PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BB Gandanghari recounts life as caregiver in the U.S.

BB Gandanghari talks about her mother experiencing the onset of dementia.
by Bernie V. Franco
Published Feb 1, 2025
BB Gandanghari
BB Gandanghari talks about how being a caregiver in the U.S. helped her to reconcile with a past issue. She also talked about mother Eva Cariño (inset) displaying signs of dementia.
PHOTO/S: GMA Network / @gandangharibb on Instagram

Nagbalik-tanaw si BB Gandanghari tungkol sa pagtatrabaho niya bilang caregiver sa U.S.

Nang magdesisyong manirahan si BB sa Amerika, nag-sideline siya bilang Uber driver.

Subalit nahinto raw ito nang tumama ang pandemic. Nagpatung-patong din daw noon ang dagok sa buhay niya.

Una na rito ang pagkamatay ng kanyang alagang aso.

Kasunod nito ang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Royette Padilla noong January 2021. Dahil nasa Amerika siya at pandemic pa, hindi nakauwi si BB.

Dinamdam daw iyon nang husto ni BB.

Read: BB Gandanghari regrets calling off plan to talk to brother Royette Padilla before he passed away

Dumating din daw sa puntong nauubos na ang kanyang ipon.

“I need to do something again,” saad ni BB sa YouTube interview ni Julius Babao noong January 30, 2025.

BB GANDANGHARI ON BEING A CAREGIVER

Nagkaroon ng opening para maging caregiver. Pinasok ito ni BB.

Aniya, “Nag-open yung caregiving. Sabi ko, ‘Sige nga, let me try this one.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumpiyansa raw si BB na kakayanin niyang mag-alaga ng elderly.

Sumailalim daw siya sa training sa pagiging caregiver.

“Kasi malapit ako sa lola ko, e. I’m very, very close to my lola.

"So sabi ko, ‘This could work for me.’ So, tinanggap ko yung trabaho.

"True enough, napakabait nung matandang pinagtrabahuhan ko."

Naging malapit daw ang kanyang loob sa matanda.

“Then I felt yung, ‘Oh my God, this could be my father,’” ani BB.

Hindi raw siya naiilang sa mga gawain ng caregiver, tulad ng pagpapalit ng underwear at iba pang pagsisilbi sa matatandang pasyente niya.

“Kasi tingin ko tatay ko, e. Ang ginagawa kong pag-aasikaso, parang tatay ko," paliwanag ni BB.

“Kapag babae naman, parang nanay ko. Ganun ang trato.

"Kaya mahal na mahal ako ng mga inaalagaan ko.”

Hindi raw siya nahirapan “kasi gusto ko yung ginagawa ko.”

Sabi pa ni BB, “Hindi labag sa kalooban ko. Hindi ko nga ginagawa for money, e. Ginagawa ko dahil gusto kong alagaan yung matanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ang [objective] ng caregiver, you improve the quality of life of the elderly. So andun ako.

"I would love to improve his quality of life. Gigisingin ko sa umaga, lulutuan ko ng napakasarap na pagkain.

“Mamasahihin… everything na puwedeng ma-improve, maging maganda ang experience niya for the day, I would do it.”

Sumakabilang buhay na raw ang matandang lalaking kanyang inalagaan.

Read: BB Gandanghari, nag-aaral magluto para sa kanyang future family

BB Gandanghari and Julius Babao
BB Gandanghari opens up to Julius Babao in a YouTube interview.
Photo/s: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binago rin daw ng pagiging caregiver ang buhay ni BB.

Nang magpunta sa U.S. si BB ay marami siyang dalang bagahe sa buhay, tulad na lamang ng kanyang transition.

Sa kaso naman daw ng pagiging caregiver niya sa matandang lalaki, nakatulong daw ito para sa isyu niya sa kanyang yumaong amang si Roy Padilla Sr., dating pulitiko at film director.

Kuwento ni BB, "Parang na-heal din ako sa tatay ko kasi medyo wala akong closure sa tatay ko.

"Kasi my dad was assassinated. Hindi ko siya naalagaan. Hindi mo siya napagserbisyuhan.

“Kaya mabait ang Diyos. Nilagay Niya ako doon to heal that.

“It put, at this point sa buhay ko, na parang magaan. Nabuo.”

Read: BB Gandanghari visits grave of late brother Royette Padilla

CARING FOR HER MOTHER WITH DEMENTIA

Nakatulong din daw ang pagiging caregiver ni BB para maunawaan ang inang si Eva Cariño, 88.

Inamin ni BB sa interview ni Julius na nagpapakita na ng signs of dementia ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang umuwi raw si BB sa Pilipinas noong 2022, nagkakaroon na ng episodes ang kanyang ina, tulad ng bigla itong nagagalit.

Pinepersonal daw noon ni BB, pati na rin ng mga kapatid, ang mga sinasabi ng ina. Hindi pa raw kasi nila nauunawaan noon ang kalagayan ng ina.

Lumipad pabalik sa U.S. si BB.

Naging full-time caregiver siya at nag-obserba ng mga inaalagaan. Ang mga panahong iyon daw ang nagmulat kay BB ukol sa episodes ng dementia.

“Nagkaroon ako ng experience sa mga dying. Three patients ko na ako ang naghatid [huling kasama]. And doon ko nakita yung buhay… start at last breath ng buhay…”

Sinimulan na rin ni BB mag-aral ng Entertainment Business dahil hindi na rin siya bumabata.

Naging madalas daw ang pagtawag niya sa ina sa Pilipinas.

Dahil mas malawak na ang kanyang karanasan at pang-unawa, nauunawaan na raw niya kapag nagkakaroon ng episodes ang ina ng early signs of dementia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
BB Gandanghari and Eva Carino
Photo/s: @gandangharibb on Instagram

Binanggit din ni BB na noong 85-86 anyos pa ang ina niya ay maayos pa ito. Subalit pagsapit daw ng 87 anyos ay naging mabilis ang pag-deteriorate ng memory nito.

May mga pagkakataon daw na hindi na siya nakikilala ng ina.

Ipinauunawa raw ni BB sa kanyang mga kapatid at caregivers ni Mommy Eva ang kalagayan nito kapag may episodes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumalik sa Pilipinas si BB noong Pasko.

Malapit na raw siyang bumalik sa US para ipagpatuloy ang pag-aaral at magtatapos na rin ngayong taon.

Hindi pa niya tiyak kung saan siya magtatrabaho pagka-graduate, pero binanggit niyang magtatrabaho siya sa likod ng camera.

Read: BB Gandanghari, nanibago sa pagbabalik-showbiz after seven years

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari talks about how being a caregiver in the U.S. helped her to reconcile with a past issue. She also talked about mother Eva Cariño (inset) displaying signs of dementia.
PHOTO/S: GMA Network / @gandangharibb on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results