PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs curses bashers over Dennis Padilla issue

Janno Gibbs: "Nakikisimpatiya lang sa kaibigan."
by Arniel C. Serato
Published Apr 15, 2025
Janno Gibbs explains his emojis comment on Gene Padilla post
Janno Gibbs's (left) "emoji" comment on Gene Padilla's post sparks a heated exchange with some netizens: "Wala naman ako sinabing sang-ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatiya lang ako. Emoji lang, enabler na?"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Inalmahan ni Janno Gibbs ang pambabatikos sa kanya ng netizens dahil sa pakikisimpatiya niya sa mga kaibigang sina Dennis Padilla at Gene Padilla.

May kaugnayan pa rin ang bashing sa kasal ng anak ni Dennis na si Claudia Barretto noong April 8, 2025.

Read: Celebrities spotted at Claudia Barretto-Basti Lorenzo wedding

JANNO GIBBS: "Nakikisimpatya lang sa kaibigan"

Sa Instagram post ni Gene noong April 9, nagkuwento ito tungkol sa kanyang bersiyon ng karanasan nila ni Dennis sa kasal ni Claudia.

Maaga raw silang bumiyahe patungo sa simbahan dahil "excited" silang masaksihan ang kasal.

Pero hindi man lang daw binigyan ng kahit anong parte sa wedding ceremony si Dennis, na father of the bride.

Lahad ni Gene (published as is): "Ngayon lang po ako magsasalita...by 1PM nasa church na po ako... galing bulacan going to alabang... simama po namin 5am gumising na excited same kay kuya dennis padilla para sa kasal ng anak niya...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"ngayon lang ako nakawitness ng kasal na di part ng program ang ama ng bride... sa aga namin dun... na nandun mga event organizer wala man lang nagsabi na di siya part ng program... di kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar..."

Nagtanong daw sila sa wedding organizer kung saan sila uupo, pero sinabihan daw silang kahit saan.

Si Dennis naman daw ay maaaring tumabi sa mga ninong.

Nagdesisyon ang magkapatid at ang kanilang ina na sa bandang likod na lamang pumuwesto.

Ayon kay Gene, sumama ang loob ni Dennis kaya umuwi na lang sila matapos ang ceremony at picture-taking session.

Read: Gene Padilla defends brother Dennis's wedding-guest rant

Sa comments section, nag-iwan si Janno ng tatlong crying face emojis.

Janno Gibbs emoji comments on gene padilla's post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At dahil sa tatlong emojis na ito, nasama si Janno sa bashing.

(All comments lifted from the post were published as is.)

Dalawang netizens ang tumawag kay Janno na "enabler."

"enabler moves"

"Enabler!"

Janno Gibbs arguments with netizens

Pagtatanggol ng isang netizen kay Janno, "Para nag sympathy lang sya sa kapwa nya ama enabler na agad grabe naman kyo"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Janno Gibbs arguments with netizens

Sabi ni Janno, "Nakikisimpatya lang sa kaibigan"

Sinundan niya ito ng, "Define 'Enabler'"

Janno Gibbs arguments with netizens
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isang netizen, " walang maka define, di uso comprehension dito boss (laughing emojis)"

Janno Gibbs arguments with netizens

Sabi naman ng isa: "do we need a dfinition? enabler is janno gibbs! you are the epitome of such word. your friend was never a father to start with! now, he is trying to get sympathy! what a big, resounding shame! kakampink ka pa naman din, janno! nakakahiya ka!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Janno Gibbs arguments with netizens

Read: Dennis Padilla to brother Gene: "Wala kang mali..."

JANNO GIBBS: "Emoji lang, enabler na?"

Sa comment ni Janno, may mga kumampi kay Dennis, at may mga nagulat din sa strong reaction ng mga bashers.

Ayon sa isang netizen: "kahit gaanu pa kalaki kasalanan Niya bilang ama ndi Niya deserve Yun ako nga kahit malaki na nakita ng anak ko papa Niya na pinabayaan din kami .Pero never ko tinuruan mag tanim ng Sama ng loob yung anak ko kasi ayoko lumaki siya ng may bigat sa dibdib palagi ko pinapaliwanag sa Kanya na wag siya magagalit sa papa Niya kc kahit baliktarin mo man ang mundo tatay mo parin siya kung mabuti Kang ina yan ang ituturo mo Sana anak mo magpatawad ndi yung mag tanim ng galit tapos sasabihin toxic yung tatay anung klaseng Pag iisip meron ang mga Pilipino"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Janno Gibbs arguments with netizens

Sabi ng isa pa (published as is): "tatanga ng mga nag cocomment dto sa comment ni sir janno Gibbs. Halatang mga pasaway na anak! Hnd mahal ng magulang! Panoorin nyo interview Kay Dennis Padilla harapan sa maraming Tao xa pinahiya. Hnd nman xa Tito o kamag anak lng. MAs ok nga na hnd nlng xa pmnta! Kau Ang mga enabler! Idol nyo ugali ni marjorie barreto na kht sarili nyang nanay mga kapatid Ayaw sknya lhat kaaway nya! Yumaman lng xa Kala mu cnu. Kht cla Claudine hnd invited eh c Claudine bumubuhay sknla nong maliliit pa mga anak Nya hahaha Naku! Kau po Ang enabler. Mga sira ulo! MAs Gsto nyo pina pa spread Ang masamang ugali Kesa sa mabuti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Janno Gibbs arguments with netizens

Isa pang comment, "hala sya emoji lang yan huy!!"

Netizens defend Janno
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na marahil nakapagtimpi si Janno kaya ang nauna niyang chill comments ay mas naging maanghang.

Aniya, emoji nga lang daw ang komento niya, pero bakit naging enabler siya?

Ang banat ni Janno: "Mga put@ngin@nyo. Wala nmn ako sinabing sang ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatya lang ako. Emoji lang, enabler na? Hindi ko siya pinagtatanggol, mga ulol. Dinadamayan ko lang sa kalungkutan. Mga tanga (dirty finger emoji)"

Janno gibbs answer to netizens
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa namang komento na diretsahang sinagot ni Janno, pero burado na ang komento ng netizen.

Sabi niya, "Who you? Tinag mo pa nga ako eh. Kung laos na, bat mo pinapansin? Ikaw,sino ka ba? Close ka sa kahit sinong involved?"

Janno gibbs answer to netizens

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs's (left) "emoji" comment on Gene Padilla's post sparks a heated exchange with some netizens: "Wala naman ako sinabing sang-ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatiya lang ako. Emoji lang, enabler na?"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results