Natupad na rin sa wakas ang inaasam-asam ni Dennis Padilla na reunion sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.
Sa Instagram kahapon, April 6, 2025, ibinahagi ni Dennis ang larawan niya kasama ang tatlong anak na sina Julia Barretto, Claudia Barretto, at Leon Barretto.
Kasama rin nila sa larawan ang ina ni Dennis at lola ng tatlo na si Catalina Baldivia.
Maiksing mensahe ni Dennis: "Miss you mga anak [heart, rose, praying hands emojis]"
Hindi binanggit sa post kung kailan kuha ang larawan ng mag-aama.
View this post on Instagram
Sa comments section ay nagpahayag ng kanilang kasiyahan ang ilang celebrity friends ni Dennis gaya nina Zeus Collins at Candy Pangilinan.

Nagpaabot din ng kanilang pagsuporta ang ilang netizens.
Komento ng isang netizen: "Hello Julia, Claui and Leon! Hello Mama! A most beautiful picture"
Sabi ng isa pa: "This makes my mama heart so happy..I would not want my kids to isolate their dad no matter what he did..so this is such a great development. Sana Tuloy Tuloy na ang good relationship nyo po.god bless you"

Ayon naman sa isa pa: "Masaya kami para sa pamilya mo Sir Dennis. At last natupad na din ang panalangin mo po. Love, Hope, Faith, and Pray"

Masaya naman ang maraming followers ni Dennis sa nakitang reunion ng mag-ama.

Read: Get to know Dennis Padilla's seven kids
DENNIS PADILLA HOPES TO HAVE A LONG TALK WITH CHILDREN
Matagal nang pangarap ni Dennis magkaroon muli ng komunikasyon sa tatlo niyang anak.
Nais din niyang magkausap sila nang matagal-tagal.
Sa YouTube channel ng broadcaster na si Julius Babao noong November 21, 2024, nagbigay ng panayam ang actor-comedian at napag-usapan nila ang tungkol sa tatlong anak ni Dennis kay Marjorie.
Ipinakita pa ni Dennis ang collection niya ng mga magazine cover ni Julia.
Kailan niya huling nakausap nang personal si Julia?
Sagot ni Dennis: "Four years ago, mga panahon... sana ma-sit down ba na I will listen to them first.
"Maybe I can give them the first two hours and then, pagkatapos nila, ako naman ang magsasalita for another two hours.
"Pero I can summarize that in 30 minutes maybe."
Alam daw ni Dennis na may puwang ang puso ng mga anak para sa kanya dahil minsan ay binabati naman siya ng mga ito. Kaya umaasa siyang magkaroon sila ng mahaba-habang pag-uusap.
Lahad niya: "Yes, I want a longer conversation with them. Na walang editing. Walang editing.
"Hopeful ako na magkaroon kami ng long talk. Na open and civil, di ba?
"Without, you know, wag nang, wag nang banggitin yung mga heartaches.
"Ang pagkwentuhan na lang natin is yung buhay ko ngayon, buhay niyo ngayon, yun na lang ang pag-usapan."
Read: Dennis Padilla hopes for longer talk with estranged children
DENNIS PADILLA, CHILDREN HEALING JOURNEY
Mukhang nitong taong 2025 ay nagkatotoo ang pangarap ni Dennis.
Noong February 9, 2025, sa ika-63 na kaarawan ni Dennis, ibinahagi niya ang birthday messages nina Leon at Julia.
Ang unang ibinahagi niya ay ang mensahe ni Leon.
Sabi dito: "Happy birthday Papa, God bless always [praying hands emoji] -Leon"
Sagot niya sa anak: "Ty anak... love you... dinner tayo soon [red heart emoji]."

Sabi pa ni Dennis sa caption: "So happy for this message... Salamat anak... Love you, Leon [emojis]."
Kasunod nito ay ibinahagi rin ng komedyante ang mensahe mula naman kay Julia.
Sabi ng aktres: "Happy birthday Pa, hope you have a good day and year ahead. Good health and more blessings [red heart emoji]."
Tugon ni Dennis: "Ty anak, love you... dinner tayo soon... pag free ka... ingat [emojis]."

Caption ni Dennis sa post: "Dear Juy... Ty for remembering... Miss you anak... Love you [emojis]."
Read: Dennis Padilla posts birthday greetings from Julia, Leon
