Binigyang linaw ng mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero ang lumabas na usapin tungkol sa diumano'y sex video nila.
Naitanong ito kina Aubrey at Troy dahil very open ang mag-asawa pagdating sa kanilang sex life.
Kumportable silang sagutin ang mga sensitibong paksa, katulad ng sex, dahil 22 taon na ang kanilang relasyon bilang mag-partner.
Ikinasal sila noong 2022.
Read: Aubrey Miles at Troy Montero, hubad kung matulog sa hotel room
Lahad ni Aubrey, "Wala, kasi may interview kami.
"Then, sabi nila, 'Nanonood ba kayo ng porn?'
"Sabi ko, 'No, but we have our video together.' Pero sa amin lang, ganun."
Ayon pa kay Aubrey, bini-video nila ni Troy ang kanilang pagtatalik para manatiling exciting ang kanilang pagsasama.
Nakangiting sabi ng aktres, "We video each other and then kapag nabu-bored siya, isi-send ko sa kanya sa kuwarto tapos nasa baba ako.
"Para naman may excitement."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang reporter sina Aubrey at Troy sa Landers 8th Anniversary Shop & Win grand draw na ginanap sa Arca South branch, Taguig City, noong January 20, 2025.
Ambassadors ang mag-asawa ng Landers Superstore.

Aubrey Miles and Troy Montero at Landers 8 event
READ: Aubrey Miles Troy Montero wedding
AUBREY MILES RECOMMENDS VIDEO RECORDING FOR COUPLES
Tinanong sina Aubrey at Troy kung irerekomenda ba nila sa ibang couples ang pagbi-video ng kanilang pagtatalik.
Dapat bang gawin ito ng mag-partner kahit man lang isang beses sa kanilang buhay?
Diretsong sagot ni Aubrey, "Hindi lang once, dapat lagi."
May paliwanag si Aubrey kung bakit niya inirerekomenda ito sa mga mag-asawa o mag-partner.
Saad niya: "Alam niyo kasi, also for the girls, para they see their look, they see what the guys like.
"And also, I like the reaction of the guy or the girl kapag something’s happening.
"And I want to see, 'Ay, ganito pala yung reaction niya.' 'Ay, ganito pala yung look ko.' 'Ay, ganito pala hitsura ng katawan ko.'
"'I need to stomach in more.' 'Masyado palang ano yung tiyan ko, yung puwet ko,' ganyan. Ganun ako lagi."
Dagdag pa ni Aubrey, "Oo, tsaka kailangan maganda pa rin yung angle ko, parang nasa movie.
"Para, 'Next [time], ayusin ko yung paa ko, ang pangit,' ganun lang.
"Parang acting. You see your acting, di ba?
"Pero sa akin, parang, 'Ah, okay, ganun.'
"At saka yung makita yung reaction niya, yun yung the best, e.
"Akala mo ikaw, okay na okay ka. Pero yun pala, hindi ganun yung reaction niya. Iba pala.
"Pero it works!”
