GORGY RULA:
Maingat ang mga sagot ni Batangas Vice Governor Mark Leviste nung nakapanayam namin sa DZRH noong Biyernes, June 7.
Humingi kami sa kanya ng update sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino, pero wala raw siya sa posisyon para magbigay nito. Ang tanging nasabi lang niya ay dumaan daw sa vaccination si Kris.
MARK, TIPID SA UPDATE TUNGKOL KAY KRIS
Ani Vice Gov. Mark Leviste, “To be honest, I’m not at liberty to discuss her current condition. Madalas naman po ay ina-update tayo ni Kris through her social media at…
“Although kanina, kami ay magka-text at siya po ay nagpapahinga dahil siya po ay nagpabakuna kamakailan at ramdam pa po niya ang epekto ng gamot o ng bakuna. Kung kaya’t siya po ay nagpapahinga sa mga oras na ito.”
Hindi na niya sinabi sa amin kung para saan ang bakunang itinurok kay Kris. Okay naman daw ang komunikasyon nilang dalawa, at isa sa napag-usapan ay ang political plans ng bise gobernardor.
MARK, NAGHAHANDA NA SA PAGKTAKBO BILANG BATANGAS GOVERNOR
Pagkatapos ng honeymoon sa Europe ng kasalukuyang Governor ng Batangas na si Dodo Mandanas at ng kanyang 32-year old wife na si Atty. Angelica Chua, nakikita na sa social media ang pagpasa ni Gov Dodo kay Vice-Gov ng responsibilidad bilang governor ng Batangas.
Napangiti si Vice-Gov Mark nang sinabi naming dapat ay gobernador na ang tatakbuhan nito sa darating na eleksyon.
Tinanong namin kung napapag-usapan ba nila ito ni Kris at kung nagpahayag ba ito ng suporta sa kanya.
“Opo naman!” kaagad na sagot ng Bise Gobernador ng Batangas.
“Even before my intention to prepare for the governorship, lalo na pag nandun po ako sa America, napapag-usapan po namin ang kanyang mga pananaw at iba-ibang ideas at adbokasiya tungkol sa public service at governance.
“Alam naman natin si Kris ay galing din sa political family. Ang kanyang mga magulang ay hindi pangkaraniwang pulitiko. Sila po ay nakapag-ukit ng kasaysayan sa ating bansa, sa ating buhay, at sa ating lipunan. Ganundin po ang kanyang kapatid, ang dating yumaong pangulong Noynoy Aquino.
“So, hindi naman po bago kay Kris ang pulitika at ako ay nagpapasalamat nang marami po akong natutunan sa kanya.
“She is very inspiring, she inspires me, and she continues to motivate me in my work as a public servant and manatiling tapat sa aking sinumpaang tungkulin, ganundin sa watawat,” sabi pa ni Vice Governor Mark Leviste.
READ:
Kris Aquino reconciles with Mark Leviste; reunites with Kim Chiu
Kris Aquino triggered after Mark Leviste posted selfie with her exes Phillip Salvador, Robin Padilla
NOEL FERRER:
Lagi namang sinasabi ni Vice-Gov Mark Leviste na malaki ang bahagi sa puso niya si Kris.
“Ang laman ng aking puso ay full of love, love, love,” napangiting sagot ni Vice-Governor Leviste sa tanong namin kung saan ba siya sa puso ni Kris.
MARK, PURING-PURI SINA JOSH AT BIMBY
Pero malapit daw sa kanya ang dalawang anak ni Kris na si Josh at Bimby.
Puring-puri niya ang mga anak ni Kris, at mahal daw niya ang mga ito.
Aniya, “Unang-una, madaling magustuhan at mahalin ang mga anak ni Kris. They are two of the sweetest, most adorable and loving people that you will ever meet in your life.
“Iba po ang kanyang ugali, una si Josh ay alam naman po natin ay nasa autism spectrum at siya po ay itinuring na special child, ganun pa man napakalambing ng bata na talagang walang masamang tinapay sa kanyang pagkatao.
“Si Bimb naman is one of the most selfless beings that I’ve ever met, seeing and witnessed in my life.
“Talagang ibinigay niya po ang kanyang buhay at buong pagmamahal sa kanyang ina. At siya po ay pangunahing tagapag-alaga sa kanyang ina habang sila ay nasa Amerika, nagpapagaling sa Estados Unidos.
“Hindi naman po mahirap na magustuhan at lalong higit mahalin yung dalawang anak ni Madame.”
Kinuwento na rin ni Vice-Gov Mark na dito lang daw sa Hacienda Luisita nag-celebrate si Josh ng kaarawan.
“Si Bimb at si Josh celebrated their birthdays recently. Si Bimb ay last April 19, at ito po ay isinagawa sa California doon sa bahay ni Madame, kay Kris.
“Samantala si Josh ay nag-29 years old last June 4 at ang pamilya ay naghanda para sa kanila sa Luisita, Tarlac.
“Mahal na mahal ko ang bata,” dagdag niyang pahayag.
READ:
Kris Aquino: Queen of All Media in retrospect
Kris Aquino health update: "There's a problem with my heart."
Kris Aquino fears she may not be around for Bimby's 18th birthday
JERRY OLEA:
Bilang Bise-Gobernador ng mahigit dalawampung taon, pinuri ni Vice-Gov. Mark ang pagsisilbi ni Vilma Santos sa Batangas noong isa itong Gobernador.
MARK, SALUDO SA PAGSILBI NI VILMA BILANG BATANGAS GOVERNOR
Malaki raw ang nagawa ni Ate Vi para maging madali sa entertainment industry mag-shoot sa Batangas.
Kahit paano ay naging malapit din daw sa kanya ang industriya, at tumulong din siya sa taping ng ilang teleserye kagaya ng FPJ’s Ang Probinsiyano.
Aniya, “In fairness to the Star for All Seasons, malaki ang naging bahagi niya na nailagay ang lalawigan sa mapa ng entertainment industry.
“Siyempre, marami ang tumatangkilik sa ating idolo, lalo na yung mga Vilmanians. Kung kaya’t naintindihan niya ang pangangailangan ng industriya para sa mga shooting, taping, production at iba pa.
“Ako naman on my own, noong kasagsagan ng pandemya, natulungan natin si Direk Coco Martin nung airing pa ang Probinsyano.
“Alam naman natin nung peak pa ng pandemic, inistrikto po ang lumabas ng bahay. Maraming protocols ang ating gobyerno, natulungan po natin sila na mabigyan ng permit ang cast and crew ng Probinsyano.
“Dun nila ginawa ang maraming bahagi, malaking bahagi ng kanilang palabas sa lalawigan ng Batangas.
“Mula sa mga bahay na ginamit sa kanilang teleserye, ganundin sa malapalasyong gusali na ginawang Malacañang Palace, pati na rin sa golf courses, shooting range o firing range at iba pang lugar na nakita po natin sa isa sa pinakasikat na teleserye sa kasaysayan ng telebisyon.
“Hindi lang po ang accommodation ang ating na-provide, location, kundi pati mga permit sa pag-alalay sa kanilang mga tauhan.”
READ:
Kris Aquino pens thank-you messages on what could be her "last birthday"
https://www.pep.ph/news/local/178937/kris-aquino-reveals-latest-health-update-a5132-20240214-lfrm
