Agaw-eksena ang candid moments nina Barbie Forteza, 27, at Jameson Blake, 27, sa fun run na inorganisa ni Alden Richards.
Ang Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino ay pinamunuan ni Alden at ng kumpanya niyang Myriad Productions. Ginanap ito sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City, Linggo ng umaga, May 11, 2025.
Beneficiaries nito ang maliliit na workers ng entertainment industry.
Read: Alden Richards, nag-sorry sa naantalang finisher medals
Maraming mga lumahok na Kapamilya at Kapuso celebrities, pero ang tambalan nina Barbie at Jameson ang mas pinag-ukulan ng pansin ng nakararaming netizens.
Co-stars sila sa upcoming Netflix movie na Kontrabida Academy.
Sa Instagram Story ni Barbie, ipinakita niya ang selfie nila ni Jameson matapos ang fun run.
"Soooo proud of you @jmsnblake first run 16K agad! Super appreciate you for running with me," caption ng Kapuso actress.

BARBIE FORTEZA, JAMESON BLAKE CANDID MOMENTS
Bukod dito, may mga kumalat din sa social media na videos nilang dalawa.
Isa rito ay iyong nagwa-warm up si Barbie at nasa isang tabi si Jameson na naghihintay sa dalaga.
Pagkatapos ay inabot ni Jameson kay Barbie ang pinahawak nitong mga gamit.
Nagpasalamat naman si Barbie sabay umakbay sila sa isa't isa habang naglalakad.

May isa pang eksena na si Jameson naman ang kumuha ng selfie nila ni Barbie. Halatang masaya sila kahit na maagang nagising para sa event.
Isa pang kuha nila ay iyong todo-tsika si Barbie kay Jameson.
Read: Barbie Forteza, may reward mula sa TF sa isang fast food chain?

Kinakiligan naman ito ng netizens na nagsabing "bagay" sina Barbie at Jameson.
Mukhang "may chemistry" raw ang dalawa.
Natuwa rin ang iba dahil sa anila'y "effort" ni Jameson na samahan si Barbie sa fun run, at ang pag-alalay nito sa dalaga.
May mga humirit pang pumasok lang daw si David Licauco sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab bilang house guest ay iba na raw ang itinatambal sa aktres.
Si David ang kilalang ka-loveteam ni Barbie sa mga teleseryeng Maria Clara at Ibarra, Maging Sino Ka Man, at Pulang Araw.
Sa bagong teleserye ni Barbie, ang Beauty Empire, hindi niya kasama si David. Si Sam Concepcion ang isa sa cast members doon.
Inaasahang muling magsasama sina David at Barbie sa ibang proyekto ng GMA-7.
Read: David Licauco respects Barbie Forteza's healing journey
