PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Giselle Sanchez regrets playing Cory Aquino in Maid in Malacañang

Giselle: "Sana inisip ko nga naman na taga-UP ako, sana inisip ko yung bansa ko."
by Arniel C. Serato
Published Jul 11, 2025
Giselle Sanchez regrets Cory Aquino role in Maid in Malacanang
Director Darryl Yap (inset) reacts to Giselle Sanchez's revelation that she regretted playing the role of Cory Aquino (right photo) in Maid in Malacañang: "Ang hindi ko lang gets ay yung 'Taga-UP ka pa naman bakit tinanggap mo yan.' Bakit? Iba ba ang hangin sa UP?"
PHOTO/S: Courtesy: Stanley Chi / Darryl Yap on Facebook / X

Malaki ang pagsisisi ng actress-host na si Giselle Sanchez na tinanggap niya ang role bilang si dating Pangulong Cory Aquino sa pelikulang Maid in Malacañang noong 2022.

Ang Maid in Malacañang ay tumalakay sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Palasyo noong kasagsagan ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Ang pelikula ay idinirek at isinulat ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap.

Read: Cesar Montano, Diego Loyzaga to play Ferdinand Marcos Sr. and Jr.

Sa panayam kay Giselle ng programang Long Conversation: The Men's Room ng One News, sinabi nitong hindi niya masyadong pinag-isipan ang pagtanggap ng role bilang Cory.

Giselle Sanchez during her guest appearance on Long Conversation on One PH.
Giselle Sanchez during her guest appearance on Long Conversation on One News.
Photo/s: Courtesy: News5Everywhere on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng kanyang pahayag: “Pinagsisihan ko yun.

"Di ba nga sabi nila, 'Giselle, U.P. ka, bakit mo ginawa yun?' Ganun.

"Di ko inisip, e. Sana inisip ko nga naman na taga-U.P. ako, sana inisip ko yung bansa ko bago ko tinanggap yun.

"Kasi iniisip ko lang, 'Artista ako.'"

Si Giselle ay kumuha ng kursong Mass Communications sa University of the Philippines (UP) Diliman, kung saan nagtapos siyang magna cum laude.

Ayon pa sa lumabas na balita, iniyakan daw ni Giselle ang bashing na natanggap niya dahil sa pelikula.

Isa sa kontrobersiyal na eksena sa Maid In Malacañang ay ang pakikipag-mahjong ni Cory sa tatlong madre.

Read: Kris Aquino slowly gaining weight

DARRYL YAP REACTS TO GISELLE SANCHEZ'S STATEMENT

Sa Facebook ngayong araw, July 11, 2025, nagbigay ng kanyang reaksiyon si Darryl Yap tungkol sa pahayag ni Giselle na nagsisisi itoing gumanap bilang Cory Aquino.

Ayon sa direktor, naiintindihan niya ang saloobin ni Giselle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inihanda rin daw niya noon ang cast ng pelikula na maaring makatanggap sila ng papuri o kaya ay bashing dahil sa mga ginampanang roles.

Sabi ni Darryl (published as is): "Tungkol sa pahayag ni Giselle Sanchez patungkol sa kanyang regret sa pagganap na Cory sa #MiM

"Naiintindihan ko po ang sentimyento niya,

"sa totoo lang, naging regret din siya ng production;

"kasi lahat ng kasama sa pelikula, artista man o nasa likod ng camera ay may taglay na kahandaan sa opinyon ng publiko—paninira man o papuri.

"Si Giselle ang talagang nabasag at naapektuhan,

"siya ang inalala ng team.

"Pinaghanda ko ang mga bubuo ng pelikula—

"hindi lamang dahil sa Maid in Malacañang ito

"kundi dahil sa 'ako' ito."

DARRYL YAP: "IBA BA ANG HANGIN SA UP?"

Alam din daw ng kontrobersiyal na direktor na iilan lamang ang may gustong makatrabaho siya.

Ang hindi lamang daw matanggap ni Darryl sa statement ni Giselle ay ang pagbanggit nito kung saan siya nagtapos ng kolehiyo, ang University of the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: "Ilan lang ang may gusto at may kaya akong makatrabaho, at hindi ko iyon tinitignan na kabawasan, iyon ay mabisang pansala sa mga di kanais-nais na elemento sa showbiz.

"ang hindi ko lang gets ay yung 'Taga-UP ka pa naman bakit tinanggap mo yan'

"Bakit? Iba ba ang hangin sa UP?

"yung pag-in-inhale mo ay pwede kang maging maingay at makasakit sa mga opinyon mo pero pag nakarinig ka ng makakasakit sa iyo ay hahagulgol ka? yan ang di ko gets."

Sa kabila nito, mananatili raw ang respeto ng direktor sa sining ng bawat isa.

"Mananatili ang aking paggalang sa sining ng bawat isa, karangalan "kong mapasama sa listahan ng mga gusto at ayaw na makatrabaho sa industriya.

"kasi yun lang naman ang mahalaga,

"kahit anong listahan pa yan…

"nasa listahan ka.

"Salamat po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: RaWi, natuwa sa mga bansag na "Saing King" at "Nation's Son"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Darryl Yap (inset) reacts to Giselle Sanchez's revelation that she regretted playing the role of Cory Aquino (right photo) in Maid in Malacañang: "Ang hindi ko lang gets ay yung 'Taga-UP ka pa naman bakit tinanggap mo yan.' Bakit? Iba ba ang hangin sa UP?"
PHOTO/S: Courtesy: Stanley Chi / Darryl Yap on Facebook / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results