamat siya sa magandang nangyayari sa kanyang showbiz career.

Ruru Madrid during the Lolong: Bayani ng Bayan media conference
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Ruru: "Sobrang grateful na, sabi ko last year, parang yun yung best year ko na nangyari sa buhay ko.

"Parang hanggang ngayon, di pa rin ako maka-move on dahil ma-experience lang lahat ng yung ginawa namin sa Green Bones — nag-ikot kami ng mga sinehan, nagparada kami, pumunta sa Gabi ng Parangal, at tumanggap po ng parangal.

"Tapos hanggang ngayon, ang dami pa ring humahabol at nanonood pa rin ng Green Bones.

"Sobrang grateful!

"And then, this coming January 20, papasok na po ang Lolong.

"Parang di pa rin siya totally nagsi-sink-in pero sobrang nakakataba po ng puso.

"I'm very grateful at para akong nananaginip sa mga nangyayari.

"At siguro, ito yung magsisilbing motivation sa akin to work harder at gamitin yung platform ko, mga ginagawa ko, para makapag-motivate o makapagbigay ng inspirasyon sa mga katulad kong nagangarap."

Hindi rin matatawarang malaking proyekto ang Lolong: Bayani ng Bayan dahil sa Book 1 nito noong 2022, halos 12 lamang ang main cast.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayon, sa Book 2, nasa halos 50 na sila sa cast.

Ayon kay Ruru: "Ever since nagkaroon ng Lolong ng 2022, hindi ko po naisip na magkakaroon ng Book 2.

"So ngayon na nagkaroon kami ng ganitong opportunity, I'm just very grateful at hindi na kami makapaghintay na mapanood niyo po ito.

"To be honest, dalawang buwan lang po yung preparation namin dito. Nag-start kami mag-taping ng November.

"Pero awa po ng Diyos, nakaabot kami at patuloy na pinagbubutihan ang aming ginagawa para mapaganda po yung programa."

Read: Ruru Madrid's Unexpected Success

THE OTHER SIDE OF RURU

Sa mediacon, puring-puri ng senior stars ng Lolong si Ruru dahil nasundan daw nila ang karera nito at nakasama sa iba't ibang proyekto.

Si Ruru ay produkto ng artista search ng GMA-7 na Protégé: The Battle for the Big Artista Break noong 2012.

The cast of Lolong: Bayani ng Bayan
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The cast of Lolong: Bayani ng Bayan

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ni Ruru: "Nakakatuwa po, siyempre mapansin lamang po ng mga tinitingala nating artista o mga nirerespeto po nating mga senior actors, sobrang nakakataba po ng puso.

"Siyempre, kasi parang nasubaybayan po nila yung journey ko, sa karera ko, at nakakatuwa dahil hindi po nila nakakalimutan yun.

"At siguro sa akin, para bang doon ako lagi bumabalik.

"Kung papano ako nagsimula, ano ang hirap na pinagdaanan ko noon para makarating sa kung nasaan ako ngayon.

"Parang ang sarap na magbalik-tanaw and sobrang nakaka-humble."

Hindi raw lumaki ang ulo at yumabang si Ruru. Ano naman ang reaksiyon niya rito?

Aniya, "Siguro para sa akin kasi, yung paglaki ng ulo or parang maging kampante, siguro mangyayari yan pagka, kumbaga, ingrato sa mga pangyayari.

"Kasi para sa akin, every day, lagi ako nagpapasalamat kasi alam ko anytime na gustuhin, na mawawala ito. Ang dali lang naman mawala, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, dahil alam ko yung hirap at mga pagsubok na pinagdanan ko bago ko siya makuha, hindi ko siya tini-take for granted.

"Kumbaga, hindi siya pumupunta sa ulo ko, hindi ako magiging mayabang, hindi lalaki yung ulo ko. Kasi ayoko nang bumalik sa kung paano po yung dati.

"Ang hirap po noon na parang noon, parang dinaan-daanan ka lang, hindi ka nirerespeto, or parang tingin sa yo wala lang or may mga sasabihin na hindi magaganda sa yo.

"Ang hirap. And I know marami pong nagdadanas ng ganung klaseng pakiramdam.

"So, gusto kong gamitin itong mga nangyayari po sa akin to give inspiration sa mga katulad kong nangangarap, na may mga ganung mga pagsubok na dumadaan sa atin.

"Pero basta magpursigi ka, manalig ka sa Panginoon, kung ano po yung nakalaan para sa atin, mangyayari yun."

Iplalabas ang Lolong: Bayani ng Bayan simula sa January 20, 2025, pagkatapos ng 24 Oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF 2024 best supporting actor Ruru Madrid on blooming showbiz career: "I'm very grateful at para akong nananaginip sa mga nangyayari. At siguro ito yung magsisilbing motivation sa akin to work harder at gamitin yung platform ko, mga ginagawa ko para makapag-motivate o makapagbigay ng inspirasyon sa mga katulad kong nagangarap."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results