Proud na ipinagsigawan ng actor-TV host na si Rayver Cruz ang pagmamahal niya sa singer-actress na si Julie Anne San Jose.
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes March 16, 2023, inihayag ng magkasintahan ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Bago pag-usapan ang nalalapit na pagsisimula ng pagbibidahan nilang pelikula na The Cheating Game, sumalang muna ang dalawa sa Fast Talk.
Dito ay mabilisan nilang sinagot ang mga tanong ng host na si Boy Abunda.
Kabilang na rito ang tanong kung ano ang tawagan o terms of endearment nila sa isa't isa.

Bukas pareho sina Rayver at Julie Anne na sabihin sa publiko na espesyal at higit pa sa katrabaho at magkaibigan ang turing nila sa isa’t isa.
Read: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, pinakilig ang JulieVer fans sa kanilang aminan ng feelings
Diretsahang tanong ni Boy kay Rayver, “Ano ang tawag mo kay Julie?”
Sagot ni Rayver, “'Jules.' Pero sa totoo lang, Tito Boy, ang tawag ko talaga sa kanya ay 'my love.'"
Sumunod namang tinanong ni Boy si Julie Anne kung ano ang tawag nito sa nobyo.
Sabi ni Julie Anne, “'Pumpkin' kasi tawag ko sa kanya. 'Pumpkin' and… 'love.'"
Read: Julie Anne San Jose, Rayver Cruz post PDA moments during fishing trip
Hindi rin pinalagpas ni Boy na tanungin sa dalawa kung sino sila sa buhay ng bawat isa.
Saad ni Rayver, “Siya yung nag-iisang babae sa buhay ko ngayon, Tito Boy.”
Ayon naman kay Julie Anne, “[Si Rayver] ang importante at mahal ko.”
Bahagyang kinilig at nabigla pa si Rayver sa sagot ng singer-actress kung kaya’t bigla siyang napangiti at napakapit sa bisig ni Julie Anne.

Tukso sa kanila ni Boy, “Sandali lang, this is the first time I’m doing this.
“Yung karamihan na katanungan ko sa Fast Talk ay nasa floor na pero mapapansin niyo po may mga itinago ako.
“Sino si Rayver sa buhay mo? Gusto ko iyong [sagot mo Julie Anne] na 'mahal ko.'”
Sundot pa na sagot ni Rayver, “Yes po, Tito Boy. Mahal ko po si Julie.
“Yun po yung tawag ko talaga kay Julie, as in.
“Nai-express ko po every day. Parang nahihirapan po ako kapag hindi ko sinasabi na ‘love' o 'mahal.'"
Read: Julie Anne San Jose confirms her parents approve of Rayver Cruz
Read: PEP YEARENDER 2022: John Lloyd-Isabel, Paulo-Janine, Aljur-AJ, and other new showbiz couples in 2022
JULIE ANNE AND RAYVER MESSAGE TO EACH OTHER
Bago matapos ang kanilang guesting sa Fast Talk, binigyan sila ng pagkakataon ni Boy na magbigay ng mensahe sa isa’t isa.
Tanong ng Kapuso host, “Rayver, anong gusto mong sabihin kay Julie Anne?"
Sabi ng aktor, “Ako, Tito Boy, sa totoo lang palagi ko namang sinasabi sa kanya [Julie Anne] na lagi akong nandito for her.
“Pero gusto ko lang din sabihin sa yo [Julie Anne] na this is it, hindi mo man alam pero… I’m getting ready.
“Kasi ikaw na talaga yung nakikita ko na makakasama ko habang buhay.
“Noon kasi nagre-ready ako for myself, Tito Boy.
“But for now, I’m ready para sa mga future plans ko with her.”
Read: Rodjun Cruz believes brother Rayver Cruz will end up marrying Julie Anne San Jose
Short at makahulugan naman ang naging tugon ni Julie Anne
Aniya, “Basta kung nasaan ka, nandoon ako.”
Read: Wishful thinking: Julie Anne San Jose wants "church wedding"; Rayver Cruz likes "sa ibang bansa"
