PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharlene San Pedro addresses netizens calling her "masungit"

Sharlene: "Sumunod lang naman ako sa sinabi sa akin na bawal magpa-picture."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 16, 2025
Sharlene San Pedro addresses "masungit" allegations
Sharlene San Pedro denies being rude to a fan who asked for a photo-op at the ABS-CBN Ball 2025. She maintains she was only following event protocol.
PHOTO/S: Sharlene San Pedro on Instagram

Hindi nagpasindak ang Kapamilya actress na si Sharlene San Pedro sa mga bumatikos sa kanya matapos niya umanong isnabin ang isa niyang fan.

Isang video ni Sharlene ang pinag-usapan online.

Kuha iyon nang dumalo siya sa ABS-CBN Ball 2025 sa Solaire Resort North noong April 4, 2025.

Read: Candid moments caught on the red carpet of ABS-CBN Ball 2025

Isang netizen ang nag-upload ng video ng pag-abang niya sa venue para makapagpa-picture kay Sharlene.

Sharlene San Pedro addresses
Sharlene San Pedro at the ABS-CBN Ball 2025
Photo/s: Sharlene San Pedro on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit sa kasamaang-palad, hindi siya napagbigyan ng aktres.

Medyo mabilis na naglalakad noon si Sharlene sa lobby ng hotel nang makiusap ang fan na, "Sharlene, pa-picture."

Hindi huminto si Sharlene sa paglalakad, pero nilingon niya ang fan at sinabing "Bawal, e."

Read: Expensive jewelry on display at ABS-CBN Ball 2025

Dahil sa eksenang ito, inakusahan ng netizens si Sharlene na "masungit" at "masama raw ang ugali."

Komento ng isang netizen, "Sino ba yan, kung makasungit, pa-picture lang e hindi pa mapagbigyan."

Saad pa ng isa, "Kaya hindi sumisikat e, ganyan ang ugali."

Read: Sharlene San Pedro's New Car from Earnings

Kung mayroong bumabatikos, may ilan din namang dumepensa kay Sharlene.

Sabi ng isa niyang fan, "Don't be so quick to label someone as 'masungit.'

"Take Sharlene San Pedro, for example. She was simply following the rules—photos weren't allowed at the venue, so she's respected that.

"But just like that, people started calling her a snob. Sometimes, it's about boundaries, about respecting rules."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng isa, "May karapatan din naman silang tumanggi kahit pinagbawalan sila at lalo na kung ayaw nila. Tandaan niyo sinusuportahan niyo mga tao pero hindi niyo naman sila pagmamay-ari."

Read: Kathryn Bernardo, Karla Estrada cross paths at ABS-CBN Ball

SHARLENE DEFends herself from bashers

Sa kanyang X (dating Twitter) account noong April 12, bumuwelta si Sharlene sa mga naglalabasang negatibong komento tungkol sa pagtanggi niyang magpa-picture.

Paglilinaw ng aktres, sumunod lang siya sa instructions ng mga namamahala sa ABS-CBN Ball—at isa na nga raw ang pagbabawal sa kanila na magpa-selfie sa mga taong nasa venue ng event.

Mababasa sa post niya (published as is), "uy viral pala yung isang video ko sa facebook.

"sumunod lang naman ako sa sinabi sakin na bawal magpapicture parang kasalanan ko pa."

Read: Standout gentlemen at ABS-CBN Ball 2025

Giit pa ni Sharlene, nang mabasa niya ang ang komento ng ibang netizen na siya ay "masunungit" ay hindi naman siya nasaktan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi lang daw niya akalaing big deal ang kanyang pagtangging magpalitrato.

Aniya (published as is), "saka okay lang sakin masabihan ng masungit kasi hindi naman totoo so hindi ako nasasaktan.

"and to set the record straight hindi ko po gusto ng atensyon that night.. umattend lang po ako. salamat po sa mga nagtatanggol!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sharlene San Pedro flexes brand-new PHP4.8M ride

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharlene San Pedro denies being rude to a fan who asked for a photo-op at the ABS-CBN Ball 2025. She maintains she was only following event protocol.
PHOTO/S: Sharlene San Pedro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results