PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto rebuilds life and career in the Philippines

Rufa Mae Quinto: "Ngayon malaya ka, makakalabas ka na, kahit saan ka pumunta."
by Arniel C. Serato
Published May 7, 2025
Rufa Mae Quinto rebuilds career, life in the Philippines
Rufa Mae Quinto: “Nagsisimula ako ngayon ulit. Kahit anong sabihin, yung mga mali mo, ngayon hinahanap mo yung tamang solusyon o gagawin mo nang mag-isa. Clean slate, brand new.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Aminado si Rufa Mae Quinto na nagsisimula siya ulit ng kanyang karera at personal na buhay sa Pilipinas matapos ang pinagdaanang marital problem at court battle.

Ilan sa mga problemang kinaharap ni Rufa Mae ay ang hiwalayan nila ng asawang si Trevor Magallanes, at ang paglabag umano sa Section 8 of Securities Regulation Code na inihain ng tatlumpu’t siyam (39) katao laban sa kanya sa Pasay Regional Trial Court.

Sa panayam ng ABS-CBN News na lumabas ngayong Miyerkules, May 7, 2025, sinabi ng aktres na nakakahinga na siya nang malalim ngayong nabasura na ang kaso laban sa kanya.

Sabi ni Rufa Mae: “Ang saya-saya mo, pero at the same time, flashback pa rin. Kumbaga, siguro proseso ang mangyayari.

"At least ngayon malaya ka, makakalabas ka na, kahit saan ka pumunta. Nagkapag-asa ako, chance."

Kailangan daw niyang magsimula muli para "clean slate" ang kanyang estado.

Saad niya: “Nagsisimula ako ngayon ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit anong sabihin, yung mga mali mo, ngayon hinahanap mo yung tamang solusyon o gagawin mo nang mag-isa.

"Clean slate, brand new.”

Ano naman ang kanyang natutunan sa katatapos lamang na kontrobersiya?

Ayon kay Rufa Mae: “Actually, dati pa naman akong maingat.

"Kaya lang nga, sinasabi ko lang, pag bibiktimahin ka rin, manloloko ang mga tao, kahit maayos ang usapan, may kontrata lahat, puwede yung maging iba kung gusto ka nilang lokohin.”

Magsasampa ba siya ng kontra-demanda?

“Hindi na. Kasi hindi ko rin naman sila kilala, e, saka hindi na rin naman nila nilaban, e.

"Parang one or two lang na nag-hearing. Yun lang yun.

"Tapos after nun, na-cancel naman na lahat ng hearing," sabi ni Rufa Mae.

Read: Rufa Mae Quinto "free as a kite" after case is quashed

RUFA MAE: "It’s the beginning of the start…"

Sa kanyang Instagram naman kahapon, May 6, 2025, sinabi ni Rufa Mae na tila nananaginip siya sa dami ng good news na dumating sa kanya nitong mga nagdaang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang panimula na rin daw ito para sa kanya.

Aniya, "Am I dreaming lately?"

Pakuwela pa ni Rufa Mae: "It’s the beginning of the start…

"For me, For you .. and the entire HUMAN RACE, of the Philippines"

Nag-taping na raw siya para sa isang proyekto.

Binati rin ni Rufa Mae ang sarili para sa nalalapit niyang kaarawan sa May 28 at sa paparating na Mother's Day celebration.

Dagdag niya: "Kagabi lang ako nag-taping in showbiz!

"Advance Happy Mother’s Day to Me!

"Advance Happy birthday to me!"

Maraming positibong komento ang netizens sa kanyang post kaya nagpasalamat si Rufa Mae sa mga ito.

Rufa Mae thank you to netizens
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Rufa Mae Quinto returns to PH; voluntarily surrenders to NBI

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto: “Nagsisimula ako ngayon ulit. Kahit anong sabihin, yung mga mali mo, ngayon hinahanap mo yung tamang solusyon o gagawin mo nang mag-isa. Clean slate, brand new.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results