PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged

Jerald to Kim: "Salamat sa pagsama sa akin sa loob ng sampung taon..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 12, 2024
Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
Kim Molina will soon walk down the aisle after saying "yes" to the wedding proposal of longtime boyfriend Jerald Napoles at the PETA Theater Center, the place where they first met.
PHOTO/S: @NicePrintPhoto Instagram

Simula na ang road to forever ng celebrity couple na sina Kim Molina, 33, at Jerald Napoles, 41.

Ito’y matapos mag-propose ni Jerald sa longtime girlfriend niyang si Kim sa loob ng PETA (Philippine Educational Theater Association) Theater Center sa Quezon City nitong Linggo, August 11, 2024, makaraan ang sampung taon nilang pagiging magkasintahan.

Read: Jerald Napoles, pinaghahandaan na ang kasal kay Kim Molina?

Sa video na in-upload ng Nice Print Photography sa TikTok, makikita ang pagkagulat ni Kim nang dumating siya sa PETA Theater Center at makitang puno ng dekorasyong bulaklak at ilaw ang stage habang may tumutugtog na saxophone.

Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
Photo/s: @NicePrintPhoto Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa harap ng entablado ay makikita ang neon led signage na may nakasulat na “WILL YOU MARRY ME?” na mas lalong nagpagulat sa aktres nang mabasa ito.

Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
Photo/s: @NicePrintPhoto Instagram

Read: Kim Molina reveals last fight with Jerald Napoles was in 2020

Bakas kay Kim ang magkahalong saya at pagkagulat, dahilan para siya ay mapaupo sa entablado habang humahagulgol sa iyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
Photo/s: @NicePrintPhoto Instagram

Nagmamadali rin namang lumabas si Jerald, galing sa likod ng entablado para lumapit kay Kim at patahanin ito sa pag-iyak.

Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
Photo/s: @NicePrintPhoto Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi mo pictorial,” bungad ni Kim kay Jerald nang makita niya ito.

Read: Netizens ask: Are Kim Molina, Jerald Napoles expecting baby No. 1?

JERALD DECLARES LOVE FOR KIM

Matapos mapakalma buhat sa pag-iyak si Kim ay nagsimula na si Jerald na banggitin ang inihanda niyang speech sa nobya.

Ani Jerald, napili niyang mag-propose sa PETA Theater Center dahil ito ang eksaktong lugar kung saan sila unang nagkita at nagkakilala.

Read: Netizen calls out PETA for allowing celeb, friends use gadgets

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na bago pasukin nina Jerald at Kim ang mundo ng pelikua at telebisyon ay una silang nakilala bilang mga artista sa teatro.

Read: Jerald Napoles, saludo sa paniniwala ni Kim Molina na di dapat maging problema ang pera sa relasyon

Sabi ni Jerald: "On this stage, exactly ten years, two months, and five days ago, we met for the first time without knowing each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Saudi girl [Kim] and Tondo boy [Jerald], nag-duet agad tayo nang hindi man lang tayo nag-uusap, doon tayo nagkakilala.

"So this stage [PETA Theater] gave me a lot of things in my life.

"Progress, dreams, goals, career, a name [in the showbiz industry], family, friends, newfound friends, and of course, special someone."

Read: Kim Molina recounts her privileged childhood in Saudi Arabia

Sa panayam ng dalawa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 27, 2021, ibinunyag nilang nagsimula ang kanilang love story nang magkasama sila sa Rak of Aegis, ang critically-acclaimed musical play na unang ipinalabas noong January 2014.

Read: Kim Molina reveals boyfriend Jerald Napoles sought permission of her parents before they lived together

LONGTIME PLAN

Sa inihandang speech ni Jerald, nabanggit din nitong matagal na niyang plano ang mag-propose kay Kim.

Sadyang hindi lang daw sumasakto ang kanyang timing sa mga araw na binabalak niyang lumuhod sa harap ng kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: "Pasensiya na kung sampung taon ang inabot.

"Pinahilom lang siguro ng panahon, marami rin kasi tayong challenges kaya hindi rin matuluy-tuloy.

'I've been planning to do this last year, supposedly on your birthday, but due to circumstances, hindi natuloy.

"And then I've planned to do this also on Christmas... and sa Coldplay concert kaso nagka-LBM [loose bowel movement] ka, so hindi rin natuloy.

"The final plan was supposedly kung natuloy tayo sa Europe.. .mas intimate sana kung tutuusin.

"[Pero] baka dito talaga itinadhana kung saan tayo nagsimula, kung saan mas sincere, actually, kung dito."

Read: Kim Molina, inaming nag-break sila noon ni Jerald Napoles

Nagpasalamat din si Jerald kay Kim sa pagmamahal na ibinigay at ipinadama nito sa kanya sa loob ng isang dekada nilang pagsasama bilang magkasintahan.

Aniya, "Maraming-maraming salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo.

"Salamat sa pagsama sa akin sa loob ng sampung taon at sana magtuluy-tuloy pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa puntong ito ay opisyal nang hiningi ni Jerald ang kamay ni Kim nang lumuhod siya sa harap nito at magtanong ng, "Will you marry me?"

Umiiyak naman itong sinagot ni Kim ng, "Yes!"

Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged
Photo/s: @NicePrintPhoto Instagram

ON JERALD BEING "THE RIGHT ONE"

Sa panayam ni Kim sa PEP Live noong January 17, 2023, buong pagmamalaki niyang sinabi na ang nobyong si Jerald ang itinuturing niyang "the right one" para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Do you think Jerald is the right one?" diretsahang tanong kay Kim.

Mabilis na sagot ni Kim, "Yes, walang kaabog-abog, yes.

"Because we're building our dreams together so I really felt he's the one."

Malaking bahagi raw si Jerald sa kung sino siya ngayon at naniniwala si Kim na ito ang taong nakalaan para sa kanya.

Sabi ni Kim, "Si Jerald ay boyfriend na sobra-sobra pa.

"Si Jerald ang boyfriend na inilaan para sa akin."

Read: Kim Molina in tears after meeting idol Regine Velasquez again

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina will soon walk down the aisle after saying "yes" to the wedding proposal of longtime boyfriend Jerald Napoles at the PETA Theater Center, the place where they first met.
PHOTO/S: @NicePrintPhoto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results