Imbes na resbakan, ginagawa raw inspirasyon ng P-pop girl group na BINI ang kaliwa't kanang batikos na ipinupukol sa kanila ng bashers.
Sa pag-renew ng exclusive contract ng BINI sa ABS-CBN noong Martes, February 4, 2025, isa-isa nilang pinasalamatan ang mga taong tumulong at sumuporta sa kanila upang makamit ang kasikatang tinatamasa nila ngayon.
Kabilang na rito ang kanilang home network na ABS-CBN, pamilya, at masugid na mga tagahanga—ang Blooms (tawag sa fandom ng BINI).
Read: BINI members in tears at ABS-CBN contract renewal
Bukod sa mga ito, malaking parte rin daw ng tagumpay ng BINI ang mga kumukutya at nangmamaliit sa kanilang hitsura at kapasidad bilang P-pop idol.
Read: PEP Most Influential 2024 P-pop Phenomenon: BINI
BINI AIAH ADDRESSES BASHERS
Sa nasabing conract renewal, hindi napigilang maging emosyunal ng BINI member na si Aiah nang balikan niya ang ilang masasakit na salitang ibinabato ng kanilang bashers.

Ayon kay Aiah, kahit gaano sila kaingat, hindi nila maiwasang hindi makabasa ng negative comments online.
Read: BINI Maloi shuts down dating rumor with Rico Blanco
Aminado siyang masakit at below-the-belt na ang ilan sa mga ito.
Ngunit sa halip na gantihan ay ginagawa na lang daw nila itong motibasyon para magpatuloy at mas lalo pang galingan.
Saad ni Aiah: "To our bashers, thank you.
"Totoo, hindi po siya madali to see the bashing, hating, and all the negativity.
"Hindi siya madali. Masakit siya.
"Pero you know what, thank you, kasi that's what motivates us to keep pushing, to be stronger, and to really give out our all.
“At least that is something that we can turn into something great.
"Minsan, nakaka-test talaga siya, super-masakit siya.
"Pero it also allows us to look at all the brighter things in life and the many things that we could be grateful for."
Read: BINI embraces positive life shifts after phenomenal stardom
Dahil sa natatanggap na bashing, mas lalo raw nai-inspire ang kanilang grupo na maging maingat, mabait, at mapagmahal sa kanilang kapwa.
Ani Aiah: "Sa mga bashers, ang sakit niyo magsalita, pero thank you pa rin.
"Because of it, parang mas lalo ako tuloy nagkaka-purpose kung bakit it’s always nice to be loving.
"Kasi ang daming hate, ang daming negativities, so parang you get to see all of it and it makes you have a purpose to keep doing good because people need that love.
"People need that kindness."
Read: Lea Salonga supports BINI Aiah's call for asserting boundaries
BINI AIAH: "It’s either walo o wala."
Sa kabila ng natatanggap na pambabatikos, naniniwala si Aiah na mapagtatagumpayan at malalampasan nila ito dahil sa mas nananaig ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Read: BINI Aiah, Mikha, at Maloi sinagot ang mga isyung kinasangkutan
Alam din daw nila sa kanilang mga sarili na isa itong rason kung bakit sila matatag ngayon.
Pahayag niya: “Us being here, being walo, being complete as eight, it shows how strong we are together.
"Kasi ang dami naming pinagdaanan na hindi namin sinasabi or ipinapakita.
"Maybe siguro minsan umaapaw na and nakikita, pero mas marami pang hindi namin ipinapakita na mas masakit pa, but we are strong.
“Ang strong namin kasi nag-renew pa kami.
"We're strong because we know we can do it and mas na-strengthen pa namin ang bond namin sa isa’t isa, yung skills namin, and just in general with how we're gonna be in the future."

Sa huli, nagpaabot ng pasasalamat si Aiah sa kanyang mga kagrupo dahil sa hindi pagbitaw ng mga ito sa lahat ng kanilang pinagdaanan.
Mensahe niya, “I also want to thank our future selves kasi there’s going to be more pa in the future.
"It’s going to be more exciting, it’s going to be a lot of ups and downs, and at least we are complete.
"It’s either walo o wala."
