PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kean Cipriano remains estranged from Callalily bandmates

"If you wanna talk to me, you can call me."
by Melba R. Llanera
Published Jan 21, 2025
kean cipriano on callalily
Two years after Kean Cipriano "disengaged" from his former band, Callalily, he has yet to reconnect or speak with his former bandmates. He says, "...if may maaayos na mga bagay, mangyayari at mangyayari yun in God's perfect time."
PHOTO/S: @kean on Instagram

Taong 2022 nang humiwalay sa bandang Calla Lily si Kean Cirpiano.

Ang Calla Lily, na nabuo nung 2004, ay kinabibilangan nina Kean Cirpiano (lead vocalist and rhythm guitar), Andrew John "Tatsi" Jamnaque (rhythm and lead guitar), Aaron Paul Ricafrente (bass guitar), at Lemuel "Lem" Belaro (drums and percussion).

Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng grupo.

Nung naglabas ng saloobin si Kean tungkol sa pagkalas niya, ang sabi ng musician sa panayam sa ABS-CBN:

"It's hard to stay in a place where you're not happy anymore, where you're uninspired, and where you don't feel valued and respected.

"You can't hide the feeling that the spark, the magic is gone. I was no longer happy..."

Samantala, ginawang Lily ang pangalan ng banda dahil, ayon sa misis ni Kean na si Chynna Ortaleza, sa panayam niya sa GMA-7, "The name Callalily stays with Kean Cipriano.”

Read: Chynna Ortaleza speaks up about husband Kean Cipriano "disengaging" from Callalily band

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KEAN CIPRIANO STILL NOT ON SPEAKING TERMS WITH CALLALILY BANDMATES

Two years later, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean sa presscon para sa Love: Sessionistas: A Pre Valentine Concert nung nakaraang January 13 sa Fire And Ice Office sa Quezon City.

Sessionistas (L-R) Ice Seguerra, Juris, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, Sitti, and Nyoy Volante
Sessionistas (L-R) Ice Seguerra, Juris, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, Sitti, and Nyoy Volante
Photo/s: @kean on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaayos na ba sila ng dating mga kabanda?

"I think time will tell, di naman iyan yung bagay na, 'Tara, ayusin mo yung ano.' I think may mga bagay, ako nasa ano lang siguro ako, mahirap makipag-usap sa mga taong, I think kailangan nila munang ayusin yung mga ano sa sarili nila dahil di magkakaintindihan, e.

"Parang ako ngayon, I'm focusing on my family, I'm focusing on my company, on my career.

"Whatever makes me happy, alam mo na may purpose yung ginagawa.

"Sabi ko nga, if may maaayos na mga bagay, mangyayari at mangyayari yun in God's perfect time."

Aminado naman si Kean na hanggang sa ngayon ay di pa rin sila nagkakausap ng mga dating kabanda.

Mula raw noong hindi siya dinedma ang pag-reach out niya, hindi na siya nag-attempt ulit.

"No, ako since nagsabi ako sa kanila na I've been wanting to talk, di naman nila ako sinagot, di nila ako kinausap. For me yung ganyang mga bagay, ang tagal mong kasama, e, yung mga ganyang bagay, pinag-uusapan iyan as gentleman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As gentleman, nagsabi naman ako nang maayos, with respect, ang weird lang dahil parang kailangan maging involved ang buong Internet, for what?

"Why would spread it? For me, di yata maganda na ganun.

"Ngayon let's live our lives, move on. Sabi ko ang ikli lang buhay, e."

Read: Kean Cipriano, deadma sa akusasyon ng mga dating kabanda sa Callalily?'

KEAN CIPRIANO ON SINGING CALLALILY'S HITS

Ilan sa mga na-disband na banda ay nagkaroon ng mga problema tungkol sa ownership ng songs.

Halimbawa na lang sa Side A, pinagbawalang kantahin ng dating vocalist na si Joey Generoso ang hit song na "Forevermore," na composition ng bassist na si Joey Benin.

Wala namang ganitong nangyari kay Kean.

"Wala, wala namang ganun, I can still freely sing the song. Ang paniniwala ko ang art, sobrang magical ng art, di naman iyan yung bagay na kailangan mong tastasin para masabi kung sino ang dapat lalo na pagdating sa banda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang banda, di lang naman iyan isang tao, e. Naniniwala ako na bawat miyembro ng banda, may karapatan na tugtugin yung bawat kanta na kasama siya dahil ano, isa-isa na tatanggalin mo?

"Yun ang magic na nagawa, e, kaya pinagsama-sama ng universe yung mga tao na yun para magawa itong certain song na ito. That's how much I respect what we did, naniniwala ako na masyadong malupit yung nagawa ng banda at naging marka ng banda, and I respect that.

