Nagsalita ang aktor na si Baron Geisler matapos maging viral ang kanyang mug shot na kuha umano sa isang police station sa Mandaue City, Cebu, nitong Linggo, February 23, 2025.
Sa kanyang Facebook ngayong Lunes, February 24, binasag ni Baron ang kanyang katahimikan ukol sa kanyang pagkaaresto.
Pinalagan ni Baron ang mga ulat mula sa ilang news outlets na hindi umano beripikado.
"Irresponsible journalism" daw ang pagpapakalat ng "misinformation" tungkol sa nangyari sa kanya;
Buong pahayag ni Baron: "Breaking my silence.
"There’s a lot of misinformation circulating, especially from news outlets that failed to verify the facts before reporting.
"Irresponsible journalism has blown things out of proportion, creating unnecessary confusion.
"I want to make it clear—I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly.
"To those who continue to stand by me, thank you. Your support means everything.
Hindi idinetalye ni Baron ang kanyang panig tungkol sa insidente.
Read: Baron Geisler plays one of the most difficult roles in his career
BARON GEISLER MUG SHOT CIRCULATES ON FACEBOOK
Nang kumalat ang mug shot ni Baron sa Facebook kahapon, ilang netizens ang nag-akalang fake news ito.
Ayon sa post ng isang netizen, flooded na umano ang kanyang Facebook feed ng shared photos ni Baron na naaresto.
Paniwala ng netizen, fake news ito dahil may post pa raw ang aktor sa Instagram Story kasama ang misis nito.

Hanggang sa ilang news outlets na sa Cebu ang naglabas ng balita tungkol sa pag-aresto kay Baron.
Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, naaresto si Baron bandang alas 3:50 ng madaling-araw noong Sabado, February 22, dahil sa "drunkenness."
Ilang oras daw nanatili sa Canduman Police station ang Incognito actor.

Ayon naman sa ulat ng iFM 93.9 Cebu, sinabi ni Police Col. Mercy Villaro, ang Public Information officer ng Mandaue City Police Station, kasama raw ni Baron ang kanyang in-laws na nag-iinuman sa kanilang tahanan.
Habang nag-iinuman ay bigla na lamang daw may binalibag si Baron kaya nagpatawag ng pulis ang kanyang in-laws.
Ilang oras daw na-detain si Baron sa pulisya.
Nakalabas naman daw si Baron matapos magbayad ng penalty, na nagkakahalaga ng PHP500, dahil sa paglabag sa City Ordinance 11-2008-434 (drunkenness).
Wala raw nadamay sa nasabing kaguluhan.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng sangkot sa isyung ito.
