Taus-pusong pakikiramay ang ipinaabot ng Kapamilya actress-TV host na si Anne Curtis sa naulilang pamilya ng mga nasawi sa magkasunod na vehicular accident sa bansa nitong mga nagdaang araw.
Una na rito ang naganap na karambola ng mahigit apat na sasakyan sa SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway) noong May 1, 2025.
Sampung katao ang namatay, kabilang na ang apat na bata, at tatlumpu (30) naman ang sugatan.
Read: 1,670 batang Pilipino, nasasawi sa road accident kada taon
Pagkalipas lamang ng tatlong araw, nitong May 4, ginimbal ang marami sa balitang isang SUV ang umararo sa mga tao sa labas ng departure entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Dalawa ang dead on the spot, kabilang na ang apat na taong gulang na bata, at tatlo ang sugatan.
ANNE CURTIS appeals to government agencies
Labis na ikinabahala at ikinalungkot ni Anne ang magkasunod na trahedyang ito.
Sa kanyang post sa X (dating Twitter) kahapon, May 4, inihayag ni Anne ang saloobin kaugnay ng trahedyang kumitil sa buhay ng marami, partikular na ang mga inosenteng bata.
Mababasa sa kanyang post, "Seeing so many vehicle accidents on the news with lives tragically taken. So many young lives being taken away so soon."
Umaasa si Anne na magsilbing "wake-up call" sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang mga malagim na pangyayaring ito.
Dapat daw mas maging istrikto at mahigpit na ang mga nabanggit na ahensiya ng gobyerno sa mga driver at sasakyan pagdating sa usapin ng "highest safety and licensing standards."
Aniya: "I truly pray and hope this is a wake up call for those in the [DOTr] and LTO to find ways to ensure that drivers and vehicles on the roads meet the highest safety and licensing standards."
Sa huli, nagpahatid ng pakikiramay si Anne sa mga naulila ng mga biktima ng aksidente.
Mensahe niya, "My heart goes out to all those left to grieve for their parents, significant other, family member and their children."

NETIZENS LAUD ANNE FOR speakING out
Samantala, maraming netizens ang pumuri kay Anne dahil sa kanyang post.
Read: Vloggers under fire for throwing shade at Anne Curtis
Komento ng isang netizen: "Hoping every influencer would have the courage to use their platforms too to address the wrongdoings happening in the country. Salute Ms. Anne Curtis."
Sabi pa ng isa: "Thank you for always using your platform right, Anne."
Dagdag pa ng isa: "Thank you for speaking up about this, @annecurtissmith. It's heartbreaking how frequent these accidents have become. Stronger enforcement of traffic laws and better driver education are truly needed. Prayers for all the families affected."
Read: WHAT PEP KNOWS: Is Bea Alonzo dating Puregold scion Vincent Co?
