Muling ipinadama ni Jay-Jay Barretto ang kanyang pagmamahal sa bunsong kapatid na si Claudine Barretto sa pamamagitan ng social media.
Pito silang magkakapatid na anak nina Miguel at Inday Barretto: sina Mito, Michelle, Jay-Jay, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine.
Hindi malinaw kung para saan ang post ni Jay-Jay noong Mayo 9, 2025, pero una na siyang nagbahagi ng larawan kung saan nakayakap si Claudine sa kanya mula sa likuran.
Wala siyang caption na inilagay sa post.
View this post on Instagram
Kahapon, June 26, 2025, isang short Reel ang in-upload ni Jay-Jay sa Instagram kung saan makikita ang montage ng mga larawan nila ni Claudine mula noon.
May saliw itong kanta ni Gary Valenciano na "I Will Be Here."
Nilagyan ito ni Jay-Jay ng mga sulat na: "I will be here forever at your back.
"I'm so proud of you that you are a fighter...
"I LOVE YOU SO MUCH [heart emoji]"
View this post on Instagram
Read: Ice Seguerra mourns the passing of Mommy Caring
CLAUDINE THANKS JAY-JAY FOR PROTECTING HER
Sa comments section, nagpaabot ng mensahe si Claudine sa kanyang Kuya Jay-Jay.
Nagpasalamat siya rito dahil sa proteksiyon na binibigay umano nito palagi sa kanya.
Ani Claudine, "i luv u J. [heart emojis] thanks for protecting me always. luv u so much [heart emojis]"

May ilang netizens ang natuwa sa ipinakitang pagmamahal ni Jay-Jay sa bunsong kapatid.
Ayon sa komento ng isa, "yan ang tunay na kapatid.. god bless you my fave ms clau #batang90s"

Sabi ng isa, "Thank you sir jj for supporting our optimum star,and for protecting clau ur sister"

Dagdag ng isang netizen, "i love you barretto for always being protective and loving to your sisters mabuhay ka jj- love from mommy"

Hindi sigurado kung ang nasabing komento ay mula kay Mommy Inday dahil tila troll account ang page nito.
Komento ng isa, "A Brother's love to her youngest sister. Be strong always ate.i love you so much @claubarretto"

Paghanga ng isa, "This is unconditional love of a true brother. No matter what."
Sinagot ito ni Jay-Jay ng heart emoji.

Read: Claudine, Jay-Jay mark mom Inday's 87th; Gretchen absent
