PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto not invited to niece Claudia’s wedding

Dennis Padilla confirms that Gretchen Barretto was not invited either.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 10, 2025
(L-R) claudia barretto, marjorie barretto, claudine barretto
Claudine Barretto (left) breaks down after learning she was not invited to the wedding of her niece Claudia (in white gown) even after asking her sister Marjorie (in red gown) for permission.
PHOTO/S: @lucasbarretto @claubarretto on Instagram

Naiyak at halos himatayin sa sama ng loob si Claudine Barretto nang hindi siya pinahintulutang pumunta sa kasal ng kanyang pamangkin na si Claudia Barretto.

Ito ang rebelasyon ng mismong ama ni Claudia na si Dennis Padilla sa talent manager-vlogger na si Ogie Diaz nung nagka-usap sila via phone call kahapon, Miyerkules, April 9, 2025.

Si Claudia ay ikinasal sa kanyang long-time boyfriend na si Basti Lorenzo noong April 8.

Marjorie Barretto (in red gown) walks her daughter Claudia Barretto to the altar.
Photo/s: Courtesy: Lucas Barretto on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dennis Padilla heartbroken after being treated as "visitor" at daughter Claudia's wedding

Very intimate ang kasal na ginanap sa St. James The Great Parish, Ayala Alabang Village, Muntinlupa City,

Dinaluhan ito ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Read: UPDATED. Celebrities spotted at Claudia Barretto-Basti Lorenzo wedding

Claudine reaches out to her sister Marjorie

Rebelasyon ni Dennis, mismong si Claudine ang lumapit sa ate niyang si Marjorie Barretto para makiusap na payagan siyang makadalo sa kasal ni Claudia.

Anak ni Marjorie si Claudia sa dati nitong asawa na si Dennis.

Bukod kay Claudia, may dalawa pa silang anak, sina Julia at Leon Barretto.

Read: Dennis Padilla recounts convo with Claudia on her wedding day

Pahayag ni Dennis: "Tumawag [si Claudine] kagabi sa akin. Nakiusap din pala siya.

"She had [sent] Viber messages to Marjorie, nakikiusap siya na, 'Baka puwede naman akong um-attend, magbibigay lang ako ng gift ko kay Claudia.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pangatlong message, binura tapos blinock pa siya. So hindi na pumasok messages niya, kaya iyak siya nang iyak noong gabi.

"Sobra [ang iyak] niya kagabi [March 7]...Parang hihimatayin, sobra."

Nalungkot si Dennis para kay Claudine dahil alam daw niyang malapit dito ang kanyang mga anak, lalo na noong kasagsagan ng career niya bilang Kapamilya teleserye actress.

Ani Dennis, "Sabi ko, 'Claudine, kahit hindi ka invited, pumunta ka. Huwag kang matakot, I'll sit beside you.'

"Alam mo naman kung gaano ka-spoiled sa kanya sila Claui [Claudia], parang anak niya."

Read: Dennis Padilla hopes for longer talk with estranged children

CLAUDINE STILL NOT ON GOOD TERMS WITH MARJORIE

Sa pagkakaalam ni Dennis, may hindi pa rin pagkakaunawaan ang magkapatid na Claudine at Marjorie.

Posibleng ito raw ang dahilan ni Marjorie kaya't hindi niya pinahintulutang makapunta si Claudine sa mahalagang okasyon.

Read: Gene Padilla defends brother Dennis's wedding-guest rant

Sabi ni Dennis: "Pagkaunawa ko, [hindi sila on good terms].

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nakikiusap nga siyang ma-invite, e. Kaya nga sinabi ko sa kanya na kahit hindi ka invited, pumunta ka, tatabihan kita.

"Kasi kung dumating naman siya, alangang itaboy mo? E, si Claudine Barretto iyon...saka tiyahin iyon, kamag-anak iyon, e, kadugo iyon.

"Sabi ko, 'Pumunta ka kahit hindi ka invited.'

"Ang tapang-tapang ko pa, mabuti na lang pala hindi pumunta.

"Ang yabang ko, kasi, siyempre, sabi ko, 'Father of the bride ako. Pumunta ka, ako bahala sa iyo.' Buti na lang, hindi siya pumunta."

Matatandaang si Dennis ay may himutok sa naging trato sa kanya.

