PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aira Lopez reacts to “mag-tatay” tag with boyfriend Mark Leviste

Netizens to Aira Lopez, Mark Leviste: "S unang tingin mag tatay."
by Arniel C. Serato
Published Apr 2, 2025
Aira Lopez reacts to comment of netizen about her and boyfriend Mark Leviste
Aira Lopez claps back at netizen for "mag-tatay" comment about her and boyfriend Mark Leviste: "Ikaw hindi pa kita nakikita, mukha ka ng uod."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Pinalagan ng Sparkle artist at content creator na si Aira Lopez, 27, ang pagtawag ng isang netizen sa kanya at boyfriend na si Batangas Vice-Governor Mark Leviste, 47. na "mag-tatay."

Sa Facebook noong March 31, 2025, isang short Reel ang in-upload ni Aira. Kasama niya rito ang boyfriend na si Mark.

Mapapanood sa video ang kunyari'y pagbigkas ni Mark ng "Panatang Makabayan," ngunit iniba niya ang kasunod na linya.

Sabi ni Mark, "Panatang Makabayan, iniibig ko yung isa diyan."

Dito na kunyari biglang sumulpot si Aira.

Caption ng dalaga sa post: "Oo na unahan kona kayo, kamukha nga ni VG si BBM! Hahaha buti nalang kamukha lang [face with rolling eyes emoji] chz"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "VG" na tinutukoy niya ay "vice governor" at si "BBM" ay si Pangulong Bongbong Marcos.

May nagsabi namang malayo raw ang htsura ni Mark kay BBM.

Netizens to Aira Lopez

Isang netizen naman ang nagkomentong mukha raw magtatay sina Mark at Aira.

Sabi nito (published as is), "S unang tingin mag tatay [laughing, peace sign emojis]"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ito nagustuhan ng Sparkle artist.

Buwelta ni Aira sa netizen, "ikaw hindi pa kita nakikita, mukha ka ng uod"

Basher to aira lopez

Read: Mark Leviste, maingat sa update about Kris Aquino

AIRA LOPEZ AND MARK LEVISTE "HAPPY" IN THEIR RELATIONSHIP

Noong February 13, 2025, ipinakilala ni Mark sa media si Aira bilang kanyang bagong girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong panahong iyon, anim na buwan pa lang ang kanilang relasyon.

Saad ni Mark: "From day one, we connected well. I felt the spark and I'm happy where I am right now.

"We're having fun. We're having a happy and harmonious relationship these last six months going on seven."

Dahil kinabukasan ay Valentine's Day noong nakapanayam sila, naitanong na rin ng media kung ano ang balak nila sa Araw ng mga Puso.

Ayon sa politiko, isang dinner sa Hong Kong ang sorpresa niya para kay Aira.

Saad niya: "A dinner, I will be taking her out for dinner in Hong Kong, overnight lang, talagang for Valentine's lang.

"After ng mga kasalang bayan, at mga Valentine's na ganap dito sa Batangas, we're flying in Hong Kong in time for dinner.

"In love na in love."

Read: Mark Leviste wishes Kris Aquino well; says he knows her boyfriend

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aira Lopez claps back at netizen for "mag-tatay" comment about her and boyfriend Mark Leviste: "Ikaw hindi pa kita nakikita, mukha ka ng uod."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results