PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto "free as a kite" after case is quashed

After almost five months, Rufa Mae Quinto declares herself "free as a kite."
by Arniel C. Serato
Published May 2, 2025
Ruffa Mae Quinto announces security regulations case dismissed
Rufa Mae Quinto: "Na Quash na Case! I’m free as a kite! Malayang-malaya! To GOD be the GO GO GLORY! GO GROW GLOW!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Malaya na sa anumang legal na usapin ang aktres na si Rufa Mae Quinto matapos i-quash ng korte ang kaso laban sa kanya.

Ito ay kaugnay ng reklamong 14 counts ng paglabag umano sa Section 8 of Securities Regulation Code na inihain ng tatlumpu’t siyam (39) katao laban sa kanya sa Pasay Regional Trial Court.

Kapag sinabing na-quash ang isang kaso, ibig sabihin nito ay pinawawalang bisa na ng korte ang naunang desisyon, gaya ng conviction, subpoena, at arrest warrant.

Sa kanyang Instagram ngayong Biyernes, May 2, 2025, inanunsiyo ni Rufa Mae na na-quash na ang kanyang kaso kaya malaya na siya katulad ng isang saranggola.

Mensahe niya: "FFF hooray! Na Quash na Case! I’m free as a kite (kite emoji)! Malayang malaya!

"To GOD be the GO GO GLORY!

"GO GROW GLOW!"

Sinabi rin ni Rufa Mae na naghahanda siya para sa mga bagong proyekto kaya pina-pamper niya ngayon ang sarili.

Aniya: "Tapos… ayun, nagpa-fresh ako, pampering, consultation, visit visit @luminisce_official @drkayceereyes

"Naghahanda, preparing for something New and Big!

"Ako na din nag make up to Myself!

"Iba din nagagawa kapag malaya sa kaso!

"Salamat sa inyong lahat na naniwala at nagtiwala sa akin!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagbigay ng anumang detalye si Rufa Mae tungkol sa naging desisyon ng korte.

Sa comments section, marami ang bumati kay Rufa Mae, kabilang na ang kaibigan niyang si Ruffa Gutierrez.

Ruffa Gutierrez congratulates Rufa Mae Quinto

Read: Rufa Mae Quinto returns to PH; voluntarily surrenders to NBI

RUFA MAE QUINTO'S CASE

Noong January 9, 2025, nakapagpiyansa si Rufa Mae matapos niyang magpalipas ng gabi sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters dahil sa patung-patong na kasong kinakaharap niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Rufa Mae Quinto returns to PH; voluntarily surrenders to NBI

Sa NBI headquarters siya natulog gabi ng January 8, dahil hindi natapos ang proseso ng pagpipiyansa niya sa Pasay Regional Trial Court.

PHP1.7 million ang binayaran ng aktres para sa pansamantala niyang kalayaan.

Read: Rufa Mae Quinto, magpipiyansa ng PHP1.7M para di makulong

Ang 14 counts ng violation of Section 8 ng Securities Regulation Code ay may kaugnayan sa mga reklamong isinampa ng investors laban sa Dermacare, ang beauty clinic na pag-aari ni Chanda Atienza.

Si Rufa Mae ay isa sa mga kinuhang celebrity endorsers ng nasabing clinic.

Nadawit ang aktres sa kaso ng beauty clinic matapos magreklamo ang complainants na nag-invest sa beauty clinic at tinakbuhan ng may-ari.

Lumalabas ding hindi rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang beauty clinic na magbenta ng securities.

Sa isa kasing negosyo, kinakailangan nito ng primary license mula sa SEC para lehitimong makapag-operate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang secondary license naman ay kailangan para makapaghikayat ng iba na maging investor.

Nakasaad sa Securities Regulation Code (SRC) o Republic Act 8799, na dapat magrehistro sa SEC ang anumang negosyo o sinumang tao na tatanggap, magbebenta, o magpo-promote ng investment programs.

Read: EXPLAINER: Neri Naig's syndicated estafa and securities code violations

Ang isa pang dawit sa kasong ito ay si Neri Naig Miranda.

Read: Neri Naig finally breaks silence after legal ordeal

Additional reports from Tin Baylon

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto: "Na Quash na Case! I’m free as a kite! Malayang-malaya! To GOD be the GO GO GLORY! GO GROW GLOW!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results