PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rayver Cruz feels sure that he wants to marry Julie Anne San Jose

Rayver reiterates he has so much respect for Julie Anne and her family.
by Melba R. Llanera
Published Mar 19, 2025
Rayver Cruz wants to marry Julie Anne San Jose when the right time comes
Rayver Cruz on settling down with Julie Anne San Jose at the right time: "Pag plantstado na ang lahat, di naman natin alam kung kailan yun, pero definitely kung papahintulutan ng Panginoon, si Julie na naman at wala nang iba."
PHOTO/S: @rayvercruz Instagram

Masaya at payapa ang relasyon nina Rayver Cruz, 35, at Julie Anne San Jose, 30, pero may ilan pa ring mga tagahanga ang Kapuso singer-actress na hindi boto kay Rayver.

Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hiningan ng reaksiyon si Rayver ukol dito.

Pahayag niya: "Okay lang yun, hindi mo naman mapi-please ang lahat, e.

"Hindi lang naman sa industry natin, sa buhay natin, sa buong mundo, ganun talaga.

"Respetuhin na lang natin ang mga opinyon nila."

Hindi raw sukatan ang opinyon ng iba kung anong mayroon sila ng nobya.

"Hindi naman ako masyadong naapektuhan kasi alam ko one hundred percent ang pagmamahal ko kay Juls, and ganun din siya for me.

"Mahal ko yung family niya, mahal niya ang family ko, that's what matters.

"At the end of the day, si God ang center ng relationship namin."

Tiniyak din ni Rayver na hindi sila apektado ni Julie Anne kung mayroon mang negatibong feedback ang iba sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "Hindi naman masyado kasi sobrang happy namin, e. Like sa status ng relationship namin, walang masyadong negativity.

"Kung mayroon mang mga comments or ano, di ko na rin masyadong napapansin."

RAYVER CRUZ ON SETTLING DOWN WITH JULIE ANNE SAN JOSE

Pagdating sa estado ng relasyon niya kay Julie Anne, sabi pa ni Rayver, "Masaya, getting stronger every day and super happy.

"Kita naman sa aura ko na sobrang saya ko."

Inasahan naman ni Rayver na ang sunod na tanong sa kanya ng awtor na ito ay kung may balak na siyang mag-propose sa kasintahan.

"Lagi naman yun ang tinatanong sa akin," sambit ni Rayver.

"And mahirap sagutin yan kasi nga gusto ko sana siya yung unang makakaalam kung kailan ko papaplanuhin, di ba?

"That's one thing that I'm proud to say, and I always say naman sa mga tao, na si Julie Anne na talaga ang pakakasalan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Of course, kailangang gawin. Si Lord na ang bahala diyan.

"And sobrang respeto ko sa mga magulang."

Makikitang sinsero si Rayver sa mga binitawang salita.

"Pag plantsado na ang lahat, hindi naman natin alam kung kailan yun, pero definitely kung papahintulutan ng Panginoon, si Julie na naman at wala nang iba."

Nagkakatrabaho sina Rayver at Julie Anne sa reality show ng GMA-7 na The Clash, at nagkatambal din sila sa pelikulang The Cheating Game (2023).

May plano bang magtambal uli sila sa isang acting project?

"Well, ako rin naman, wish ko yun. Maybe may kanya-kanyang plano rin kasi for us ang Sparkle," sagot ni Rayver.

Ang Sparkle ang talent management arm ng GMA-7 na kinabibilangan ng couple.

"At this point, we trust GMA and our management. Alam naman nila kung ano ang mas maganda for us.

"Lahat yan mangyayari in time, and hindi naman yan imposibleng mangyari dahil ang dami pang panahon for that."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabay binanggit ni Rayver ang upcoming GMA-7 series na Slay kunsaan isa sa mga bida si Julie Anne.

"Right now, I'm very proud of her. Ang ganda ng Slay, na-showcase na naman kung gaano siya kagaling na artista.

"Dun ako natutuwa, every time na may soap siya, dahil alam ko rin kung ano ang caliber niya as an actress, hindi lang as a singer."

Read: Rayver Cruz declares love for Julie Anne San Jose: “Ikaw na talaga yung nakikita kong makakasama ko sa habang buhay.

RAYVER CRUZ AS SINGER-GUITARIST IN SINAGTALA

Nakapanayam ng PEP si Rayver pagkatapos ng presscon ng Sinagtala, ang pelikulang pinagbibidahan nila nina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Arci Muñoz, at Matt Lozano.

Ginanap ang presscon sa Seda Vertis North sa Quezon City noong March 11, 2025.

Ayon kay Rayver, kapatid ang turingan nila ng kanyang co-stars.

"Sobrang saya. Talagang yung chemistry nabuo kaagad. Nung magkasama kami, sobrang gaan katrabaho ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Para akong nagkaroon ng bagong kapatid sa pamilyang ito.

"Dito kasi sa ginawa namin, it's not work for me, parang na-embrace talaga namin yung character," pagbabahagi niya.

Sa kuwento ng Sinagtala, mga miyembro sila ng isang up-and-coming band sa. Lahat silang lead stars ang mismong kumanta at tumugtog ng featured songs sa pelikula.

Read: Wishful thinking: Julie Anne San Jose wants "church wedding"; Rayver Cruz likes "sa ibang bansa"

RAYVER ON JULIE ANNE SUPPORTING HIS SINGING CAREER

Mas higit na nakilala si Rayver bilang actor-dancer noong siya ay nasa ABS-CBN pa.

Pero paglipat ng GMA-7, nabigyan siya ng pagkakataong ipakita ang galing din sa pagkanta.

Ayon kay Rayver, si Julie Anne ang nakaimpluwensiya sa kanyang balikan ang pag-awit.

"Siguro lack of confidence rin," ani Rayver patungkol sa hindi niya pagkanta masyado noon.

"Actually, after pandemic, after nun sabi ko parang gusto ko na rin.

"Alam ko mapa-proud sa akin ang nanay ko kapag ka pinursue ko rin ang passion ko for singing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now, nahilig pa ako sa music, lalo na na-in love ako sa paggigitara, saka siyempre dahil kay Julie Anne San Jose.

"Isang malaking inspirasyon siya for me para i-pursue ko. She's excited for it."


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz on settling down with Julie Anne San Jose at the right time: "Pag plantstado na ang lahat, di naman natin alam kung kailan yun, pero definitely kung papahintulutan ng Panginoon, si Julie na naman at wala nang iba."
PHOTO/S: @rayvercruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results