Sa wakas ay inamin ni Ashley Ortega, 26, na higit pa sa pagiging magkaibigan at magkatrabaho ang relasyon nila ng kapwa Kapuso star na si Mavy Legaspi, 24.
Ngayong Lunes ng hapon, February 10, 2025, nakapanayam ng TV host na si Boy Abunda si Ashley sa programang Fast Talk With Boy Abunda.
Dito kinumpirma ng aktres sa kauna-unahang pagkakataon ang matagal nang usap-usapan tungkol sa kanila ni Mavy.

Diretsahang tanong ni Boy, "Ito'y yes or no lang naman. Oo o hindi, kayo na ba ni Mavy Legaspi?"
Bago sumagot, mahihinuha pa sa mukha ni Ashley ang pagkahiya ngunit sa huli ay inamin din niyang sila na nga ni Mavy.
Aniya, "I think it’s obvious naman na... yes [kami na]!"
Read: Carmina Villarroel denies meddling in children’s lovelife
Sundot na tanong ni Boy, "Paano nag-umpisa ang lahat? Paano ka niligawan, what can you tell us?"
Kuwento ni Ashley, matagal na silang magkakilala ni Mavy dahil sa kanilang common friends, ngunit noong nakaraang taon lamang daw sila lumabas na sila lang dalawa.
Pagbabalik-tanaw ng Kapuso actress, "Well, I met Mavy a few years ago. Mga bata pa kami noon, e, I think, when he started signing a contract sa Sparkle.
"But we started hanging out more last year. Tapos doon ko talaga siya nakilala talaga."
Ang "Sparkle" ang talent management arm ng GMA Network na siya ring nangangalaga sa showbiz career ni Ashley.
Read: Carmina Villarroel addresses “pakialamera, matapobre” allegations
Paglilinaw ni Ashley, parehas na silang single ni Mavy nang magdesisyon silang lumabas-labas at kilalanin ang isa't isa.
Ibig sabihin, hiwalay na noon si Ashley sa ex-boyfriend niyang politician, si Mayor Mark Alcala ng Lucena City, Quezon.
Habang si Mavy naman, sa ex-girlfriend niyang si Kyline Alcantara.
Related Stories:
- Kyline Alcantara-Mavy Legaspi relationship: A timeline
- Mavy Legaspi reacts to ex Kyline Alcantara dating Kobe Paras
- Ashley Ortega no contact with ex-BF Mayor Mark Alcala
- Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo
Pagbabahagi pa ni Ashley: "I think it started na parang there was a one night kasama yung mga friends namin, so doon ko siya nakilala.
"Then nagtuluy-tuloy na. And then he asked me out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other.
"Then, nagtuluy-tuloy na."
MAVY'S WAYS OF COURTING ASHLEY
Pag-amin pa ni Ashley, tuluyan siyang nahulog at na-in love dahil sa pagiging "thoughtful" at "generous" ni Mavy noong nililigawan siya nito.
Saad niya, "Mavy is really thoughtful and generous.
"Hindi naman kasi ako magrandeng tao na kailangan ng flowers or surprises or whatsoever.
"Ano lang talaga, more on conversational lang talaga ako."
Muling tanong ni Boy kay Ashley, "Ano yung mga impression mo kay Mavy dati noong hindi pa kayo close na tama at mali pala? Let's start with 'Akala ko, hindi naman pala.'"
Sagot ni Ashley: "I thought before na hindi niya mama-match yung maturity ko kasi he's younger than me, e. He's three years younger than me.
"But he's actually mature. Parang in our relationship, parang ako pa nga yung pabebe girl.
"He takes care of me. Ayun yung napatunayan niya while we were going out."
Ano naman kaya ang tamang impression ni Ashley sa kanyang nobyo?
Aniya, "That he is a well-mannered guy. He is!"
ASHLEY ON MEETING MAVY'S FAMILY
Patunay lamang daw itong maayos na pinalaki si Mavy ng mga magulang nitong sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Sa katunayan, ang kabutihan daw ni Mavy ay nakita mismo ni Ashley sa pamilya nito nang minsan siyang yayain nina Carmina, Zoren, at ang kakambal ni Mavy na si Cassy Legaspi na sumama sa kanilang family dinner.
Read: Carmina to Mavy: 'Tatay and I are just happy you're back.'
Ramdam na ramdam daw ni Ashley ang pagiging bukas ng pamilyang Legaspi na kilalanin siya bilang bagong nobya ni Mavy.
Saad ni Ashley: "There are very welcoming.
"I've worked with Tita Mina [palayaw ni Carmina] na before, nag-lock-in taping din kami in two months.
"Si Tito Zoren also I've worked na rin sa kanya before, he became my dad.
"But when me and Mavy, we're hanging out na, Mavy introduced me to them.
"Actually last December, they invited me for the Christmas dinner."
Read: Kyline Alcantara unfollows Legaspi family on Instagram
Diin pa niya, "They're very welcoming, mababait po sila, and Cassy also."
Read: Cassy Legaspi gives short answers about friendship status with Kyline Alcantara
ASHLEY AND MAVY SIGHTINGS
Noong January 2025 nang magsimulang maghinala ang mga tagahanga nina Ashley at Mavy sa totoong ugnayan ng dalawa.
Ito'y matapos mag-viral online ang videos ng dalawang Kapuso stars na magka-holding hands habang papasok sa isang establisimyento sa Cebu City.
Read: Are Mavy Legaspi and Ashley Ortega an item?
Magkasama sina Mavy at Ashley sa Cebu nang dumalo at makisaya sila sa taunang Sinulog Festival noong January 19.
Sa kuhang video ng isang netizen, naaktuhan niya ang dalawa na magka-holding hands while walking papasok sa restaurant.

Nakasuot si Mavy ng itim na T-shirt at kulay gray na shorts, habang si Ashley naman ay naka-puting cropped tank top at maong na pantalon.
MAVY'S INSTAGRAM POST
Mas lalo pang naghinala ang netizens na may espesyal na namamagitan kina Mavy at Ashley nang i-upload ng aktor sa kanyang Instagram nitong Lunes, January 20, ang mga kuhang litrato sa dinaluhan niyang Sinulog Festival.
Kasama na rito ang litrato nila ni Ashley kung saan nakatakip sa kanilang mukha ang puting tela.

Bukod pa rito ang sweet photo nilang nakayapos si Ashley sa balikat ni Mavy sa group photo kasama ang ilang mga kaibigan.

Tanging caption ni Mavy sa kanyang post (published as is): "pit senyor! daghang salamat cebu/cebuanos! had a great sinulog festival with you guys!"
Read: Kyline Alcantara-Mavy Legaspi relationship: A timeline
