PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo finds closure after reconnecting with biological dad

Rabiya Mateo’s dream comes true as she finally meets her biological father.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 28, 2025
Rabiya Mateo finds closure after reconnecting with biological dad
Rabiya Mateo on meeting her long-lost father: "Nangyari naman siya pero hindi lang sa resultang ine-expect ko or gusto ko. However, it’s the closure that I needed."
PHOTO/S: Rabiya Mateo on Instagram

Sapat na kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na makilala at makita nang personal ang biological father niyang si Syed Mohammed Hashmi.

Ito'y sa kabila ng pagtatakwil sa kanya ng sariling ama.

Sa panayam niya sa 24 Oras noong April 24, 2024, naikuwento ni Rabiya ang tungkol sa paghahanap sa ama nang bumisita siya sa Amerika kamakailan, matapos mapag-alaman na doon ito naninirahan kasama ang pamilya nito.

Doktor sa isang hospital sa Amerika ang biological father ni Rabiya.

Read: Rabiya Mateo flexes first house, car: "Power of manifestation"

RABIYA MATEO FINALLY MEETS HER BIOLOGICAL FATHER

Pagbabahagi ng beauty queen turned actress, nang malaman niya noong huling linggo ng January 2025 ang kinaroroonan ng ama ay agad siyang nagpaalam sa GMA-7 management para panandaliang magbakasyon sa Amerika.

Read: Kampo ni Rabiya Mateo, nilinaw ang ugnayan sa isang jewelry brand

Aniya, "Matagal ko na talagang plano. Matagal ko nang hinihingi sa GMA yung bakasyon na ito because I wanted to be connected with my dad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang pagbigyan, agad-agad daw nag-book ng flight pa-Amerika si Rabiya.

Matagumpay namang nakilala ni Rabiya ang ama, ngunit mayroon lang hindi magandang pangyayari sa kanilang pagtatagpo.

Ganunpaman, ipinagpapasalamat pa rin ito ni Rabiya dahil ito raw ang closure na matagal na niyang hinihintay.

Saad niya, "Nangyari naman siya pero hindi lang sa resultang ine-expect ko or gusto ko.

"However, it’s the closure that I needed."

Sa kabila nito, sapat na raw kay Rabiya na malamang masaya na ang ama sa bago nitong pamilya at iba pang mga anak.

Pahayag niya: "At least I was able to know na may kapatid ako sa kanya, may dalawa akong kapatid at may totoong tatay ako.

"I’m happy that he’s okay, iyon [naman] yung importante doon."

Dagdag pa ni Rabiya, "So anytime naman, bukas naman yung pintuan ko for my family doon sa U.S."

Rabiya ON rejection from biological FATHER

Bago makita at makilala nang personal ni Rabiya ang tunay na ama, naibahagi niya sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang malungkot na kinahinatnan ng matagal niyang paghahanap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong March 2025, masayang ibinahagi ni Rabiya na matapos ang ilang taong paghahanap ay natagpuan na niya sa wakas ang ama.

Iniwanan si Rabiya at ang kanyang ina ng ama niya noong sanggol pa lamang ang actress-TV host.

rabiya mateo biological father
Rabiya Mateo as a baby with her mother and biological father Syed Mohammed Hashmi.
Photo/s: Courtesy of Rabiya Mateo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rabiya Mateo, itinakwil ng kanyang biological father

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, itinakwil siya ng sariling ama.

Sabi umano ng tatay ni Rabiya sa Kapuso star: “Don’t message me and my family. I don’t care about you. I want nothing to do with you.”

Labis daw na ikinasakit ng damdamin ng dalaga ang mga salitang binitiwan ng sariling ama, lalo pa't wala naman siyang ibang intensiyon kundi makita ito.

Walang-wala umano sa plano ni Rabiya ang humingi ng tulong at suporta mula rito.

Noong mga panahong iyon ay sinubukan din ni Rabiya makipag-ugnayan sa kanyang half-sister, pero hindi siya pinansin at hinarang ang mga mensahe ng aktres dahil galit nga ang kanilang ama.

Read: Jeric Gonzales, dinamayan si Rabiya Mateo matapos itakwil ng ama

Additional reports by Jojo Gabinete

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo on meeting her long-lost father: "Nangyari naman siya pero hindi lang sa resultang ine-expect ko or gusto ko. However, it’s the closure that I needed."
PHOTO/S: Rabiya Mateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results