Emosyunal na ibinunyag ng content creator na si Jeraldine Blackman na hiwalay na sila ng asawang si Joshua Blackman.
“Josh and I have separated,” naluluhang pag-amin ni Jeraldine sa Instagram post na inilabas niya ngayong hapon ng Biyernes, February 21, 2025.
Ang rebelasyon ni Jeraldine ay ginawa niya sa pamamagitan ng isang recorded video habang nasa loob ng kotse.
Naghiwalay ang sikat na mag-asawang social media influencers matapos ang pitong taong pagsasama.
Si Jeraldine, isang Pilipina, at si Josh, isang Australian, ay may dalawang anak—sina Jette at Nimo.
Kilala sila bilang The Blackman Family sa social media.
Sa kabila ng pag-aming hiwalay na sila ni Joshua, tiniyak ni Jeraldine na maayos silang naghiwalay.
Puring-puri pa ni Jeraldine ang kanyang Australian husband.
“We’re good friends. I just know that he is a good person. And he is the best father that Jette and Nimo could ever have,” sabi ni Jeraldine sa gitna ng kanyang pagluha.
Hindi binanggit ni Jeraldine kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Marami sa kanilang mga tagasuporta ang nagulat, batay sa comments section.
Ang iba, umasa pang prank lang ito ni Jeraldine.
Pero hindi ito isang prank.
Read: Jeraldine Blackman gives up Nursing to become a full-time vlogger
JERALDINE SAYS SHE AND JOSH WILL BE CO-PARENTING
Sa kanyang announcement sa Instagram ngayong araw, ibinahagi ni Jeraldine na si Josh ang naging daan para manumbalik ang pananampalataya niya sa Diyos.
“Josh was the one who introduced me to Christian life again,” pagpapatuloy ng Filipina nurse.
“He was the one who made me become like this. And without him…” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin.
Pero ipinagpapasalamat daw ni Jeraldine ang pagdating ng estranged husband sa buhay niya.
Sinabi rin ni Jeraldine kung ano ang mangyayari sa kanilang mga anak ngayong hiwalay na sila ni Josh.
“I’m just so lucky that Jette and Nimo have him. We are gonna be co-parenting,” aniya.
Mensahe pa niya, “To everyone out there who has supported The Blackman Family, thank you so much.”

Read: Anak ni Jeraldine Blackman, nakaranas ng discrimination
JERALDINE-JOSHUA LOVE STORY
Sina Jeraldine at Joshua ay nagkakilala sa pamamagitan ng eHarmony, isang Australian dating app.
Nangyari raw ito noong 2014 o 2015.
Si Jeraldine ay working student na kumukuha ng nursing course sa Australia noon; at isa ring nurse si Joshua.
Sabi ni Jeraldine sa isang interview, may common friends sila ni Josh dahil nasa pareho silang propesyon.
Nagpakasal sila noong 2017.
Nakilala ang Blackman Family dahil sa video contents nila na nagpo-focus sa interracial couple—o ang dynamics ng Filipina wife at ng kanyang Australian husband.
Kinagiliwan din ng fans ang pagiging bibo ng mga anak ni Jeraldine, partikular na si Jette.
Noong nakaraang taon ay umuwi sa Pilipinas ang Blackman Family dahil sa ilang commitments. Nagkaroon din sila ng endorsements.
Pumirma rin sila ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA-7.
