Tinuldukan na ni Winwyn Marquez ang pagsali sa beauty pageants matapos itanghal na first runner-up sa Miss Universe Philippines 2025.
Ginanap ang grand coronation ng national pageant sa SM Mall Of Asia Arena, Pasay City, Biyernes ng gabi, May 2, 2025.
Si Winwyn ay isa sa higit 60 kandidatang naglaban-laban para sa national title at maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 sa darating na November.
Si Ahtisa Manalo ng Quezon Province ang nakakuha ng korona.
Read: Ahtisa Manalo of Quezon Province crowned MUPH 2025
Matapos ang grand coronation ay na-interview ng ilang reporters/vloggers si Winwyn.
Sa huling bahagi ng video interview ni Winwyn na ipinost sa YouTube ay ang deklarasyon niyang ito: “This is my last [pageant]. So, I love you guys…”
Pinasalamatan din ni Winwyn ang kanyang supporters sa naging pageant journey niya.
Ulit niya, “This is my last, yeah. Sure na iyon.”
Maituturing na pageant veteran si Winwyn na nakasungkit pa noon ng international crown.
Una siyang sumali sa Binibining Pilipinas 2015, kung saan nakapasok siya sa Top 15.
Pagsapit ng 2017, sumali siya sa Miss World Philippines, kung saan kinoronahan siyang Reinahispanoamericana Filipinas 2017.
November 2017, ipinadala siya sa Bolivia bilang kinatawan ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana, isang international pageant.
Nanalo si Winwyn at naging kauna-unahang Pilipinang nagkamit ng Reina Hispanoamericana title.
Ngayong 2025, sinubukan muli ni Winwyn ang kanyang kapalaran sa Miss Universe Philippines, lalo pa’t pinalawig ang eligibility ng Miss Universe contestants.
Taong 2023 nang tanggalin ang age limit ng contestants, at binuksan din ang pinto para sa trans women at mga nanay sa prestigious international beauty pageant.
Si Winwyn, 32, ay may non-showbiz partner at mayroon silang three-year-old daughter.
Read: FULL TRANSCRIPT: Miss Universe Philippines 2025 winning answer
WINWYN ON MUPH JOURNEY
Balik sa interview ng reporters at vloggers kay Winwyn, sinabi ng aktres na masaya siya sa kanyang placement.
“Who would’ve thought now, [a] mother, first runner-up sa Miss Universe Philippines? That’s good feedback already."
Binanggit din ni Winwyn na apat silang nanay sa batch na ito na sumali sa national pageant.
Nanawagan din siya sa mga kritikong hindi pabor sa pagsali ng mga married women sa Miss Universe Philippines.
Saad ni Winwyn: “We are four moms, nagbigay sila ng best nila… they sacrificed their time to do this, and I think we should respect that.
“And kung may sasali na talagang magaling at puwedeng maging Miss Universe Philippines, why not?”
Ibinahagi rin ni Winwyn ang mga plano niya matapos gugulin ang oras sa beauty pageant.
Aniya: “Siguro ang mangyayari is quality time with my family.
“I spent so much time here. I sacrificed my time with my family, and I think this time, kailangan kong mag-give back sa kanila.
“I’ve done my job. I lived a dream already, and sana na-inspire ko yung maraming tao na gawin nila yung gusto nilang gawin without any regrets.”
Sa kanyang Instagram account ngayong Sabado, May 3, may appreciation post ang Kapuso actress tungkol sa Miss Universe Philippines 2025 journey niya.
Bahagi ng kanyang post (published as is): “This was never just about a crown for me.. I’ve always hoped to show that becoming a mom doesn’t mean your dreams have to stop. It can be the beginning of something new, something even more meaningful.
“I took the crown of courage.. of standing tall and speaking my truth. showing that you can be both devoted and driven..that you can live boldy, love deeply and chase your dreams no matter the season you’re in. That, for me, is already a victory.
“Who would’ve thought I’d be saying this… Miss Universe Philippines 2025 1st Runner-Up? Feels like a dream already.”
View this post on Instagram
