PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Remember when Gerald Anderson was Joross's back-up dancer?

As Gerald returns to ASAP, here's a throwback to his pre-PBB days.
by Rachelle Siazon
Published Apr 14, 2025
Gerald Anderson recalls he used to be a back-up dancer of Joross Gamboa before he joined PBB in 2006.
Inset shows a young Gerald Anderson (in white t-shirt), who rose to fame after Pinoy Big Brother stint in 2006, was initially discovered by Joross Gamboa (in V-neck printed shirt) in GenSan. Seen on the left photo is a beaming Gerald after his dance number in ASAP on April 13, 2025.
PHOTO/S: ASAP / Magandang Buhay

"After eight Years kaya pa ng tuhod," ang pakuwelang hirit ni Gerald Anderson sa pagbabalik niya sa ASAP Natin 'To stage.

Sinorpresa ni Gerald, hindi lang ang kanyang fans kundi pati mga kaibigang artista, sa dance production number niya sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

Base ito sa episode kahapon, April 13, 2025.

Sinayaw ni Gerald ang viral TikTok dance na "Emergency."

Gerald Anderson performs
Gerald Anderson performs "Emergency" at ASAP Natin 'To
Photo/s: ASAP Natin 'To
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama niya sina Gela Laurel at Pinoy Big Brother Celebrity Collab ex-housemate AC Bonifacio.

Dati nang nagsasayaw si Gerald sa ASAP production numbers niya noon.

Read: Celebrities spotted at Claudia Barretto-Basti Lorenzo wedding

GERALD ANDERSON BACK-UP DANCER DAYS

Pero bago pa man sumabak sa showbiz si Gerald ay naranasan niya maging back-up dancer.

Ito yung panahon bago siya nakilala bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006.

Sixteen years old pa lang si Gerald nang kunin siyang back-up dancer ni Joross Gamboa.

Naninirahan pa si Gerald sa General Santos City noon.

Ibinahagi ito ni Gerald sa panayam niya sa Jeepney TV noong October 2017.

Ang pangalan daw ng grupo ni Gerald ay Fab Boys o Fabulous Boys, kunsaan kasama niya sa Edgar Allan "EA" Guzman.

Naalala ni Gerald na "na-insecure" raw siya noon.

Sa isip daw niya, "ang popogi ng mga 'to."

"Si Edgar Allan ang nagtuturo sa amin ng sayaw. Ang sinasayaw nila Joross, Don Romantico.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Napakasimple lang ng steps, grabe. Kumbaga, kung ngayon tinuro sa akin, wala pang 30 minutes makukuha ko na.

"Pero, two weeks tinuro sa akin, mali pa rin ako sa sayaw namin. Grabe! Ganun ako ka-awkward nun."

Read: Gerald Anderson takes Julia Barretto on a quick road trip

GERALD ANDERSON AS BACK-UP DANCER OF RAYVER CRUZ

Sa hiwalay na episode ng Magandang Buhay ng ABS-CBN, noong August 2017, guest ang magkaibigang sina Gerald at Rayver Cruz.

Ibinahagi ni Gerald na naging back-up dancer din siya ni Rayver "sa isang raket."

Matapos noon ay nagkasama pa raw uli sina Rayver at Gerald sa isang basketball game kasama ng common acquaintances.

Throwback photo of Joross Gamboa, Gerald Anderson, and Rayver Cruz. It was Joross who discovered Gerald.
Throwback photo of (from left) Joross Gamboa, Rayver Cruz, and Gerald Anderson
Photo/s: Magandang Buhay
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balik-tanaw naman ni Rayver, "Eto, walang halong biro. Alam ko naman na lalake ako. Sabi ko sa kanya, 'Bro, bakit di ka mag-artista? Gwapo ka, e!'"

Nagkatawanan sina Rayver at Gerald.

"Tapos yung hitsura niya, di siya marunong mag-Tagalog. Sabi lang niya, 'Yeah.'"

