Emosyunal pa rin si Ashley Ortega matapos siyang ma-evict, kasama ang co-housemate na si AC Bonifacio, sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition noong Sabado, March 29, 2025.
"Ngayon hindi pa nagsi-sink in lahat sa akin, pero siyempre nabigla ako. Medyo na-sad ako.
"Pero siyempre, at the end of the day, parang kailangan kong tanggapin na this is a game.
"Pero whatever inside the house naman, I'm gonna cherish everything. Laban lang," pahayag ni Ashley sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel ng 24 Oras na umere nitong March 30.
Read: AC Bonifacio, Ashley Ortega first evictees in PBB Celeb Collab

Ayon kay Ashley, sa tagal na niya sa showbiz ay ngayon lamang niya ipinakita ang kanyang kahinaan sa publiko.
Pero pakiramdam daw niya ay binago siya ng sandaling pananatili sa Bahay ni Kuya.
Saad ng aktres: "Sa tagal ko sa industriya, first time ko lang talaga maging vulnerable nang ganun sa harapan ng maraming tao.
"Medyo feel ko I'm a changed person. Medyo hindi ko alam ang nararamdaman ko."
Life-changing ba talaga ang experience niya sa loob ng PBB house?
Sagot ni Ashley: "Sobra. Sobrang life-changing niya to the point na hanggang ngayon, medyo sabaw pa rin ako.
"Medyo hindi pa rin naka-sink in lahat na nangyayari.
"Natatakot din ako alamin kung ano nangyayari dito sa outside world.
"Pero siyempre, I'm grateful."
Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 15 housemates
ASHLEY ORTEGA RECONNECTS WITH MOM INSIDE PBB HOUSE
Naging makabuluhan din ang pamamalagi ni Ashley sa loob ng Big Borther house dahil nagkaroon ulit sila ng komunikasyon ng nakaalitang ina.
Tatlong taon silang hindi nag-usap at nagkita.
Bago ma-evict sa bahay, nakatanggap si Ashley ng isang sulat mula sa ina.
Sa huli, nagpasalamat si Ashley sa kanyang mga tagahanga, sa housemates, at sa kanyang ka-duo na si AC Bonifacio.
Sabi niya: "I appreciate each and every one of you, sa lahat talaga ng mga nagmahal sa akin.
"Hindi ko pa kasi alam kung sino, pero thank you.
"And sana patuloy niyo pong suportahan yung PBB kasi yung mga housemates ko doon, lahat sila matatapang, lahat sila mababait.
"I realized that they're all different, pero yung pagsasama namin doon was really strong."
Samantala, very proud naman ang PBB co-host at boyfriend ni Ashley na si Mavy Legaspi sa nobya.
Mensahe ni Mavy sa kanyang Instagram Story (published as is): “i am so happy the people got to know you better… and they love you! welcome back to the outside world honey bunny!”
Kalakip ng message ni Mavy ang isang black-and-white photo kung saan buhat-buhat niya ang girlfriend.
Nakasulat dito, “a girl like you? so lovable."

Read: Mavy posts sweet message for Ashley after her PBB eviction
