Malinaw pa sa alaala ng Kapuso actress na si AZ Martinez kung paano siya nangarap noong maging housemate sa sikat na Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother (PBB).
Hanggang sa dumating ang araw na matupad ito nang maging official housemate at mapabilang siya sa Big Four ng PBB: Celebrity Collab Edition.
Si AZ at ang ka-duo niyang si River Joseph o AzVer ang hinirang na Fourth Big Placer Duo sa edisyon ngayon ng PBB.
Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition
Sa Instagram nitong Lunes, July 7, 2025, binalikan ni AZ ang kanyang naging PBB journey.
Kasama na rito ang mga aral na kanyang natutunan sa pananatili ng halos apat na buwan sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Ayon kay AZ, sa PBB niya naipakita ang kanyang "soft" side, malayung-malayo sa pagkakakilala ng kanyang pamilya na siya'y matapang at matatag.
Read: AzVer at DusBi, nakaka-inspire, nag-trending
Mababasang post ng Kapuso actress: "Laging aahon, malakas man ang alon. #AZVER
"I remember auditioning with no expectations. I didn’t think I’d even make it as a housemate. Isa lang ‘tong pangarap na akala ko hanggang imagination lang. Until one day, it was official!
"Four months sa loob ng Bahay ni Kuya, grabe. It was full of lessons, breakdowns, breakthroughs, tears, and growth.
"My journey was far from perfect, but I would never trade it for anything else.
"Known as the 'strong one' in my family, for the first time I allowed myself to be soft, to be weak, to be vulnerable, to be human. And that changed me.
"I poured so much of myself into this experience. I got to know parts of me I had ignored for so long.
"And because of Kuya, the housemates, and the challenges, I came out a different kind of strong.
"They didn’t just see me, they stood by me, believed in me, and helped me believe in myself again."
AZ MARTINEZ THANKS SUPPORTERS
Hindi raw sukat-akalain ni AZ na bubuhos ang suporta at pagmamahal ng taong-bayan dahil sa kanyang pagpapakatotoo.
Nang pumasok daw kasi siya sa PBB house ay wala siyang in-expect na mamahalin siya ng taong-bayan.
Kita at ramdam daw ito ni AZ noong Big Night nang makita niya ang naglalakihang LED at banners nila ng ka-duo niyang si River.
Mayroon ding bus na napapalibutan ng sticker nila ng kapwa housemate na si Ralph de Leon.
Saad ni AZ: "Then came Big Night. Standing on that stage with River by my side, hearing our names called, it didn’t feel real.
"That moment alone already felt like the biggest win. And the second I stepped outside, nakita ko kayo.
"The banners, the LED signs, the cheers… May bus. May billboard. May truck. Sabi ko, 'Grabe.. dati pangarap ko lang to.'
"I was frozen, overwhelmed, and filled with gratitude. Hindi ko alam kung anong uunahin, umiyak, ngumiti, or tumitig lang sa lahat ng pagmamahal na bumungad sa akin."
Dahil dito, labis-labis ang pasasalamat ni AZ sa mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya.
Aniya, utang nila ni River sa mga ito kung ano at nasaan sila ngayon.

Pahayag ni AZ: "To every fan, every new family we found through this journey, thank you for showing up for us, for believing in me, in our duo, and for making the impossible feel possible.
"I fought inside the house, but seeing how you fought for us out here, grabe.
"Kayo ang dahilan kung bakit umabot kami sa dulo. Kayo ang dahilan kung bakit natupad yung mga pangarap namin ni River."
Nagpasalamat din si AZ sa mga boss ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA-7, na nagtiwala at nagbigay sa kanya ng oportunidad na mapabilang sa PBB: Celebrity Collab Edition bilang official housemate.
Hindi rin nakaligtaang banggitin ni AZ ang ABS-CBN at ang PBB.
Mensahe ni AZ, "Maraming maraming salamat po sa tiwala!!! GMA Network, Sparkle GMA Artist Center, Annette Gozon Valdes, Joy Marcelo, Tracy Garcia, Julie Jose, ABS-CBN, PBB.
"This may have been the first, but because of all of you, I’m walking away with something so much more: faith, family, and the courage to keep dreaming out loud."
Dagdag pa niya, "Mahal na mahal ko kayo. Maraming salamat sa tiwala."
RIVER JOSEPH CONCLUDES HIS PBB JOURNEY
Kabaliktaran ng mahabang appreciation post ni AZ, naging matipid naman ang pagbabalik-tanaw ni River sa naging journey niya sa PBB.
Kalakip ng mga kuhang litrato nila ni AZ sa Big Night, ang caption lang dito ni River ay, "118 days later. #AZVER."
Sa mga masugid na tagasubaybay ng PBB, hindi na bago para sa kanila ang matipid na caption na ito ni River.
Noong nasa loob pa lang sila ng Bahay Ni Kuya ay nabanggit na ni River na ito ang magiging caption niya sa kanyang post pagkalabas na pagkalabas niya ng PBB house.
