Naghain ng "not guilty" plea ang aktor na si Archie Alemania sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng singer-actress na si Rita Daniela.
Isinumite at pinanumpaan ni Archie ang kanyang counter-affidavit sa Bacoor City, Cavite.
Ang counter-affidavit ay bahagi ng isinasagawang preliminary investigation ng piskalya sa kasong kinakaharap ng aktor.
Ayon sa ulat ng 24 Oras, Martes ng gabi, April 29, 2025, hindi nagbigay ng pahayag si Archie at ang kanyang abogado hinggil sa inihain nitong not guilty plea.
Hindi rin idinetalye ng piskal ang nilalaman ng affidavit ni Archie, pero karamihan dito ay pagtanggi ng aktor sa mga paratang ni Rita.
Dagdag pa sa ulat, pinagbigyan ng korte ang hiling ng kampo ni Alemania na huwag pag-usapan sa publiko ang merito ng kaso.
Read: Archie Alemania, kinasuhan ng acts of lasciviousness
Ayon naman sa abogado ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, na naroon din sa korte, hangga't maaari raw ay iniiwasan nilang magkita sina Rita at Archie.
Bilang abogado ni Rita, nais daw niyang pangalagaan ang mental health ni Rita.
"She's not okay," sabi ni Garduque tungkol sa kanyang kliyente mula nang mangyari ang insidente noong September 2024.
Read: Rita Daniela details text exchange with Archie Alemania
ARCHIE ALEMANIA'S WARRANT OF ARREST
Noong April 2, 2025, naglabas ng warrant of arrest ang korte ng Bacoor para kay Archie.
May karampatang piyansa itong PHP36,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Archie.
Nakasaad sa order na inisyu ng Presiding Judge Mary Rocelyn P. Lim-Guillano ng Branch 2 ng Municipal Trial Court (MTC) ng Bacoor City, Cavite: “After a careful evaluation of the information, the Resolution, Investigation Data Form, the Complaint Affidavit of the complaining witness, and other pertinent documents, the Court finds probable cause to hold the accused for trial.
“Considering that the accused is at large, let a WARRANT OF ARREST be issued against him. He may apply for bail for his temporary liberty in the amount of PHP36,000.00.”
