Ibinunyag ni David Licauco na taong 2015 nang sumubok siyang makapasok sa Pinoy Big Brother (PBB) house.
Ito ang ikinuwento ni David sa Instagram noong Miyerkules, May 14, 2025, ilang araw mula matapos siyang makalabas bilang houseguest sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab.

Lahad niya: "Wow. Crazy to think I once lined up for PBB auditions in 2015… and years later, I got to be a houseguest.
"It was different from what I imagined—may magic talaga sa loob ng Bahay ni Kuya.
"I may have been quiet, but I learned a lot about myself.
"Truth is, no one really knows what it’s like inside unless you’ve lived it."
Kasunod nito ang pagpapasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa kanya at sa mga housemates na nakasama niya.
Dagdag ni David: "To everyone who supported, thank you. (Sa mga naboringan sakin, sorry na po!)
"And to the housemates—thank you for the warm welcome, solid convos, and siyempre, the best food: Ate Klang’s ulam, Ralph’s rice, and Esnyr’s ice cream.
"Fun fact: I was actually considered to be a housemate earlier this year. :))"
View this post on Instagram
Read: David Licauco reveals winning mindset; how he grows his net worth
DAVID LICAUCO ON PBB CELEBRITY COLLAB EXPERIENCE
Magkahalong lungkot at saya naman ang naramdaman ni David nang magpaalam siya sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab kunsaan naging house guest siya sa loob ng limang araw.
Sa panayam sa kanya ng 24 Oras ng GMA na lumabas noong May 13, 2025, sinabi niyang umiyak siya habang nagpapaalam sa mga kasama.
Kuwento ni David, "Yung goodbyes, of course, siyempre naging close rin sa mga housemates and naging close na rin sa environment.
"So, yeah, it was, it was a hard goodbye to everybody."
Isang masayang experience raw para sa Pambansang Ginoo ang limang araw niyang pagtira sa Bahay ni Kuya.
Aniya, "I'm really grateful for the experience. Ah, [I am] thankful to GMA for, you know, allowing me to experience Pinoy Big Brother kasi pangarap ko rin yun dati nung bata ako. Maraming emotions. Maraming nangyayari na hindi nakikita ng mga tao."
Noong una ay nahihiya pa raw siya sa housemates.
Dagdag ni David: "But eventually naman, they were really open to me. You know, ginuide po nila ako.
"Hindi po nila sa akin pinaramdam na, alam mo yun, na extra ako sa kanila.
"Marami po akong naging kaibigan na sigurado po ako ay paglabas ay magiging kaibigan ko pa din."
Anu-ano ang enjoyable experience niya sa Bahay Ni Kuya?
Sagot ni David, "Yung moment na pagpasok ko, yung moment na nakausap ko si Kuya, yung camaraderie, at saka yung teamwork nung lahat po ng tao para po ma-accomplish yung task para po may makain."
At noong nakalabas na si David, balak niyang lumantak ng karne dahil puro gulay at chichirya lamang daw ang pagkain nila sa loob.
