Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Emilio Daez sa natatanggap niyang atensiyon magmula nang lumabas siya sa Pinoy Big Brother (PBB) house.
Kaliwa't kanang TV, online, and radio guestings ang pinupuntahan ngayon ni Emilio kasama ang Kapuso actor na si Michael Sager.
Sina Emilio at Michael o MiLi ang magka-duo sa pinag-uusapang PBB Celebrity Collab Edition.
Sila rin ang first male evictees sa kasalukuyang edisyon ng PBB makaraan nilang lumabas ng Bahay Ni Kuya noong April 26, 2025.
Read: Michael Sager, Emilio Daez third evictees in PBB Celebrity Collab
EMILIO OPEN TO STAR in A BL SERIES WITH MICHAEL
Nang makalabas, maraming netizens ang natuwa sa pagiging malapit at kumportable sa isa't isa nina Emilio at Michael bagamat magkaiba sila ng network na kinabibilangan.
Read: Michael Sager grateful to fans who supported his PBB journey
Hindi tuloy napigilan ng kanilang fans na isipin ang posibilidad na gumawa sina Emilio at Michael ng BL (Boys Love) project o isang serye tungkol sa pag-iibigan ng dalawang kapwa lalaki.

Sa Star Magic Spotlight noong May 2, naitanong kay Emilio kung bukas ba siya kung sakaling bigyan sila ni Michael ng BL project.
Sagot niya: "I think whenever the opportunities come to us, we will do one hundrend percent.
"Michael and I are very open and, of course, very professional so whatever opportunities are in front of us, we will always say yes."
Read: PBB Update: Michael at Emilio, dumami ang fans matapos ma-evict
EMILIO ON BEING OPEN about HIS FEELINGS
Pagbabahagi ni Emilio, bago pa man niya makilala si Michael ay likas na siyang "very expressive" sa kanyang nararamdaman—mapa-pamilya man o kaibigan.
Sa kaso nila ni Michael, bukas si Emilio na sabihin at ipakita sa publiko kung gaano kahalaga sa kanya ang Kapuso actor bilang kaibigan.
Bagamat ang iba raw ay nilalagyan ito ng malisya, para kay Emilio ay nakagawian na niya ito.
Aniya: "I think po galing po yun sa family ko. Kasi doon sa family ko, we're very expressive with how we show our affection for each other.
"Both sides of the family, my mom's side and my dad's side. So, yun po talaga yung kinalakihan ko.
"And I guess, kapag kumportable ako sa isang tao...
"Kumbaga, si Michael na masasabi ko nang isang best friend ko na dito sa industriya, ay ipapakita ko talaga na masaya ako kasama siya, yung pagmamahal ko for him."
Read: How Michael Sager handles netizens criticizing his acting
Sa huli, pinasalamatan ni Emilio ang ka-duo niyang si Michael at ang lahat ng mga sumuporta sa kanila.
Saad niya: "Ayun, so I think I'm happy na positive po yung reception ng team MiLi sa aming dalawa.
"Kasi, honestly, it doesn't feel like work when we're together, especially sa mga guestings, kasi parang kasama mo lang yung best friend mo.
"I think that's one of the perks of being here now in this industry and from that house na you're able to make connections like that."
Read: AC Bonifacio reveals Harvey Bautista got jealous of Michael Sager
