PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derrick Monasterio emotional after being praised for his acting

Derrick Monasterio sees girlfriend Elle Villanueva as “the one” for him.
by Arniel C. Serato
Published Mar 20, 2025
Derrick Monasterio main
Actor Derrick Monasterio declares girlfriend Elle Villanueva as his "the one and only": "One hundred percent. One million percent. Sure na, sure na, sure na."
PHOTO/S: Arniel Serato

Aminado si Derrick Monasterio na malaki ang impluwensiya sa kanya ng girlfriend na si Elle Villanueva pagdating sa kanyang acting career.

Dati raw kasi ay marami ang tumatawag sa kanyang "bano" at "ham actor."

Saad ng Kapuso hunk: "Well, dati, nung tinatawag akong hindi ako marunong umarte, ganun, parang di pa rin talaga nagsi-sink in.

"Di pa rin talaga maayos. Parang sabi ko, 'Ganun lang.'

"Parang hindi ko siya sinasapuso.

"Well, mas napipikon ako na parang, 'Bakit na naman? Ano na namang ginawa ko?' Ganun."

Pero hindi raw niya ipinapakita sa publiko na napipikon siya.

"Pero ngayon, nang nari-realize ko ngayon, na may pagkukulang din kasi talaga, hindi ko rin talaga siya masyadong isinapuso," sabi ni Derrick.

Read: Derrick Monasterio, may realization pagkatapos ng aksidente ni Elle Villanueva sa Alps

Derrick Monasterio interview
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FROM HUNK TO ACTOR

Sa presscon ng bagong seryeng pinagbibidahan niya, ang Slay, na ginanap nitong Miyerkules, March 19, 2025, hindi napigilan ni Derrick na maging emosyunal.

Abot-langit kasi ang papuring natanggap niya mula mismo kay GMA senior vice-president Atty. Annette Gozon-Valdes.

Kakaibang Derrick daw ang mapapanood sa Slay.

Sabi ni Derrick: "Ang sarap sa feeling nun kasi, 15 years dito sa business, first time kong makarinig ng ganun na talaga sa acting.

"Kasi dati sa singing, sa rampa-rampa, sa acting, sarap sa feeling."

Dati, laging pinupuna sa kanya ay dinadaan lang daw niya sa pagandahan ng katawan ang pag-arte. Aminado naman daw siya rito.

Pero nag-iba raw ang perspektibo dahil sa malaking impluwensiya sa kanya ng kasintahang si Elle Villanueva.

Lahad ni Derrick: "Yes, because of her.

"Siguro ano lang, tinuturuan lang niya ako ng tamang values kung paano kami sa relationship.

"At nag-reflect yan sa trabaho, kung paano ako mag-handle ng isang relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, natuto akong makinig, pinakinggan ko talaga siya.

"Pag meron siyang pagbabago sa boses, pag may pagbabago siya sa mata, nakikita ko yan.

"Parang, 'Okay ka lang? Ano nangyari?'

"So, nagiging mas sensitive ko.

"Nag-reflect lang siya. Parang natural nangyari.

"Hindi na workshops."

Read: Derrick, may realization pagkatapos ng aksidente ni Elle sa Alps

elle villanueva derrick monasterio gma ball 2023
Elle Villanueva and Derrick Monasterio have been together for three years.
Photo/s: Pau Guevarra
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DERRICK MONASTERIO ON MATURITY

Masasabi ba niyang nag-mature siya hindi lang sa pag-arte kundi sa kanyang buong pagkatao?

Sagot ni Derrick: "Parang ganun. Sobra, dati laru-laro, babae.

"Pero sabi nga nila, 'Kung gusto mong umahon sa buhay mo, it only takes one good woman,' na ganun.

"Yan yung parang sabi ng mga billionaires kung paano sila yumaman, isang babae na ganun."

Nakikita niyang si Elle na ang "the one" para sa kanya?

"One hundred percent. One million percent. Sure na, sure na, sure na," mabilis na sagot ng Kapuso actor.

Read: Derrick Monasterio: "Gusto ko nang mag-start ng family soon."

Itinanggi naman ni Derrick na nagsasama na sila ni Elle sa iisang bubong.

"Minsan sleepovers lang," sabi ni Derrick.

Legal naman daw ito sa pamilya ni Elle.

"Legal. Oo naman.

"Kasi, tagal na rin po namin. Three years na rin po kami.

"So, parang pinu-prove ko naman sa family niya na worthy ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Derrick Monasterio at Elle Villanueva, hindi nagli-live-in pero nag-i-sleepover sa bahay ng isa't isa

Mapapanood ang Slay sa GMA Prime, 9:25 ng gabi, simula sa March 24, 2025.

Napapanood na rin ito sa streaming app na Viu.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Derrick Monasterio declares girlfriend Elle Villanueva as his "the one and only": "One hundred percent. One million percent. Sure na, sure na, sure na."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results