Nagpakatotoo si Jackie Forster at ipinagtanggol ang anak na si Kobe Paras laban sa netizens na nanghusga rito.
Sa pinakahuling post ni Jackie noon pang March 30, 2025, ibinahagi niya ang larawan ng mga anak na sina Kobe at Andre Paras.
Kasama rin sa larawan ang dalawang babaeng pinsan nina Kobe at Andre na maglalaro ng basketball sa Pilipinas.
Saad niya sa caption, "My 2 boys and your two girls @defi_j @erik__aiken generations of kids bringing home pride for the love of the game
"proud of @d.swish28 & @fifi.2tuff making it all the way home (Philippine flag emoji) to rep LA girls
"U16 @playmanilalive @filamnationselectlosangeles #playLikeAGirl @_morales.sisters_"
View this post on Instagram
Read: Jackie Forster recounts emotional reunion with sons Andre and Kobe Paras
JACKIE FORSTER: "bakit ako sinisisi ng mga tao?"
Sa comments section, may mga sinagot si Jackie na nagtatanggol kay Kyline Alcantara, ang ex-girlfriend ni Kobe.
Sabi ng isang nagkomento, hindi uubra ang netizens kay Jackie dahil "maldita" raw ito.
Si Carmina Villarroel daw kasi ay "mataray" lang.
Si Carmina ang nanay ni Mavy Legaspi, ex-boyfriend ni Kyline.
Saad ng netizen (published as is): "Hindi uubra tong mga to sa katarayan ni Jackie! (laughing emoji) Kung si Carmina mataray, eto maldita! Back off punks! (laughing emojis)"

Ang isa namang netizen ay nag-tag sa tatay ni Kyline, si Butch Manga, at nagtanong kung "manipulative" ba ang aktres.
Ito kasi ang buod ng borrowed quotes ni Jackie nitong mga nakaraang araw sa kanyang Instagram Story.
May hashtag pang ginamit si Jackie na "#mamawithreceipts."
Read: Jackie Forster posts cryptic borrowed quotes about "manipulation"
Buong sabi ng netizen na pro-Kyline (published as is): "@tito_butch is kyline really manipulative accdg to her new stories with the hashtag mamawithreceipts, dapat magsalita na rin kyline ata ayaw tumigil sa pagtahol si miss jacky sa mga stories niya isa lang gusto neto masira din image ni kyline."

Dagdag ng isang netizen na pro-Kyline rin (published as is): "Manipulative si Kyline? Parang hindi ka naman babae parang hindi mo naman naranasan masaktan.
"Mahal na mahal ni kyline si Kobe gusto nya umayos yung buhay ni kobe pero 1week makikita mag kaholding hands na syang iba sa tingin mo hindi rin ba masakit sa Parents ni Kyline makita nasasaktan anak nila @jackie_foster?
"Okey lang mabasa ng magulang to ni Kyline @tito_butch may lamat na nga dagdag ka pa. Tahimik sila ikaw panay post mo.
"Anak mo nag kakalat kaya nakikita ng mga tao don’t blame kyline sa ginagawa ng anak mo bat galit sa kanya mga tao."

Ang tinutukoy ng netizen na "1week makikita mag kaholding hands na syang iba" ang viral photo ng isang lalaki at isang babaeng magka-holding hands habang naglalakad.
Hinala ng netizens, si Kobe ang lalaki dahil tugma raw ang mga tattoo ni Kobe sa tattoo ng lalaki sa viral photo.
Read: Netizens ask: Is this Kobe Paras with a non-showbiz girl?
Pagsang-ayon naman ng isa pang netizen na kampi uli kay Kyline, "I agree dpat wag na sya [Jackie] post ng post at consider nya run ang mraramdaman ng mga magulang ni kyline"

Dito na sumagot si Jackie.
Sa huling komento, ang sabi ni Jackie ay tahimik lang siya noong una at ang kabilang kampo ang nag-umpisa.
Si Jackie (published as is): "sila nga nag umpisa and nah dadagdag eh bakit ako sinisisi ng mga tao? I’ve been quiet til recently. Kasi sumosobra na nga."

Read: Jackie Forster, full support for son Kobe and Kyline Alcantara
JACKIE FORSTER ENCOURAGES NETIZENS TO CHECK POSTS OF KYLINE'S CAMP
May iba pang netizens na panay depensa kay Kyline.
Suhestiyon ng iba, sana raw ay tahimik na lang si Jackie sa hiwalayan.
Ayon sa isa (published as is), "TAMA! IMBES NA SYA YUNG MAGING WAY PARA TAHIMIK NA LANG PANAY KUDA. SO FUNNY SAMANTALANG YUNG ANAK NYA YUNG GUMAGAWA NG DAHILAN PARA I BASH."

Segunda ng isa pang netizen, "di ka sure kaya namin makipag bardugalan para kay kyline"

Laughing emoji lamang ang sagot ni Jackie sa dalawang magkasunod na komento.

