PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atong Ang, Gretchen Barretto tagged in missing sabungeros case

Alias Totoy finally reveals his true identity.
by Erwin Santiago
Published Jul 2, 2025
gretchen barretto atong ang julie paditongan
Alias Totoy, who finally identified himself as Julie Patidongan (inset), links businessman Atong Ang and actress Gretchen Barretto to missing sabungeros case. He also accused Atong Ang of being the "mastermind."
PHOTO/S: Facebook / GMA Network

Direktang pinangalanan ni Alias Totoy ang negosyanteng si Atong Ang at ang aktres na si Gretchen Barretto na sangkot umano sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa eksklusibong panayam ni Emil Sumangil para sa 24 Oras ng GMA-7 ngayong Miyerkules, Hulyo 2, 2025, nagpasya si Alias Totoy na ilantad na ang tunay niyang pangalan dahil kung anu-ano na raw ang ibinibintang sa kanya ng mga kalaban.

Si Alias Totoy ay si Julie "Dondon" Aguilar Patidongan, hepe ng security agency na may hawak ng mga farm at sabungan na pag-aari umano ni Atong.

Kabilang siya sa anim na kinasuhan ng kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero sa iba't ibang panig ng bansa.

Bagamat maririnig na ang tunay na boses ni Patidongan sa panayam sa kanya ng 24 Oras, naka-blur pa rin ang kanyang mukha.

Read: Gretchen Barretto, nasa listahan ng sangkot sa missing sabungero?

julie paditongan 24 ras
Julie "Dondon" Patidongan during his exclusive interview with Emil Sumangil
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE ALLEGED MASTERMINDS

Sa panayam ni Sumangil, pinangalanan na ni Patidongan ang mga mastermind diumano sa pagkawala ng hindi raw bababa sa 100 sabungero.

Kasama umano rito ang negosyanteng si Charlie "Atong" Ang, ang aktres na si Gretchen Barretto, at dalawang iba pa.

Pahayag ni Patidongan: "Nandiyan sa affidavit ko yan. Mr. Charlie 'Atong' Ang, Eric dela Rosa, Engineer Celso Salazar.

"Sila ang mastermind sa nawawalang mga sabungero. Sila ang utak ng lahat..."

Sa mga nabanggit niyang pangalan, si Atong umano ang "pinaka-mastermind."

Saad ni Patidongan: "At si Mr. Atong, siya yung chairman ng Pitmaster. Siya ang pinaka-mastermind.

"Siya ang nag-uutos na talagang iligpit yang mga yan [missing sabungeros]."

Pinangalanan din ni Patidongan ang "babaeng artista" na sangkot din umano sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

"Yang artista na yan, walang iba kundi si Ms. Gretchen Barretto.

"Hundred percent na may kinalaman siya at gawa na lagi silang magkasama ni Mr. Atong Ang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Panawagan ko lang sa kanya, para naman medyo maano siya, makipagtulungan na lang siya sa akin."

Kilalang malapit si Atong kay Gretchen, na madalas makita noong magkasama sa iba't ibang lugar, kabilang na sa mga sabungan.

Read: Gretchen Barretto, Atong Ang spotted at cockfighting event

atong ang gretchen barretto
Gretchen Barretto and Atong Ang spotted together at Matira Matibay 12-Stag Derby in Cavite last July 30, 2021.
Photo/s: Kawa Gamefowl on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHY PATIDONGAN DECIDED TO SPEAK OUT

Tila naghugas naman ng kamay si Patidongan nang tanungin ni Sumangil kung bakit kasama siya sa mga kinasuhan sa mga nawawalang sabungero.

"Sa totoo lang, wala akong kinalaman diyan at isa lang akong utusan niya [Atong Ang] bilang farm manager," sabi niya.

May inuutusan umanong mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) para dumukot sa mga nawawalang sabungero.

Nagbigay rin ng reaksiyon si Patidongan sa paghahain ni Atong Ang ng reklamo laban sa kanya dahil sa pagdadawit niya sa negosyante.

Sabi niya, "Parang kinasuhan na rin niya yung sarili niya dahil ako ang kakasuhan niya. Siya naman ang nag-uutos ng lahat."

Pinabulaanan din ni Patidongan ang alegasyong nangulimbat siya ng PHP300 million at bilyonaryo na siya ngayon.

"Sabi nga ng matatanda, huwag ka nang magtago sa palda ng nanay mo," mensahe pa niya kay Atong Ang.

Nanawagan din si Patidongan sa apat na dating guwardiya, na nakiusap sa kanyang huwag silang idawit, na lumantad na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Patidongan, ilang araw mula ngayon ay tuluyan na siyang lalantad kapag nakumpleto na nila ang mga dokumento para sa paghahain niya ng pormal na reklamo.

Sinabi ni Patidongan na kaya siya lumutang ngayon ay dahil pinagkakatiwalaan niya ang bagong talagang PNP chief na si General Nicolas Torre.

Nakiusap din si Patidongan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan siya dahil lahat umano ng kanyang sinasabi ay "walang kasinungalingan at walang perang kapalit dito."

Ayon sa GMA Integrated News, mariing itinanggi ng kampo ni Atong Ang ang mga alegasyon ni Patidongan.

Maghahain din daw sila ng complaint affidavit laban dito.

Wala pang pahayag si Gretchen Barretto at ang iba pang mga isinangkot ni Patidongan.

Read: Female celebrity allegedly involved in case of missing sabungeros

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alias Totoy, who finally identified himself as Julie Patidongan (inset), links businessman Atong Ang and actress Gretchen Barretto to missing sabungeros case. He also accused Atong Ang of being the "mastermind."
PHOTO/S: Facebook / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results