PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boss Toyo admits past drug addiction; relates to Imburnal Girl

Boss Toyo: "Kapag hindi sila nagbago, sila naman ang mawawalan, hindi tayo.”
by Arniel C. Serato
Published Jun 16, 2025
Boss Toyo gives advice to Imburnal Girl after buying her cutter blade
Boss Toyo on advising "Imburnal Girl" Rosemarie Peligrino to stop using prohibited drugs "So, noong tinigil ko yun at naghanap ako ng bagong buhay, naging maayos ang buhay ko. So, sabi ko, 'Tigilan niyo na yan hangga't bata pa sila.'”
PHOTO/S: Arniel Serato / Boss Toyo Production on YouTube

Naging usap-usapan ang pagbebenta ng tinaguriang "Imburnal Girl" na si Rosemarie Peligrino ng cutter blade sa online personality na si Jayson Luzadas o mas kilala bilang si Boss Toyo.

Ang cutter blade na ibinenta ni Rosemarie ay ginagamit niya sa kanyang pangangalakal.

Ito rin ang dahilan ng kanyang pagpasok sa maliit na butas ng imburnal.

Nahulog ang naturang cutter blade sa may imburnal na matatagpuan sa kanto ng kalye ng Rufino at Adelantado sa Legazpi Village, Makati City, noong Mayo.

Isang netizen ang kumuha ng litrato ni Peligrino habang gumagapang palabas ng imburnal, at kumalat ito sa social media na naging dahilan ng kanyang pagiging viral.

Makalipas ang ilang araw ay nagpunta si Peligrino sa shop ni Boss Toyo upang ibenta ang kanyang cutter blade.

Binili ito ni Boss Toyo sa halagang PHP5,000.

Read: "Imburnal Girl," inamin ang pagkakaroon ng masamang bisyo

BOSS TOYO TELLS IMBURNAL GIRL "ITIGIL NIYO NA YAN"

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media kay Boss Toyo sa World Gin Day noong June 10, 2025, sinabi ng may-ari ng Pinoy Pawnstars YouTube page na nagdagdag pa siya ng PHP5,000 bukod sa naunang limang libong ibinigay niya kay Peligrino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Imburnal Girl receives P10000 from Boss Toyo.
Imburnal Girl receives P10000 from Boss Toyo.
Photo/s: Courtesy: Boss Toyo Production on YouTube

Paliwanag ni Boss Toyo: "Binigyan ko ng another PHP5,000 kasi alam mo naman yung mga may bisyo, malay mo…

"Minsan kasi, the more na pinapagalitan mo yung mga ganun, the more na nagiging harsh sa kanila, baka iba pa yung dating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, try naman nating i-reverse naman natin. Kapag hindi sila nagbago, sila naman ang mawawalan, hindi tayo.”

Inamin ni Peligrino kay Boss Toyo na "nagbibisyo" siya pero hindi naman daw madalas.

Sa aming panayam naman kay Boss Toyo, inamin nitong dati rin siyang nalulong sa masamang bisyo pero itinigil na niya ito.

Saad niya: "As a confessed drug addict before, talagang matagal ako diyan, for about 10 years, sinabi ko naman na wala talaga akong pinatunguhan.

"So, noong tinigil ko yun at naghanap ako ng bagong buhay, naging maayos ang buhay ko.

"So, sabi ko [kay Peligrino], 'Tigilan niyo na yan hangga't bata pa sila.'”

Bukod sa natanggap niyang pera kay Boss Toyo, nakatanggap din si Peligrino ng PHP80,000 worth of livelihood assistance package mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Read: Cesar Montano happy for ex-wife Sunshine Cruz and Atong Ang

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boss Toyo on advising "Imburnal Girl" Rosemarie Peligrino to stop using prohibited drugs "So, noong tinigil ko yun at naghanap ako ng bagong buhay, naging maayos ang buhay ko. So, sabi ko, 'Tigilan niyo na yan hangga't bata pa sila.'”
PHOTO/S: Arniel Serato / Boss Toyo Production on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results