Paliwanag ni Gerald, "Dahil na-discover ako ni Joross sa GenSan, sinama niya ako dito sa Maynila.Sinasama niya ako sa basketball. E, yung mga ka-basketball niya puro artista.

"Sina Rayver, sina Diether Ocampo... So ako, nasa-starstruck ako buong laro. Di ako makapaniwala. Isang araw nasa GenSan ako, ka-basketball ko yung mga bugoy-bugoy dun, tas ngayon mga artista na kasama ko."

Nagulat na lang daw si Rayver nang makitang sumali si Gerald sa PBB Teen Edition, na naging jumpstart ng showbiz career ng huli.

Si Joross ang sumunod na guest ng Magandang Buhay noong December 2017.

May special video message mula kay Gerald, na nagpasalamat sa pagkakaibigan nila ni Joross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalala pa ni Gerald na pinatulog daw siya ni Joross sa bahay nito noon.

Kuwento naman ni Joross, may isang pag-uusap sila noon nina Gerald at EA habang nasa isang out-of-town show.

Nasabi na raw niya na may potensyal maging artista ang mga ito at baka mas sumikat pa raw sila kaysa sa kanya.

Basta huwag lang daw sila makakalimot saan nanggaling at lagi raw manalig sa Diyos.

Dagdag ni Joross, kung anuman ang narating nina Gerald at EA ay sariling sikap ng mga ito at hindi dahil sa kanya, dahil pinakilala lang naman daw niya ang mga ito sa industriya.

Read: Gerald Anderson on girlfriend Julia Barretto: "Let her enjoy."

GERALD ANDERSON'S COMEBACK ON ASAP

Back to present time, matagal nang hindi nagsasayaw sa ASAP si Gerald, na mas nag-focus sa paggawa ng mga teleserye sa ABS-CBN.

Kaya proud na ipinakita ni Gerald ang video clip ng kanyang dance number sa kanyang Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay tinukso siya ng kapwa Kapamilya stars na natuwa sa sayaw niya.

Hirit ni Enchong Dee (published as is): "Ibang ibang iba!!! @rayvercruz kaya pala ang init ng sunday coz of this prod!"

Sumagot si Rayver, na longtime friend ni Gerald (published as is), "@mr_enchongdee hahaha grabe ang lupet my idol bagets na bagets!! Hahaah mismo ka bro!! [lovestruck and heart emojis] @andersongeraldjr"

Si Rayver ay dating homegrown star ng ABS-CBN at mainstay ng ASAP. Ngayon ay nasa GMA-7 si Rayver, at kabilang sa Sunday musical variety show na All-Out Sundays (AOS).

Ang dating ASAP mainstay na si John Prats, na director na ngayon, ay napa-comment din.

Sabi ni John kay Gerald (published as is), "Idol talaga sa Dancefloor!"

Balik-sagot ni Gerald (published as is), "@johnprats iba pa rin ang dynamite dance floor hearth rob"

Tag ni John ang "Dance Floor Dynamite" sa ASAP noon.

Hirit naman ni Anne Curtis kay Gerald, "Nakaaaaaaanaaaaaang!!!! Ito pala e!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Gerald, "@annecurtissmith hahahaha nakalabas na kasi ako ng matungao."

Pati sina JC de Vera at EA Guzman ay natuwa sa dance prod ni Gerald.

Hindi napapanood sa telebisyon si Gerald sa ngayon, pero naghahanda siya para sa upcoming teleserye na Nobody.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inset shows a young Gerald Anderson (in white t-shirt), who rose to fame after Pinoy Big Brother stint in 2006, was initially discovered by Joross Gamboa (in V-neck printed shirt) in GenSan. Seen on the left photo is a beaming Gerald after his dance number in ASAP on April 13, 2025.
PHOTO/S: ASAP / Magandang Buhay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results