PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Betong Sumaya falls victim to snatcher in Tomas Morato

Betong Sumaya says cellphone was snatched while he was booking a Grabcar.
by Arniel C. Serato
Published May 5, 2025
Betong Sumaya falls victiom to a snatcher in Tomas Morato
Kapuso comedian Betong Sumaya reminds public to be extra careful after falling victim to a snatcher in Quezon City: "Ingat tayo guys, walang pinipiling lugar at oras ang mga masasamang loob."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Nabiktima ng snatcher ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya.

Sa kanyang Facebook account kahapon, May 4, 2025, inanunsiyo ni Betong na natangay ng isang snatcher ang kanyang cellphone sa may Tomas Morato, Quezon City.

Madaling-araw raw ito nangyari habang siya ay nagbu-book ng Grabcar.

Bigla raw siyang dinaanan ng isang naka-motor at hinablot ang kanyang telepono.

Kuwento ni Betong (published as is): "Guys na-SNATCH ang cellphone ko sa Tomas Morato QC kaninang mga 1am (sad face emoji)

"Habang nagbobook ako ng Grab biglang may motor na dumaan sa harap ko at ang bilis ng pangyayari di ko na sya nahabol [sad face emoji]"

Nagpatulong daw siya sa pulis at na-track naman nila ang kinaroroonan ng cellphone, ngunit hindi pa nila ito nahahanap.

Dagdag niya: "Gamit ko ngayon ay ang Ipad ko [sad face emoji]

"Nagpatulong pa ko sa mga Pulis sa Kamuning para itrack ang cp ko hanggang kaninang 6am, ty po talaga sa inyo [sad face emoji]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gamit ang 'Find the Device' na-locate namin sya sa bandang Sta Mesa pero di pa namin nahanap [sad face emoji)"

Mensahe pa niya sa netizens, "Ingat tayo Guys, walang pinipiling lugar at oras ang mga masasamang loob [sad face emoji] #GODwillMakeAWay"

Read: Betong Sumaya, binalikan ang malungkot na bahagi ng kanyang buhay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OTHER CELEBRITIES WHO WERE VICTIMS OF SNATCHING

May iba pang celebrities na nabiktima rin noon ng snatchers.

Ilan sa kanila ay sina Vina Morales, Alex Gonzaga, at Sofia Andres.

Vina Morales, Alex Gonzaga, and Sofia Andres also fall victims to snatchers in the past.
Vina Morales, Alex Gonzaga, and Sofia Andres also fell victim to snatchers in the past.
Photo/s: Courtesy: Instagram

October 2020, naging biktima si Vina ng pang-aagaw ng cellphone sa kalagitnaan ng EDSA.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanyang Instagram noon, isinalaysay niya ang nangyari.

Ayon kay Vina, naiwan niyang bukas ang bintana habang nakaparada ang kanyang sasakyan sa harap ng isang gas station.

Hawak-hawak raw niya ang cellphone nang bigla na lang itong agawin sa kanya.

Saad ni Vina (published as is): “Ngayon ko lang po naranasan eto, may nag snatch ng Phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko po, naiwan ko pong bukas ang Window habang nasa edsa, tapat po ng Phoenix gasoline station, meron pong CCTV ang gasoline station.”

Mabilis ang naging reaksiyon ni Vina: hinabol niya ang snatcher.

Mabuti na lang daw at sumaklolo ang mga pulis.

Read: Vina Morales chases down snatcher of her cellphone on EDSA

Muntikan namang mahablutan ng mobile phone si Sofia habang bumibiyahe sa EDSA noong February 2021.

Ikinuwento ng aktres ang nakakatakot niyang karanasan sa serye ng videos na ipinost niya sa Instagram Stories ilang oras pagkatapos ng insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang video na ibinahagi ni Sofia, makikitang bahagyang umuusad ang kanilang sinasakyan habang bumibiyahe sa EDSA.

Nakaupo siya sa backseat, nakatingin sa labas ng sasakyan habang katabi ang kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

Kuwento ni Sofia: “I was just using my phone and the windows are open, mayroong mga lalaki dito na nangunguha ng phone.

“Muntik nang makuha yung phone ko.”

Nang mga sandaling iyon, mapapansing sarado na ang car window sa gilid ni Sofia.

“Grabe, ang bilis niya!” bulalas ng aktres, tinukoy ang nagtangka raw manghablot sa kanyang mobile phone mula sa labas ng sasakyan.

“I got super scared,” dagdag niya.

Read: Sofia Andres warns motorists against EDSA snatchers

August 2021, si Alex naman ang nabiktima ng snatchers.

Sa kanyang official Facebook noon, ibinahagi ni Alex kung paano nahablot ng snatchers ang kanyang telepono sa EDSA rin, at kung paano ito naibalik sa kanya.

Ayon kay Alex: “Got my phone back after mahablot sa edsa!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us.

“Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir.”

Read: Alex Gonzaga falls victim to cellphone snatchers on EDSA

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso comedian Betong Sumaya reminds public to be extra careful after falling victim to a snatcher in Quezon City: "Ingat tayo guys, walang pinipiling lugar at oras ang mga masasamang loob."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results