May isa pang netizen na nagpatutsada kay Jackie at inakusahang "cheater" si Kobe.
Komento ng netizen (published as is): "Imagine IMBIS NA MAPABUTI ANG BREAK UP.
"Makikisali talaga mga magulang as if hindi kayo naging manipulative sa mga Ex’s niyo.
"MANANG MANA SA NANAY CHEATER SYEMPRE IPAG TATANGGOL MO YAN KASI PAREHO KAYONG MGA CHEATERS"

Sumagot si Jackie at inulit ang sinabi niyang may mga binitawang salita ang mga magulang ni Kyline.
Ani Jackie (published as is), "tama yan para fair check nyo mga post ng magulang ng kabila please."

Read: Did Kyline Alcantara, Kobe Paras break up?
JACKIE FORSTER, NETIZEN IN CORDIAL EXCHANGE
May isa pang nakapalitan ng komento si Jackie.
Isang netizen ang nagparating kay Jackie tungkol sa kumakalat na litrato ni Kobe na nauugnay sa isang non-showbiz girl.
Lahad ng netizen kay Jackie (published as is): "Please miss Jackie wag na po kayo mag IG story na parang nagpaparinig, tahimik Po Sina kyline at family Niya.
"Marami na Ang nagbabalita sa labas about sa cheating issue Ng anak mong c Kobe, di na Kayang ipagtanggol Kasi may photo at vedios na, meron pong ebidensiya, nagkalat na Po sa socmed.
"Kaya wag na po ninyong e tolerate Ang maling ginawa Ng anak niyo. Baka pati yong issue niyo before ay halungkatin Ng mga basher."

Tugon ni Jackie sa netizen: "that’s not true. Please check your facts. I have proof."

Magkasunod na komento ng nasabi pa ring netizen (published as is): "Di mu ba nabasa Ang mga Balita at Hindi mu ba nakikita Ang vedios Ng anak mo ?
"Kung may proof ka miss Jackie, edi ilabas mo para matapos Ang pang babash sa anak"
Sagot ulit ni Jackie: "in due time."

Umaasa naman ang netizen na tutuparin ni Jackie ang kanyang pangako.
Sabi ng netizen (published as is): "Okay miss Jackie, wait namin Ang time na Yan.
"Para yong mga lumalabas na vedio at photo na may ka holding hands at nakapulupot Ang kamay ni Kobe sa bewang ni ___.
"At sana din mapanood mo yong vedio na ibinalita ni ____ na c Kobe ay may dinadalang babae sa loob Ng bando sa Private room."

Read: Kobe Paras at Kyline Alcantara, di totoong hiwalay na — Benjie
NETIZENS DEFEND JACKIE FORSTER, KOBE PARAS
May mga nagtanggol din kay Jackie at Kobe.
Sabi ng isang netizen, natural lamang sa isang ina ang ipagtanggol ang kanyang anak.
Depensa ng netizen kay Jackie (published as is): "Hindi maiiwasan ng nanay nya na ipagtanggol ang anak kasi alam nyang nasasaktan si kobe…
"Kung parinig man yun para sa mga tao, respect na lang kasi nanay sya ni kobe eh…
"Wala namang nag si defend kay Kobe kungdi kuya nya at mama nya…
"Sa mga fans, puro panghuhusga lang naman ang nakukuha nya…"
Heart at hugging emojis ang sagot ni Jackie rito.

Pagtatanggol ng isa pang pro-Jackie at Kobe (published as is): "Naiins kau ksi pnagtatangol n Andrei at miss jacki SI Kobe Anong gusto nio pti pamilya nya husgahan sya ..
"wla p taung karapatan manghusga wla akong knakampihan pro sa nkkta k sa mga post
"SI Kobe ang kwawa lahat sa knya ang sisi ng tao n Wala nman inambag sa buhay nya
"Kya sna tigilan na mga masasakit na salita hyaan nio nalang sya ..ndi mkakatulong ang panghuhusga Lalong lala at ndi ntin alam ang totoo."

Nauna na ring dinepensahan ni Andre ang kapatid laban sa bashers na pinupuna ang pagsasaya ni Kobe sa isang bar sa Bali, Indonesia.
Read: Andre Paras defends brother Kobe against netizen
Napag-alaman naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na break na sina Kobe at Kyline bago nagpunta si Kobe sa Bali.
Sa hiwalay na source ng PEP Troika, nakumpirmang first week of April nang maghiwalay ang couple.
Nangyari raw ito matapos ang magkasunod na alitan nina Kobe at Kyline.
Hindi lang nabanggit ng source kung sino ang nag-initiate ng breakup.
Sa kasalukuyan, tikom pa rin ang bibig nina Kobe at Kyline sa kanilang hiwalayan.
Read: Kobe Paras at Kyline Alcantara, 1st week ng April pa naghiwalay