Shortly after the wedding ceremony, nagpost siya sa social-media na hindi siya "father of the bride" kundi "visitor."

Binura niya rin agad ang mga posts, pero hindi niya itinagong masamang-masama ang kanyang loob sa mga anak.

Read: Dani Barretto posts message for Claudia amid issue with Dennis

Kinumpirma rin ni Dennis na bukod kay Claudine ay hindi rin imbitado si Gretchen Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala, hindi rin invited."

Kung sakali nga raw na dumating si Gretchen, malamang, "Giyera sila doon."

Read: Barretto family saga: from word war in 2013 to eventful reunion in 2019

BARRETTO'S family FEUD

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tukoy na dahilan kung bakit hindi inimbitahan ni Claudia sa kanyang kasal ang mga tiyahing sina Gretchen at Claudine.

Ito ay sa kabila ng sinabi ni Claudine noong March 2024 na civil na ang relasyon nila ni Marjorie matapos ang ilang taong hindi pagkakaunawaan.

Read: Claudine Barretto Meets Niece Julia at Mr. M’s Party

Ang tiyak lang na hindi pa nagkakaayos hanggang ngayon ay sina Marjorie at Gretchen.

Read: Claudine Barretto relationship with sisters Gretchen, Marjorie

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang on-and-off feud ng pamilyang Barretto—lalo na ng magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Sa timeline na naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mula 2004 hanggang 2019, iba-iba ang scenario at issue, pero madalas ay central figure rin ang Barretto matriarch na si Estrella o kilala bilang Mommy Inday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2004: GRETCHEN VS DENNIS, MARJORIE, CLAUDINE

Taong 2004 noong napabalita ang away ng magkakapatid na Barretto, pati na rin si Dennis, na asawa pa ni Marjorie at the time.

Kinumpronta raw ni Dennis si Gretchen dahil binigyan ng show ni Tonyboy Cojuangco, ang long-time partner ni Gretchen, si Willie Revillame sa ABC-5 (ngayon ay TV5), na dating pagmamay-ari ni Tonyboy.

Nagbitiw si Willie sa noontime show niya sa ABS-CBN na Masayang Tanghali Bayan (MTB), kung saan co-host si Dennis.

Bunsod ng pag-alis ni Willie ay ni-reformat ang MTB at natanggal si Dennis.

Pero ayon sa kampo ni Gretchen, walang kapangyarihan ito para makialam sa desisyon ng ABC-5 na bigyan ng programa si Willie.

Gayunpaman, nauwi sa hindi magandang sagutan ang paghaharap nina Dennis at Gretchen, na humantong sa pag-alis nina Dennis at Marjorie sa pagmamay-aring bahay ni Gretchen sa Loyola Grand Villas.

Pagsapit ng July 2004, nagsalita si Claudine sa kanyang birthday press conference,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang pahayag, malinaw na kampi si Claudine kina Dennis at Marjorie.

Read: A Timeline: The Barretto Family Feud

APRIL 2007: GRETCHEN RECONCILES WITH CLAUDINE

Noong April 10, 2007, matapos ang tatlong taong alitan, nagkabati sina Claudine at Gretchen nung nagkasalubong sila sa S&R sa Taguig City.

Kinumpirma ito ni Gretchen sa isang text message na ipinadala kinabukasan, April 11, kay Jo-Ann Maglipon, editor-in-chief ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng sister publication na YES! Magazine.

"Yes, it's true that all is well. Claud will always be my baby sister, thru the not so good and good times. I will remember only her good and loving ways. I shall put behind me the past. That goes for Marjorie as well. Life's too short to put to waste."

Read: EXCLUSIVE: Gretchen confirms reconciliation with Claudine

2013: CLAUDINE VERSUS GRETCHEN AND MARJORIE

Subalit nagkaroon na naman ng sigalot taong 2013.

Nagsimula ito nang sumagot sina Gretchen at Marjorie sa isang basher sa Instagram na may username na btchjuliaisbitch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtanggol nina Gretchen at Marjorie si Julia Barretto, na noon ay kaka-launch lamang bilang miyembro ng 2013 batch ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Read: Gretchen Barretto on sisters: "We will always have each other.

Hindi malinaw kung ano ang ipinost ng basher laban kay Julia dahil nabura na ang mga comments at walang nakapag-screenshot.

