Pumanaw ang dating Universal Motion Dancers (UMD) member na si Norman Santos — Norman Montibon sa tunay na buhay — dahil sa matagal nang karamdaman sa kidney, noong Lunes, Pebrero 3, 2025.
Siya ay 52.
Read: Galawang '90s: top local dance groups reunite for benefit concert
Kinumpirma ng partner ni Norman na si Chato Maria ang pagpanaw ng UMD member sa pamamagitan ng Facebook post kahapon, Pebrero 4.
Pahayag ni Chato: “It is with great sadness that I announce the passing of Norman Santos on February 3, 2025, after a prolonged fight against kidney failure, necessitating dialysis for over 12 years."
Ibinahagi rin ni Chato na ang burol para sa mga labi ni Norman ay posibleng maganap mula February 12 hanggang 16, 2025 sa St. Peter Memorial Chapels sa Tabacuhan, Olongapo City.
Si Norman ang ikalawang original member ng UMD na pumanaw.
Ang una ay si Gerard Faisan na binawian ng buhay dahil sa asthma noong Disyembre 31, 1997. Siya ay 23.
Ang iba pang original members ng UMD ay sina Wowie de Guzman, Brian Furlow, Marco McKinley, Gerry Oliva, at ang kambal na sina Jim at James Salas.
Ang UMD ay all-boys dance group na namayagpag sa entertainment industry at kinagiliwan ng mga kabataan noong ‘90s.

Ang Sige… Ihataw Mo (1994) at Ibigay Mo Nang Todong-Todo ang dalawa sa mga pelikulang ginawa ni Norman, kasama ang mga kagrupo niya sa UMD.

WOWIE MOURNS THE PASSING OF NORMAN
Kabilang sa mga nagluluksa sa pagkawala ni Norman ang aktor at former UMD member na si Wowie de Guzman.
Mensahe ni Wowie: “UTOL....mahal na mahal ka namin. Hindi man naging maayos ang pagsasama ng grupo sa huli.. at the end of the day magkakapatid tayo.Wala akong ibang hangad kundi kabutihan nating lahat.
“Pasensya ka na sa mga pagkukulang ko sa yo Man..mahal na mahal ka namin...hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sayo...we love you Norman Santos
"UMD for Life... kitakits tayo nila Gerald sa finals ng buhay ko.”
Read: Wowie de Guzman: From UMD's lead dancer to Zumba instructor
