Dumagsa ang suporta kay Matet de Leon matapos siyang i-bash ng ilang netizens sa kanyang TikTok live selling.
Sa kanyang explanation video na in-upload sa TikTok kahapon, June 30, 2025, bumuhos ang suporta para sa aktres.
Ayon sa isang netizen, finollow niya si Matet dahil nagpakatotoo ito sa sarili.
Pinayuhan din niya ang aktres na huwag na lang pansinin ang mga taong namba-bash.
Komento ng netizen: "You just gained another follower because of your being real, authentic and resilient. I will support you po, my idol.
"Don’t let those negative people stop you from doing what you love.
"Sabi nga nila, 'Hurt people, hurt people.' Sad but true.
"Those who try to bash you are those without anything good going on with them.
"Unlike you, those bashers escape their mediocre life by finding something to criticize on good people like you here on Tiktok.
"So they try to dump their insecurities on you. You keep glowing and shine your light and those who are meant to be inspired by you will find you.
"I am one who was inspired by your hard work, strength, resourcefulness and humility. I am praying for more blessings of success and abundance in your life, Ms Matet (heart emojis)"

"Maraming salamat," sagot ni Matet sa komento ng kanyang supporter.

Ayon naman sa isa, mas marangal na trabaho ang ginagawa ni Matet kumpara sa ibang pumasok sa pulitika na wala namang nalalaman sa public service.
Saad ng netizen, "bro, that was so much better than running into politics even if you don't have the knowledge. fighting, miss matet!! you deserve all the love"

Sabi ng isa pa, published as is, "hayaan mo Sila mi atlist nagwowork ka nang marangal importante dun kahit anung bash sayo di Naman Sila magkakapera sayo"

Komento pa ng isang follower, "Wag po kayo tumigil. Naiinspire niyo po ang katulad ko na nagsisikap at gusto din mag live para makabenta....Tayong mga mommies kahit may mga pinagdadaanan lumalaban pa din.."

Payo ng isang netizen kay Matet, "continue what you are doing and try not to be bothered by all the negativity. Mas marami ang supporters mo. Keep it up."

Hindi na inisa-isa ni Matet ang mga positibong komento sa kanya.
Mensahe niya sa lahat: "Hindi ko kayo ma replyan isa isa pero maraming salamat sa inyong lahat"

Read: Gretchen Barretto, nasa listahan ng sangkot sa missing sabungero?
MATET EXPLAINS CRYING INCIDENT DURING LIVE SELLING
Kahapon din, ipinaliwanag ni Matet ang nangyaring biglaan niyang pag-iyak sa gitna ng kanyang live selling sa TikTok noong June 29, 2025.
Sa ilang snippets na lumabas, habang nagpapaliwanag si Matet sa presyo ng set ng corned beef, saglit siyang napatigil sa pagsasalita.
Makalipas ang ilang sandali ay napaluha ang aktres matapos mabasa ang mga komento ng ilang netizens.
Hindi binanggit ni Matet kung ano ang nilalaman ng kanyang mga nabasang komento, pero mahihinuhang na-upset siya habang patuloy sa pagbebenta ng mga produktong nasa harapan niya.
Pero, dalawang insensitive comments ang ipinunto ng netizens na maaring nakasakit ng damdamin ni Matet.
Ito ay ang, "Wala na kayo project?" at "Suplada to kaya iniwan ni ate guy."
Bahagi ng paliwanag ni Matet, "Kaya ako na-bad trip kahapon because of that one person na walang puso at napakawalanghiya, okay.
"Pero yung pagla-live sell, I love it.
"Kaya gusto kong mag-thank you doon sa mga taong maayos, pagka-live. Gusto kong mag-thank you sa inyo, yung mga sumusuporta pag may live ako, lalo na yung mga suki ko.
"Akala ninyo, hindi ko kayo nakakalimutan, 'no?
"So thank you, thank you, thank you everybody for being nice to me, pagiging maayos."
Kaya ang leksiyon daw na natutunan ni Matet sa susunod niyang live selling ay hindi na magbabasa ng mga komento.
Read: Matet de Leon hurt by insensitive comments during live selling
