Opisyal na nagbukas ang bagong season ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother ngayong gabi, Linggo, March 9, 2025.
Historic ang latest installment na ito na tinawag na PBB Celebrity Collab Edition dahil pinagsama ang mga bituin ng dating magkaribal na networks na ABS-CBN (Kapamilya) at GMA Network (Kapuso).
Eksaktong 6:15 P.M. nag-kick off ang programa at live na napanood mula sa PBB House na magsisilbing tahanan nang ilang araw ng celebrity contestants.
Pinangunahan ni Kapuso Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapamilya singer-actor Darren Espanto ang opening ng programa sa pag-awit ng PBB theme song.
Pagkatapos ng opening number ay lumabas na ang mga tatayong host ng PBB Celebrity Collab Edition.
Mananatiling hosts sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at Melai Cantiveros.
Kasama rin nila ang fellow Kapamilya star at Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate na si Alexa Ilacad.
Co-hosts din mula sa GMA Network sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi.
Wala sa opening day ang iba pang hosts na sina Kim Chiu at Enchong Dee.
Read: PBB Celebrity Collab hosts at housemates, handa na sa bashers
WHO ARE THE KAPUSO HOUSEMATES?
Unang ipinakilala ang celebrity housemates mula sa bakuran ng GMA Network.
Ito ay sina Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, Dustin Yu, at Mika Salamanca.
Read: Josh Ford: Bubuyog at Nawala si Andrei
Later during the program ay ipinakilala si Michael Sager na kasama rin sa participants mula sa Kapuso network.


KAPAMILYA HOUSEMATES REPRESENT!
Samantala, binubuo naman nina AC Bonifacio, Esnyr, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, River Joseph, Ralph De Guzman, at Kira Balinger ang housemates from ABS-CBN.


Pre-recorded ang segment kung saan ay nakitang sinusundo ng participants mula sa magkabilang network ang kanilang mga makakasama sa Bahay ni Kuya.
Namalagi muna sa hotel ang celebrity housemates bilang preparasyon at ngayong gabi ay first time nilang lahat makapasok sa PBB House at magkita-kita.
CELEBRITY GUEST HOUSEMATE
Ipinakilala rin ngayong gabi si Ivana Alawi bilang celebrity guest housemate.
Binigyan na agad ng misyon ni Kuya si Ivana at ito ay ang paniwalain ang participants na isa rin siyang official celebrity housemate.

Sampu ang participants sa magkabilang network at labinlima pa lang ang ipinakilala ngayon gabi. Papangalanan sa mga susunod na araw ang iba pang celebrities na papasok sa PBB House.
Kagaya ng mga nagdaang edisyon ng Pinoy Big Brother ay dadaan sa challenges ang housemates at susubukan ang kanilang tatag ng loob, composure, at kakayahang makisama at makibagay sa loob ng maraming araw.
Tiyak na kaabang-abang ang mga susunod na mangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.