PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PNP: Security guard in viral video may face punishment

PNP-SOSIA initiates an investigation on viral video involving security guard.
by Bernie V. Franco
Published Jan 16, 2025
sampaguita vendor and security guard
The Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies initiates an investigation on viral video involving a mall security guard and a sampaguita vendor. If proven that he committed violations, the security guard may face sanctions, such as suspension and cancellation of his license.
PHOTO/S: Mark Marcayda on Facebook

Pagkasuspinde at pagbawi sa lisensiya ang maaaring kaharapin ng security guard na sangkot sa viral video kasama ang isang batang babaeng sampaguita vendor.

Ito ay kapag napatunayang may iregularidad sa inasal ng security guard na gumamit ng puwersa para paalisin ang sampaguita vendor sa harap ng SM Megamall sa EDSA, Mandaluyong, ayon sa ulat ng DZRH News nitong Huwebes, January 16, 2025.

THE VIRAL VIDEO

Hindi tiyak kung kailan nakunan ang viral video ng security guard at ng sampaguita vendor, pero mainit ngayon itong pinag-uusapan sa social media.

Pinagtatalunan ng netizens kung sino ang may kasalanan sa insidente.

Sa extended version ng viral video, mapapanood na kinakausap ng guard ang sampaguita vendor na nakaupo sa gitna ng hagdan na pasukan sa mall entrance.

Naka-school uniform ang batang babae. Halatang hindi niya pinapansin ang sinasabi ng security guard.

Itinuturo ng security guard ang isa pang batang lalaking nagtitinda ng sampaguita na mas malayo sa hagdan at entrance ng mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Animo’y sinasabihan nito ang batang babae na umalis ito sa kinauupuan at puntahan ang batang lalaki.

Pero nang tumayo ang batang babae, biglang hinablot ng guard ang panindang sampaguita ng vendor at saka sinira ang mga ito.

Nagkaroon ng tensiyon nang sunud-sunod ang paghampas ng sampaguita vendor sa security guard.

Bahagyang sinipa ng security guard ang sampaguita vendor. Isinasangga ng security guard ang kanyang kamay sa sunud-sunod na paghampas ng bata sa kanya.

Hati ang reaksiyon ng netizens, bagamat halatang mas marami ang pumapanig sa batang babae.

Anila, nararapat lamang maparusahan at tanggalin ang security guard sa kanyang trabaho dahil sa inasal nito.

Ang iba naman ay nagsabing kailangang alamin ang dalawang panig ng istorya at kung bakit umabot sa puntong gumamit ng dahas ang guard.

Pero ang mas nangingibabaw na mensahe: maling-mali na pagbuhatan ng kamay ng security guard ang menor-de-edad na sampaguita vendor.

May iba namang nagkomento na kailangan ding panagutin ang mga magulang ng bata dahil pinagtatrabaho nila ang kanilang anak sa murang edad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PNP INVESTIGATES

Kumpirmadong nagsasagawa na ng motu propio investigation ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng viral video.

Motu propio investigation ang tawag sa inisyatiba ng mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon.

Ang PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ang mag-iimbestiga sa insidente, pagkumpirma mismo ni Police Lt. Col. Eudisan Gultiano, spokesperson for PNP Civil Security Group.

Inisa-isa ni Gultiano ang titingnan nilang mga paglabag na ginawa ng security guard sa kanyang trabaho.

"If may possible na violation po pagdating po sa yung conduct po ng security guard and decorum in the performance ng kanyang duty, so may mga violation po iyan...

"Violation po sa kanyang ethical standards, violation sa kanyang professional security creed, and titingnan po natin kung may violation on special laws at puwede pong madagdagan yon sa kanyang administrative complaints," sabi ni Gultiano sa interview sa kanya ng reporters na ipinost sa DWAR Abante Radyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya pa, "Considering na medyo marami pong possible na mai-file na cases, maaari pong ma-aggravate ito. Maaari pong mai-push siya ng penalty na suspension and puwede rin po cancellation and revocation ng kanyang lisensiya."

Bukod sa security guard, kasama ring iimbestigahanan ang kinabibilangan niyang security agency para sa anumang posibleng paglabag.

Read: Security guard sa viral video, tinanggal sa trabaho

MALL MANAGEMENT ADDRESSES ISSUE

Naging maagap sa pagkilos ang pamunuan ng SM Megamall, kung saan nakadestino ang security guard, kasunod ng pag-viral ng video.

Sa ipinost nilang statement sa social media, sinabi nilang nakikisimpatiya sila sa batang babaeng nakaranas ng “unfortunate incident outside our mall.”

Inabisuhan umano ng pamunuan ng mall ang security agency na magsagawa ng imbestigasyon na kinasasangkutan ng kanilang tao.

Tinanggal na rin daw sa trabaho ang security guard at hindi na itatalaga sa alinman sa kanilang mall branches.

Read: Lessons from house that survived L.A. wildfires

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sm supermalls statement

NETIZENS COMMENT

Narito ang ilan sa mga samu't saring komento ng netizens:

security guard comment 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
security guard comments 2
security guards comment 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
security guard commets 4

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies initiates an investigation on viral video involving a mall security guard and a sampaguita vendor. If proven that he committed violations, the security guard may face sanctions, such as suspension and cancellation of his license.
PHOTO/S: Mark Marcayda on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results