Pero base sa mga sinabi nina Gretchen at Marjorie: sinisiraan ng basher si Julia.

Walang binanggit na pangalan si Gretchen, pero mahihinuhang kilala niya ang basher.

Sabi ni Gretchen (published as is): “yuck? You know what yuck is? Your husband walked out coz of you violent ways. What exactly did you do to his Porsche? His laptop? Etc. oh pls reflect & go to your happy place.. Medical city.”

Ang hirit ni Gretchen ay patukoy sa napabalitang domestic problem noon ni Claudine at ng asawang si Raymart Santiago.

Noong 2010, o tatlong taon matapos silang ikasal, naging maugong ang isyung nagkaroon ng problema sa pagsasama ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging malaman din ang comment ni Marjorie: “her demons are coming out again…this time, for all to see.”

Bunsod nito, maraming netizens ang naghinala na ang tinutukoy na basher nina Gretchen at Marjorie ay si Claudine.

Ang sumunod dito ay ang pagre-react ng iba pang miyembro ng pamilya Barretto, kabilang na si Mommy Inday.

Naglabas ng official statement si Mommy Inday kung saan binatikos niya si Gretchen at ipinagtanggol si Claudine.

Hindi raw mapapalampas ni Mommy Inday ang pagtawag ni Gretchen kay Claudine na "evil."

Todo-tanggol si Mommy Inday kay Claudine, habang kinastigo niya nang husto si Gretchen na isa raw "liar" at "evil."

Nagpatuloy ang alitan sa pamilya Barretto noong kasagsagan ng hiwalayan nina Claudine at Raymart.

Nadawit pa ang mga pangalan nina Gretchen at Marjorie sa complaint affidavit ni Claudine, nang idemanda nito si Raymart ng paglabag sa Violence Against Women and Children Act noong August 29, 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Claudine Barretto on ongoing legal battle with husband Raymart Santiago: "May purpose ang lahat ng ‘to... kung bakit nangyayari ‘to.”

Noong September 24, 2013, kasama sa isinumite ni Raymart na counter-affidavit ang sworn statements nina Gretchen at Majorie.

Hindi ito nagustuhan ni Miguel Barretto, na kampi sa bunsong anak na si Claudine.

Kadalasan ay tahimik lang ang patriarch ng pamilya kapag naisasapubliko ang mga alitan ng magkakapatid.

Pero sa presscon na isinagawa ni Claudine noong October 1, 2013, may buwelta si Miguel sa mga anak na sina Gretchen at Marjorie, na noon ay labis na nasaktan.

2019: THE RECONCILIATION

Fast forward noong February 2019, nagkapatawaran ang magkapatid na Gretchen at Claudine.

By March 2019, pahapyaw na nasabi ni Gretchen na hindi pa rin okay ang relasyon niya sa kanyang mga magulang.

Pero hindi na nagbitiw si Gretchen ng anumang salita laban sa kanila.

Read: Gretchen Barretto embraces mother Inday Barretto for the first time after six-year rift

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang pitong buwan, noong October 15, 2019, pumanaw si Miguel.

At noong ngang gabi ng October 16, sa burol ni Miguel, nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ang mag-inang Gretchen at Inday.

Isinantabi raw nila ang nakaraang hidwaan.

Pero noong gabing ring iyon, nagkaroon ng mainit na kumprontasyon sa pagitan nina Gretchen at Marjorie.

Read: Claudine Barretto ready to face estranged sister Marjorie in court

The following night, October 17, 2019, sina Marjorie at Claudine naman ang nagkainitan at nagkasakitan dahil sa away nina Marjorie at Gretchen.

Read: Claudine Barretto reveals scuffle at the wake with sister Marjorie, niece Julia

Sa kasalukuyan, base sa mga sinabi ni Dennis, sina Gretchen at Claudine pa lamang ang nagkakaayos.

Base sa kuwento ni Claudine kay Dennis, mukhang hindi na naman okay sina Claudine at Marjorie, habang sina Gretchen at Marjorie ay hindi pa rin nagkakaayos.

Additional reports by Bernie Franco, Arniel Serato, and Rachelle Siazon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) breaks down after learning she was not invited to the wedding of her niece Claudia (in white gown) even after asking her sister Marjorie (in red gown) for permission.
PHOTO/S: @lucasbarretto @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results