Tinanggihan ng GMA Network ang alok na settlement ng Television and Production Exponents (TAPE), Inc. para sana matapos na ang kanilang pagkakautang sa giant network.
Ayon sa ulat ni Mel Tiangco para sa 24 Oras kagabi, June 11, 2025, nangyari ang pagtanggi ng GMA-7 sa mediation meeting sa Quezon City Prosecutor's Office kahapon.
Hindi raw sapat ang settlement offer ng TAPE kaya tinanggihan ito ng Kapuso Network.
Bunsod nito, muling ira-raffle ang kaso sa ibang prosecutor na magsasagawa ng preliminary investigation.
Read: MC Muah at Lassy, kusang umalis sa It's Showtime?
Sinampahan ng GMA-7 ang TAPE ng PHP37.9-million estafa complaint dahil sa pagkabigo ng blocktimer producer na i-remit ang nakolekta nitong advertising revenue mula sa kanilang mga kliyente.
Base sa kanilang kontrata ay dapat mayroong mapunta sa network sa ilalim ng kanilang "2023 Assignment Agreement."
Sa halip, ginamit daw ng TAPE ang nasabing halaga para sa "operational expenses" ng kumpanya.
Ang TAPE ang producer ng dating Eat Bulaga! at ng defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya.
Read: GMA Network files estafa complaint against TAPE executives
LEGAL COUNSELS OF BOTH PARTIES REACT
Sa paghaharap ng mga abogado ng magkabilang panig noong May 29, 2025, napag-usapan ang posibilidad na magkaroon ng settlement.
Pero nanindigan ang legal counsel ng GMA Network na si Atty. Lynn Delfin na ang kanilang nais makuha ay ang nakasaad na halaga sa kanilang isinampang reklamo.
Pahayag ni Atty. Delfin: “We want to collect the amount that was misappropriated. The amount that should have been given to GMA but was not remitted by the officers of TAPE.
"We have been waiting for the remittance of the ad revenues. Unfortunately, despite repeated demands, hindi nabigay sa atin yun."
Hindi naman itinanggi ng TAPE, sa pamamagitan ng kanilang abogadong si Atty. Maggie Garduque, na may pagkakautang ang kanyang kliyente.
Saad nito: "I think TAPE naman is not denying that there's collectibles to the corporation. Maybe the main contention only is whether it's civil or criminal."

Reaksiyon dito ni Atty. Delfin: “We have been saying din naman that management is open to listen and to see what offer they have. And if it's reasonable, we can decide on what to do about it."
Sabi naman ni Atty. Garduque: “Under the rules, yung mediation kasi is also dependent on the complainant if they are willing or open for settlement.
"So, in this particular case kasi, maganda na nalaman natin on the part of GMA that they are open for settlement."
Read: Katrina Velarde "balik-pango" matapos ipatanggal ang nose implant
