Proud na ipinagsigawan ni Christrina Rey o Trina ang kanyang suporta sa partner na si Klarisse de Guzman pagkatapos umamin ng singer na isa siyang bisexual.
Ginawa ni Klarisse ang pag-amin sa episode ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab nitong Miyerkules ng gabi, April 2, 2025.
Sa kanyang Facebook ngayong araw ng Huwebes, April 3, 2025, ipinaramdam ni Trina sa netizens ang taus-puso niyang suporta kay Klarisse.
Panimula niya, "Baliko man o tuwid, yan ang mundo at walang mali sa’yo. [rainbow flag emoji]"
Pakiusap din ni Trina, sana ay patuloy pa ring suportahan ng netizens si Klarisse sa PBB ngayong umamin na ito sa totoo niyang sekswalidad.
Saad niya (published as is), "Sa mga hindi daw nakatulog ng maayos nung nakaraan, sana po himbing sleep niyo last night.
"Sana po ay patuloy niyong yakapin at mas mahalin ang nag-iisang KLARISSE DE GUZMAN! Keep on shining Our Soul Diva."
Pagkatapos maipalabas ang episode ng PBB Celebrity Collab kagabi, nag-post kaagad ng mensahe si Trina sa kanyang Facebook account.
Saad niya: "I AM PROUD OF YOU! I’m always here, always! I’ll wait u here sa outside world. Love Wins (heart, rainbow flag emojis)"
Sa kanya namang Facebook Story, ibinahagi ni Trina ang ilan sa mga bumati sa kanila ng partner na si Klarisse.

Read: PBB Celebrity Collab, mas humahataw sa online kumpara sa free TV
KLARISSE DE GUZMAN TALKS ABOUT HER PARTNER OF FOUR YEARS
Kasabay ng pag-amin ni Klarisse ang pagpapakilala niya sa partner.
Sabi ng singer sa kanyang co-housemates: “Yung kinukuwento ko sa inyo na may four years akong partner, yes, I have a partner for four years.
"Her name is Trina.”
Kahit tago sa publiko ang kanyang totoong sekswalidad, open naman daw sila sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan.
Aniya: "Alam ng parents ko, bago mawala ang papa ko… alam ng mama ko, and kasama ngayon ng mama ko is her [Trina].
"And I guess kumportable na akong sabihin sa inyong lahat, with Michelle Dee pa.”
Si Michelle, na guest housemate ngayon, ay aminado ring bisexual.
Read: Klarisse de Guzman comes out as bisexual
