PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kean Cipriano on accusations made by former Callalily bandmates

"Parang, bash me all you want, I don’t care."
by Jojo Gabinete
Published Nov 29, 2022
kean cipriano wish bus
Kean Cipriano on social media bashing that he gets after leaving Callalily: "Yung issues online, ang sasabihin ko advice sa young artists, if you want to make a freaking band, if you wanna be an artist, don’t put all your problems in social media kasi it will not do anything for your art, for your sanity and all. Hindi kasi ako ganoon na klase ng tao na parang kapag meron akong issues, magra-rant ako sa social media."
PHOTO/S: @kean on Instagram

Kahit kumalas na siya bilang vocalist ng Callalily, makakaasa ang mga manonood ng Pulso concert na aawitin ni Kean Cipriano ang ilan sa mga kantang pinasikat ng bandang naging malaking bahagi ng kanyang buhay sa loob ng labimpitong (17) taon.

Read: Kean Cipriano not on good terms with former bandmates: “Callalily is done.”

Ang pagkakaiba lang, ang mga talent ni Kean sa O/C Records na sina Unique Salonga at Adie Garcia, at hindi ang Callalily, ang makakasama niya sa Pulso, ang kanilang concert na magaganap ngayong Martes ng gabi, November 29, 2022, sa New Frontier Theater.

Alam ni Kean na may mga taong hindi pabor sa kanyang desisyong iwanan ang Callalily noong June 2022 kaya nakakatikim siya ng mga batikos at paninira.

Pero sa kabila nito, ipinagmamalaki niyang tumatak nang husto sa publiko ang banda nila.

“I am proud and happy na meron akong nabuo na isang entity as strong as that. Nagkaroon ng marka iyan sa milyun-milyong tao. Masaya ako na ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But at the end of the day, ang tao ay tao. Ang tao, naghahanap ng growth,” pasakalye na sagot ni Kean nang tanungin tungkol sa mga hate comment na natatanggap niya.

Sinagot din ng singer-actor ang mga akusasyon ng dati niyang mga kasamahan sa Callalily na lumabas sa social media kamakailan.

Dito ay inilahad ng mga dating kabanda ni Kean kung bakit nasira ang kanilang samahan.

@ijakegunay Main Composer ng Callalily nagbunyag??????#callalily #calllalilyband #lily ? Pansamantala - Callalily

Reaksiyon ni Kean dito: “Yung issues online, ang sasabihin ko advice sa young artists, if you want to make a freaking band, if you wanna be an artist, don’t put all your problems in social media.

"Kasi it will not do anything for your art, for your sanity and all.

"Hindi kasi ako ganoon na klase ng tao na parang, kapag meron akong issues, magra-rant ako sa social media.

“I am not saying it’s wrong. Hindi ako yung parang magta-try na mag-tarnish ng reputation ng ibang tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“For what? Para maging maganda ang tingin ng ibang tao at sumawsaw?"

Diin pa ni Kean: “Output-based ako palagi sa mga ginagawa ko. Parang, bash me all you want, I don’t care.

"But of course, tao ka lang din, di ba? Bakit nila sinasabi yung mga ganitong bagay?"

Bukod sa hindi niya ugaling gamitin ang mga social media platform para maglabas ng sama ng loob, malaki raw ang kinalaman ng mga anak nila ni Chynna Ortaleza sa pagiging responsible social media user ni Kean.

Aniya,” At the end of the day, alam ko kung ano ang ilalagay ko sa social media.

“Hindi imposibleng hindi iyan makita ng mga anak ko o kung anumang generation na nandiyan ngayon na, ‘Ah si Daddy, kung anu-anong katarantaduhan ang pinagsasasabi online.’

“Ayokong maging ganoon ang effect sa kids ko, sa kids ng mga tao na nakasama ko na it’s all hate. That’s not really how I do things sa buhay ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kean Cipriano on social media bashing that he gets after leaving Callalily: "Yung issues online, ang sasabihin ko advice sa young artists, if you want to make a freaking band, if you wanna be an artist, don’t put all your problems in social media kasi it will not do anything for your art, for your sanity and all. Hindi kasi ako ganoon na klase ng tao na parang kapag meron akong issues, magra-rant ako sa social media."
PHOTO/S: @kean on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results