Pinuna ni Jake Ejercito ang ilang netizens matapos siyang idawit sa isyung Andi Eigenmenn-Philmar Alipayo dahil sa kanyang social media post.
Inakala kasi ng netizens na may kinalaman ang Facebook post ni Jake sa isyu ng magkarelasyong sina Andi at Philmar.
Usapan ngayon ang tungkol sa hidwaan nina Andi at Philmar, lalo pa’t idinaan nila ang kanilang mga salooban sa kani-kanyang social media accounts.
Tumaon naman ang vague Facebook post ni Jake sa isyung kinakaharap nina Andi at Philmar.
Si Jake ay dating nakarelasyon ni Andi. Mayroon silang isang anak, si Ellie Ejercito, 13.
Read:
- Andi claims female pal encouraged Philmar to break up with her
- Philmar Alipayo on ‘cheater,’ ‘ugly,’ other claims: 'Totoo yon'
- Andi posts about "love couple tattoo" of Philmar & female friend
JAKE’S POST
Nitong Biyernes, may Facebook post si Jake pero walang detalye kung para saan ang post niyang ito.
Tumaon din nitong Biyernes nang pumutok ang isyu tungkol sa pag-unfollow-han nina Andi at Philmar.
Sa last Instagram post ni Andi, may netizens ang nagkomentong umaasa raw sila na magkakabalikan sina Andi at Jake.
Narito ang ilan sa comments ng netizens na gustong makatuluyan ni Andi si Jake:


Ganito naman ang post ni Jake sa Facebook: “Wala akong feelings about it [peach fruit emoji].”
Dahil walang ibang paliwanag, inakala ng ibang netizens na reaksiyon ito ni Jake sa isyu nina Andi at Philmar.
Subalit ngayong Sabado, nilinaw ni Jake na walang kaugnayan ang kanyang Facebook post sa isyu ng dating girlfriend.
Sa comment section ng post ni Jake na inakalang reaction sa isyu nina Andi at Philmar, may follow-up comment si Jake.
Sabi niya, “Stop using a spin into the post. Dahil dito lang yan:”
Kalakip nito ang link ng political news kung para saan ang cryptic post ni Jake.
Ukol ito sa reaction ni Vice President Sara Duterte sa impeachment complaints na isinumite laban sa kanya.
Ang titulo ng news headline: “Sara: Wala akong feelings about it.”
May patutsada pa si Jake sa mga netizen na nagbigay ng malisya sa kanyang post.
Dagdag komento ni Jake: “God save the tsismosas”

Sa kabila nito, hindi pa rin nagpapigil ang maraming netizens na nagsi-ship pa rin kina Jake at Andi.
Hindi naman muling nag-react dito si Jake.
