PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael V. on past conversations with late dad Cesar Bunagan

"Mataas ang sense of humor niya."
by Arniel C. Serato
Published Jun 15, 2025
Michael V talks about his late father five years after his death
Actor-comedian Michael V. recalls past conversations with late dad Cesar Bunagan (right) about life and his successful career: "Tuwang-tuwa siya. He's really happy for me, ganun, sa nangyari sa career ko."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram

Saan ba galing ang "Beethoven" sa totoong pangalan ni Michael V na Beethoven del Valle Bunagan?

Sabi ng multi-talented Kapuso actor, ang namayapa niyang amang si Cesar Felix Bunagan ang nagpangalan sa kanya.

Aniya: "Ang kuwento niyan, nai-share ko na somewhere na pinatawag siya ng boss niya sa office sa isang construction site. Kasi nagko-construction dati, noong time na yun.

"Noong pumasok siya daw sa opisina ng boss niya, may nakita siyang album cover, plaka, vinyl, Beethoven.

"Pero hindi niya alam ang last name nun. Akala niya magandang pangalan na ibigay sa anak niya.

"So sinulat niya sa likod ng stampita. Actually, umabot pa sa akin yung stampita na yun."

Nagandahan daw ang ama sa pangalan na ito, at nalaman na lamang niya eventually from Michael V na apelyido ito ng isang pamosong German composer and pianist na si Ludwig van Beethoven .

Dagdag na kuwento ng komedyante, "Tapos doon, nai-e-explain ko sa kanya, 'Alam mo bang apelyido yun?' 'O, talaga?' Too late."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAD'S BIGGEST INFLUENCE ON MICHAEL V

Ano naman ang biggest influence ng ama niya sa kanya?

Kuwento ni Michael V: "Palagay ko, itong outlook sa buhay na, in a way, may pagka-happy-go-lucky rin ako, kaya lang, siyempre, hardworking siya.

"So, naging ganun din ako. At saka, mataas ang sense of humor niya.

"So parang namana ko talaga sa kanya, sa kanilang dalawa ng nanay ko."

Namana rin daw niya ang pagiging handyman sa kanyang tatay.

Aniya, "Yes, of course, oo, bata pa ako, mahilig na ako sa toys. Mahilig akong tumulong.

"So palagi pa ring, ganun pa rin, nadadala ko nga sa show (Pepito Manaloto), e, kasi dito sa show, di ba, madalas may mga problema tapos pinapaayos ni Elsa (Manilyn Reynes) kay Pepito (karakter niya)?

"Yun, base rin sa mga totoong nangyari sa kanila."

Read: Ruffa Gutierrez reveals she's not on speaking terms with Herbert

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Michael V. sa set visit ng Pepito Manaloto sa Fairview, Quezon City kamakailan lamang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MICHAEL V's FONDEST MEMORIES OF LATE DAD

Ngayong Linggo, June 15, 2025, gugunitain sa buong mundo ang Father's Day.

Ano ang pinakapaborito niyang alaala sa ama?

"Nung time na nag-abroad kami, na parang, 'Oh, finally, a, hindi ko naman nabayaran, pero it's a way of paying their... yung lahat ng hirap na ginawa nila sa pamilya nila.

"Abroad sila tapos na-i-cruise namin sila.

"Tapos nakita ko yung saya sa mata nilang mag-asawa na talagang, 'Sana lagi na lang tayong ganito.'

"And then every time, looking forward sila sa ganun. Until noong, ano yun, mga final minutes niya sa death bed niya. Yun yung pinag-uusapan ko.

"Kinukuwento ko sa kanya, pinapaalala ko sa kanya na, 'Alam mong nag-cruise tayo, o, yung libre, libre yung kape, libre yung hot chocolate, lahat ng pagkain libre.'

"Napapangiti siya, e, before siya tuluyang pumikit nun. Napangiti siya."

Michael V, his wife Carol, their four childrend, and his parents, Cesar Felix and Melba Bunagan, during their Disney Fantasy Cruise before his dad died.
(L-R) Michael V, his bunso Maypaul, his wife Carol, his parents Cesar Felix and Melba Bunagan, his grown-up kids Brianna, Milo, and Migo during their Disney Fantasy Cruise.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang-masaya rin daw ang ama sa narating ni Michael V sa kanyang karera.

Saad niya, "Tuwang-tuwa siya. He's really happy for me, ganun, sa nangyari sa career ko."

May mga natutunan ba siya sa ama sa pagtataguyod ng pamilya na ginagawa na din niya sa kanyang pamilya ngayon?

Lahad niya: "Yung ano, yung pagiging hardworking.

"Kasi, mga anak ko, e, di naman maiwasan na hindi ma-spoil, di ba?

"Medyo komportable kami ngayon. Hindi kagaya na ako saka yung asawa ko, si Carol, lumaki kami sa Tenement.

"Medyo hard-up kami. Tondo siya.

"So kami, hard-up talaga, e. Talaga hirap na hirap kami, e, growing up, e.

"Yung pinapakita namin sa mga anak namin na, 'O, eto ay hindi normal na buhay ito.' Hindi, hindi ito yung ano, hindi ito yung nangyayari sa ano, sa mga kapitbahay na nakikita ninyo, sa mga kaklase ninyo.

"Medyo ano tayo, sinuwerte tayo. Buenas tayo. Pero, lagi pinapaliwanag namin sa kanila, kami growing up, 'Eto ginawa sa amin ng magulang natin. Eto yung pagpapalaki sa amin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na siyempre, hindi naman namin magagaya yun, pero, at least, i-pattern man lang natin yun. Kunin natin ang magagandang points na ituro nila sa amin."

Pumanaw ang ama ni Michael V. na si Cesar noong October 14, 2019.

Read: Michael V. mourns father's death

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-comedian Michael V. recalls past conversations with late dad Cesar Bunagan (right) about life and his successful career: "Tuwang-tuwa siya. He's really happy for me, ganun, sa nangyari sa career ko."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results