"It's wild of a ride, it's solid ride, yung bawal kantahin yung kanta na naging part ka nun, hindi siya. Kahit ikaw, kahit sino dito, kapag nilabas mo yung kanta, it's out there, it's not yours anymore."

Ilan sa mga naging hits ng Callalily ay "Magbalik," "Pansamantala," to name a few.

At wala naman daw kaso sa kanya kung kausapin siya tungkol sa paggamit ng kanta.

"Iba-iba ang parte, mayroong composer, mayroong artist mismo, mayroong publishing side, napakalawak niyan, nakakateknikal na bagay. Ibabalik ko lang uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko maintindihan yung parang, siguro dahil personal, may personal na ganun, o hindi mo puwedeng ganito, hindi, e. It doesn't sit well sa akin.

"Ibabalik at ibabalik ko lang iyan, kung may ganung bagay, I think it's really personal.

"If you wanna talk to me, you can call me.

"We've been together for 17 years, for now dahil nga sa mga nakikita mong mga bagay, walang ano, e.

"Of course malungkot yun, it's unfortunate na ganun yung nangyari, pero babalik at babalik lang din ako kung gaano ko nitespeto yung nagawa namin.

"Again, as group, nothing personal, ang daming lives we touched through our music."

Read: The Callalily hit song that made Kean Cipriano say "This is it!”

KEAN CIPRIANO AS A SESSIONISTA

Samantala, napanatili naman ni Kean ang samahan nila ng Sessionistas, isang grupo na nabuo sa ASAP na kinabibibilangan nina Ice Seguerra, Juris, Sitti, Nyoy Volante, at Duncan Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa darating na February 8 nga ay magkakaroon ng reunion concert ang grupo, ang Love: Sessionistas The Pre-Valentine Concert, na gaganapin sa The Theater ng Solaire Resort and Casino, Paranaque.

"Definitely I am excited for the concert, palagi akong nai-inspire pag kasama ko ang Sessionistas dahil these are the finest singers in the country.

"To be part of this group, para akong fan na nagkataon na kasama ako dun sa stage, ganun yung feeling.

"Kasi totoo, di man kami nagkakasama palagi kasi may kanya-kanyang karera, may kanya-kanyang ganap, pero feeling ko, dun mo naman makikita yung tunay na friendship.

"Kahit matagal kayong di magkasama-sama, pag nagkita-kita kayo, parang ganun pa rin yung samahan. Tapos malinaw na nirerespeto namin ang isa't-isa, hindi siya yung, 'Tara, raket,' hindi siya ganun.

"Mas looking forward kami na tumambay, magtawanan, mag-asaran, parang ganun."

Bukod sa friendship, wala raw sapawan o kumpetisyon sa Sessionistas kaya nananatiling matatag ang grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala, wala, ako sa personal kong experience, walang nangyaring ganun. Palagi lang kaming masaya, siguro yun din ang magic ng grupo kaya kami kinapitan din ng mga tao kasi nga yung energy.

"Yun kasing bawat miyembro ng Sessionistas, yung bawat miyembro ng Sessionistas, may kanya-kanyang narating at marka sa industriya.

"Masasabi ko rin na hindi palaging ganito kaya nga espesyal kasi pagsama-samahin mo ang mga ito tapos walang ego, walang ganun."

Bukod sa pagiging jsang artist, pinasok din ni Kean anv pagma-manage ng mga talents.

Kasama ang asawang si Chynna Ortaleza ay binuo nila ang O/C Records—na siyang nagma-manage kina Kenaniah, Unique Salonga, Arthur Nery, at iba pa.

Ang isa pa sa madadagdag sa magiging bagong talent ng kanilang recording company ay si Alex Gonzaga.

"Si Alex Gonzaga just signed with us recently sa music niya, kami yung record label. Nag-release siya ng kanta, ako nag-produce. Isang remake ang ginawa niya. Marami na siyang kanta na na-release before, nung tumawag siya sa akin na gusto nga raw niya ng tulong na makagawa ng songs na ibang flavor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala naman daw kaso sa asawang si Chynna na maging artist nila ang ex-girlfriend na si Alex.

"Hindi, walang ganun. Chynna is the vice president of our.company, ano naman iyan, ilang taon na kami. Magte-ten years na kami this year.

"Biruan? Oo ganun na siya, isa si Alex sa masasabi ko na maraming beses ko na nakatrabaho.

"Ang dami naming projects, shows na ginawa and more than the whole ano before, naging magkaibigan na kami," pagtatapos ni Kean.

Read: Kean Cipriano not on good terms with former bandmates: “Callalily is done.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two years after Kean Cipriano "disengaged" from his former band, Callalily, he has yet to reconnect or speak with his former bandmates. He says, "...if may maaayos na mga bagay, mangyayari at mangyayari yun in God's perfect time."
PHOTO/S: @kean on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results