Mukhang seseryosohin na ni Maymay Entrata ang kanyang music career.
Halos nasubukan na raw kasi niya ang lahat pero pakiramdam niya ay may kulang pa.
Pahayag ni Maymay sa kanyang Instagram nitong Martes ng gabi, February 4, 2025 (published as is), "Halos isang dekada na akong nasa industriya.
"Acting, hosting, modeling – napasok ko at inaral ko po lahat sa dahilang di ko pa alam kung ano yung gusto kong tatahakin.
"Habang lumilipas ang panahon, marami po akong na-experience, marami rin akong goals na nakamit – pero parang feeling ko nun may kulang parin."
Nasubukan na rin daw ni Maymay ang musika noon pero nag-iba lamang ang takbo ng kanyang music career nang ilabas niya ang kantang "Amakabogera" noong 2021.

Read: KZ Tandingan, Maymay Entrata, Gigi de Lana release new songs
Saad niya, "I’ve done music po before but it all changed when I released Amakabogera. I was empowered. I felt strong.
"Bigla kong naramdamang umaapaw ang passion ko po. I felt happy everytime I learned something about music.
"That was the moment I decided to pursue it seriously"
Nagpasalamat din siya sa mga nagtiwala sa kanya upang bigyang boses at mukha ang naturang awitin.
Aniya, "Isa din sa pinapasalamatan ko ay ang Star Music, Star Pop, Star Magic, Maymaylove Fanmily kasi isa sila sa malaking parte po sa empowerment na naramdaman ko dahil naniwala po talaga sila sakin at sa potential na meron ako.
"At dahil doon, naniwala na rin ako sa sarili ko."
MAYMAY ENTRATA: "I want to remake myself, I want to be reborn."
Sa nasabing post ni Maymay, ibinahagi niyang may bago siyang nilulutong musika na malapit nang ilabas.
Naglalaman daw ito ng mga pinagdaanan at kuwento niya tungkol sa kanyang puso.
Giit pa niya, nais niyang i-remake ang sarili at isilang muli.
Saad niya: "More than a year na po ako nagpre-prepare for a certain project. May bagong music po akong lalabas very soon – music that reflects lahat po lahat ng pinagdaanan ko at lahat ng laman ng aking puso.
"I’ve reached another turning point in my career. I want to remake myself, I want to be reborn.
"And with that, let me re-introduce myself po. I am Maymay and sana masamahan niyo po ako sa aking journey of discovery and sharing my inner world with you through my music.
"In the meantime, join my Broadcast Channel where I will share more about my life and my music!"
View this post on Instagram
Read: Maymay Entrata makes runway debut at Paris Fashion Week 2024
Ang "Amakabogera" ay sagot ni Maymay sa toxic na beauty standards.
Pahayag niya sa panayam noong November 2021, “Lahat ng tao, parang may iisang standard ng pagiging maganda depende sa kung ano ang uso o sinasabi ng lipunan.
“Itong 'Amakabogera,' kanta tungkol sa pagiging confident sa kung sino ka sa kabila ng matataas na standards ng mundo.”
