Kinikilig pa rin daw si Jerald Napoles kapag magkapareha sila ng fiancée na si Kim Molina sa isang pelikula.
“Kinikilig pa rin ako siyempre. Kasi nare-relive yung moments noong bago kami magkakilala uli, yung ganun siyempre.
“Pero mas halata lang kay Kim kasi umiikot yung ulo niya pag kinikilig siya, e,” pagbibiro ni Jerald tungkol sa kasintahan.
Sa bago nilang pelikula mula sa Viva Films, ang Un-Ex You, may eksena raw na hinaharana nina Jerald at Kyosu Guinto sina Kim at Vladia “Jaja” Disuanco.
Kuwento niya, “So kumakanta kami, si Kim kinilig daw. Ewan ko si Ja, kinilig ba? Kinilig din iyan, siyempre.
“Mas madalas kiligin ang bata, e, ‘no,” pakli ni Jerald.
Introducing sa big screen via Un-Ex You ang loveteam ng ex-couple na sina Kyosu at Jaja o KyoJa.

Nasa Un-Ex You rin si Candy Pangilinan. Ipapalabas ito sa mga sinehan sa Abril 9, 2025, sa direksyon ni RC delos Reyes.
WHY JERALD KEEPS COMING BACK TO KIM
Ilang beses na ring nag-break at nagkabalikan sina Jerald at Kim. Kaya natanong si Jerald: Ano ang meron si Kim kung kaya’t binabalik-balikan niya ito?
“Masarap kasi si Kim… kasama!” bulalas ni Jerald.
“Totoo yun, masarap kasama si Kim. Kasi kapag meron kang ganun… usually kasi siyempre pag panibagong relasyon na naman, mag-a-adjust ka na naman, e.
“Hindi ka naman laging kolokoy kaagad pag bagong relasyon.
“So, parang wala na akong time for that. And then also si Kim kasi has become my bestfriend kasi. Naging bestfriend ko kasi si Kim, so iyon.
“Kumbaga dalawang relasyon yung nawala, pag hiwalay kami.
“Ngayon, mapapangasawa ko na.”
Nag-propose si Jerald kay Kim nitong nakaraang taon, August 11, 2024.
Read: Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
Nainterbyu ng mga miyembro ng media si Jerald sa mediacon ng pelikula nila ni Kim nuung March 12, 2025, sa Viva Café sa Cubao, Quezon City.
the only comedy loveteam
Tila sila lamang ni Kim ang maituturing na “comedy loveteam” sa showbiz dito sa Pilipinas.
“Baka naman merong iba? Pero sa ngayon na lumabas, tayo,” pagturing ni Jerald kay Kim. “Sa pelikula, lalo na sa pelikula. Oo nga tama, mag-agree ako diyan nang slight.
“Baka may lumabas e, na iba,” at tumawa si Jerald.
“Kasi yung iba, may romcom [romantic comedy], of course yung ibang stars, may romcom.
“Kami talaga, alam kaagad, comrom kami, nauna yung comic sa romance,” at natawa si Jerald.
May effort ba siya na hindi magaya o makapareho ang acting o atake niya sa bawat pelikulang ginagawa niya?
“Siguro part of it is, I think natural sa amin ni Kim at sa marami pang contemporary namin na galing sa teatro na bukod sa pagtingin sa isang proyekto o trabaho, we look at it as a journey.
“Another journey. Because it’s a different character, e.
“How this character travels from point A to point B sa buong pelikula.
“Kasi minsan sa script malalaman mo, ‘Ah, may ganyan pala!’
“Parang si Kim dito, ‘Ah, may ganun palang nangyayari sa katawan ng babae?’
“'Tapos of course si Kim, I bet meron siyang natututunan na truth within her habang tinatahak yung landas ng character na iyon.
“Na parang, ‘Ah okey, siguro dapat ganito kasi nakita ko may friend akong ganito!’
“So yung journey na iyon e nae-enjoy namin instead of we just go to a certain schedule to shoot a movie.”
WHAT MADE THE JERALD NAPOLES THAT HE IS NOW?
Komedyante mang tulad ni Jerald ay may pinagdaanan ding dagok sa buhay.
Si Jerald, ano ang matinding dagok sa buhay niya na nagpatibay sa kanya upang maging si Jerald Napoles sa kasalukuyan?
“Siguro ang… madami kasi. Unang-una, madami at hanggang kasalukuyan meron tayong mga, hindi naman dagok, pero mga challenges sa buhay.
“Everyone.
“But isa sa naging catapult o biglang nagpaigting ng aking passion sa ginagawa ko is when hindi po ako naka… gustung-gusto ko po kasing makatapos ng pag-aaral.
“'Tapos hindi ako nakatapos ng pag-aaral, humingi ako ng tulong sa iilang taong pinakaimportante sa buhay ko para lang makapag-aral.
“'Tapos merong… itong mga taong ito, hindi ko naman po sinisisi sila dahil hindi ako nakapagtapos, siguro may pinagdadaanan din.
“At meron din akong mga dahilan na nadinig na hindi ko tinanggap during that time.
“And I was parang medyo nagkaroon ako ng self-pity because of the idea na nung panahon na yun… ito personal experience ko, hindi ko na ikukumpara sa lahat.
“Sabi ko hindi lahat ng nasa edad ko gustong makatapos ng pag-aaral.
“Yung iba gusto na lang magpahinga at magtrabaho na. “Okey naman yung grades ko, bakit hindi ako mabigyan ng pagkakataong makapagtapos?
“Hanggang ngayon kasi iyon ang hang-up ko, e. Hindi ako naka-graduate, e.
“But because of that sabi ko may darating at maghahanap ako ng isang another journey sa buhay ko kung saan mas mari-reach ko kung ano goal ko at kung ano ang mga pangarap ko sa buhay.
“Nung napasok po ako sa teatro, sinama ako ni Arnold Reyes.”
Si Arnold Reyes ay isang theater/movie/television actor.
Pagpapatuloy ni Jerald, “Sabi ni Arnold Reyes, ‘Je, gusto mo bang mag-audition sa Tanghalang Pilipino at sa Dulaang UP?
“Sabi ko, ‘Sige, Arnold, sasama ako!’ ‘O, ganito mag-audition, aaralin mo yung kanta kasi musical yung mga pag-o-audition-an natin. Okey ka ba?’ ‘O, sige!’
“Mula nung napasok ako, nung kinagat ko yung pagkakataon na mag-audition, sabi ko, para dito ako.
“Then when I claimed and acknowledged that I’m made for this, hence, I became the Jerald Napoles na kaharap niyo ngayon.”
